13

71 1 0
                                    

Chapter 13

Nanonood si Damon sa batang nakikipaglaban sa mga duwende, at namangha siya sa paraan ng pakikipaglaban nito, na parang sumasabay lamang sa hangin sa subrang gaan at liksi. Tumalon ang paslit sa ere at binato ng asul na apoy ang tatlong duwende, naghiyawan ang mga duwende at kumaripas ng takbo upang umatras sa laban. Nang lumapag na ito sa lupa ay tumakbo ulit ito patungo sa kanya, at nang malapit na ito sa kanya tumalon ito sa taas ng katabi niyang puno at tumuntong sa sanga. Gumawa ito ng napakalaking asul na apoy at ibinato sa natitirang mga duwende, umatungal ang mga ito dahil sa laki ng pinsala nilang natanggap mula sa paslit, at gaya n'ong tatlong duwende kumaris ang mga ito ng takbo.

Tumalon si Treno sa harapan ni Damon at pinagpag ang mga kamay. Tumaas ang kilay niya at tinitigan si Damon mula baba pataas.

"Sino ka? bakit kakaiba ang anyo mo?" matapang na saad ng Treno.

Tumayo si Damon at ngumiti sa bata, hindi niya mawari bakit napakagaan ng loob niya sa bata.

"Damon aking ngalan, ikaw?" nakangiting saad ni Damon.

Dahan-dahan na inikutan ni Treno si Damon na parang kinikilatis ito. Hinimas-himas pa niya ang baba, at ang isang kamay ay nasa baywang.

"Hindi ka taga rito tama ba ako ginoo?" tanong ulit ni Treno na parang matanda kung magsalita.

Natawa si Damon sa inaasal ng bata.
"Oo mula ako sa mundo ng mga tao, narito ako upang kunin ang aking asawa."

Napahinto si Treno sa pag-ikot, may galak at gulat ang bumalatay sa mukha niya.

"Talaga? mula ka sa mundo—"

"Treno! Treno! Nasaan kang bata ka!"

Nataranta si Treno at hindi malaman ang gagawin, agad niyang hinila si Damon at tumakbo patungo sa ilog.

"Ginoo, dito ka lang baka makita ka ni ina, paniguradong..." umaksyon si Treno na ginilitan ang leeg gamit ang hintuturo na daliri, at itinuloy ang sasabihin. "Kaya huwag kang gagalaw dito maliwanag ba? babalikan kita dito pagkalipas ng isang oras, naiitindihan mo ba?"

Natatawa at tumango si Damon. Bago umalis si Treno ay nilingon muna nito si Damon at suminyas na doon lamang siya at huwag aalis sa pwesto.

"Ina!" tawag pansin ni Treno kay Wiena.

"Kanina pa kita hinahanap! anong oras na at nalipasan kana ng pagkain!" inis na saad ni Wiena.

"Nako ina, hindi pa naman ako gutom. Sinubukan ko lang ang bagong kapangyarihan ko na asul na apoy! napakalas nito ina!" masayang ni Treno, na may pagmamalaki habang nagsasalita.

Napapailing na lamang si Wiena at hinawakan si Treno sa kamay, at nagteleport patungo sa palasyo.

"Matulog kana, para lumaki ka kaagad. Huwag kang magkakamali na tumakas ulit maliwanag ba?" bilin ni Wiena.

Tumango lang si Treno at humiga sa kama.

"Nariyan sa labas si Kuloy, siya ang magbabantay sayo, may pupuntahan lang ako saglit."

Tumango ulit si Treno at ipinikit na niya ang mga mata. Hinalikan ni Wiena ang noo ni Treno bago umalis.

Nang makaalis si Wiena ay agad na tumayo si Treno at pinakiramdaman kung malayo na ba ang ina. Nang masiguro na malayo na ito ay sinimulan na niya ang balak.

"Waaaa! ang sakit! ang sakit!" nakasigaw na saad ni Treno, at kunwaring namimilipit sa sakit.

Natatarantang pumasok sa loob ng silid si kuloy at siniyasat si Treno.

"Prinsipe Treno? anong nangyayari sa'yo?" kinakabahang tanong ni Kuloy.

"Tawagin mo ang punong manggagamot! subrang sakit ng aking tiyan! madali!"

"Ha? ngunit ako'y malalagot sa iyong ina—"

"Waaaaaaa! Waaaaa!" palahaw na iyak ni Treno.

Natarantang lumabas ng silid si Kuloy at tinungo ang silid ng manggamot.

Humagalpak ng tawa si Treno at tumayo. "Uto-utong Kuloy!" napapailing at tumatawang saad ni Treno. Patago siyang lumisan sa palasyo upang magtungo sa lalake na bago niyang kakilala.

"Kamusta ginoo?"

Nagulat si Damon sa biglang pagsulpot ni Treno.

"Narito kana pala 'di ko namalayan," saad ni Damon at lumuhod para magpantay ang taas nila.

Hindi maiwasan ni Damon na titigan si Treno dahil nakikita niya ang sarili dito.

Tumango-tango si Treno at tinapik-tapik ang balikat ni Damon.
"Natakot kaba? huwag kang mag-alala takot sa'kin ang mga nilalang dito."

"Pareho ang kulay ng buhok at mata natin," nakangiting saad ni Damon.

"Oo nga nakikita ko at ang hugis ng mukha natin, ngunit mas guwapo naman ako sayo. Maraming babae ang nais na maging kasintahan ako!" taas noong saad ni Treno. Ipinakita pa niya ang braso at tinapiktapik.

Subrang naaliw si Damon at hindi matigil ang katatawa.

"Ano nga ulit ang ipinunta mo dito sa mundo namin?" seryosong tanong ni Treno.

"Para kunin ang aking asawa,"

"Asawa? Anong pangalan niya, at baka matulungan kita. Kinuha ba siya ng mga itim na engkanto? hay nako hindi talaga masaway-saway ni Lolo ang mga suwail na itim na engkanto! mabigat na ipinagbabawal ni lolo na huwag nang kukuha ng mga tao!" napapailing na saad ni Treno. Hinila niya ang kamay ni Damon at inakay para paupuin sa bato. Tumabi siya kay Damon at nakipagtitigan.

Ginulo ni Damon ang buhok ni Treno, na agad naman tinapik ni Treno ang kamay ni Damon.

"Ts! huwag mong hahawakan ang ginto kong buhok!" paingos na saad ni Treno.

"Haha, Wiena ang pangalan niya. Siya ang pinakamagandang babae na nakita ko sa buong buhay ko," tugon ni Damon. Mababanaag sa mga mata niya ang pagmamahal at pangungulila kay Wiena.

"Hmmm.... Wiena, parang narinig ko na 'yan, ngunit wala akong maalala na may Wiena dito." saad ni Treno at napakamot sa kilay.

"Gayon ba? kanina pa pala tayo nag-uusap, hindi ko pa alam ang pangalan mo."

"Treno! ikaw?"

"Nagpakilala na ako kanina paslit, Damon ang pangalan ko," naiiling na saad ni Damon.

Natigilan si Treno at tinitigan ng mabuti si Damon.

"Ma-maari bang magkuwento ka tungkol sa asawa mo?" utal na saad ni Treno.

"Saglit... kilala mo ba ang hari ng mga itim ng engkanto?" biglang naalala ni Damon, na binanggit dati ni Wiena na anak daw ito ng hari ng mga itim na engkanto.

Napalunok ng laway si Treno at nanlabo ang mga mata. Ayaw niyang umasa hanggat hindi pa niya natitiyak ang naiisip niya.

"O-oo ba-bakit?" garalgarl na saad ni Treno. Pinipigilan niyang 'di maiyak.

Nataranta naman si Damon nang makita na parang maiiyak na si Treno.

"Bakit ka naiiyak?" nag-aalalang tanong ni Damon.

"Sagutin mo ang tanong ko!" pasigaw na saad ni Treno.

Natigilan naman si Damon sa inasal ni Treno at kunot-noong sumagot.
"Dahil anak siya ng hari ng mga itim na engkanto."

Tuloyan nang tumulo ang mga luhang pinipigilan ni Treno. At napapalahaw ng iyak.

"Treno bakit? may nasabi ba akong mali?" kinakabahang saad ni Damon, dahil walang tigil kaiiyak si Treno.

"Ba-bakit! ba-bakit ngayon ka lang!" utal na saad ni Treno, habang sumisinghot-singhot.

"Ha?" nagtatakang tanong ni Damon.

"Ama!" malakas na sigaw ni Treno at tumalon kay Damon, sabay yakap ng mahigpit.

Hahamakin Ang LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon