Chapter 27 History

12 1 0
                                    

Keira's POV

Pasukan nanaman, umaasa pa din ako na makikita ko na si Stephen ngayon. Tapos na ang bakasyon pero hindi ako nakatulog ng maayos. Hindi lang dahil kay Stephen pero dahil din kay Daryl at Nina.

Bakit kamo?

Una kay Nina. Napapansin ko kasi na medyo umiiwas siya. Hindi ko alam kung bakit pero hindi na siya masiyado sumasama sa amin ni Mika. Nag aalala ako sa kanya. Baka kasi nay problema siya na hindi sinasabi sa amin.

Then kay Daryl. Wala kaming problema ni Daryl sa ngayon pero simula nung naging kaming dalawa na. Tuwing bubuksan ko ang account ko sa facebook sangkatutak na messages at notifications ang tumatambad sa akin.

Nung una akala ko kung ano lang. Pagtingin ko, parang ayoko na mag facebook.

Messages:
Karla Mendoza : Hey whoever or whatever you are! Tigil tigilan mo na ang pag gayuma kay Daryl!

Phoebe Lacsamana: Girl. You look like his maid. Daryl is blind. Sad. But true.

Mimi Kiwini: Subukan mo lang saktan si papa Daryl namin papatayin kita!

Vivian Indian: Magsasawa din siya sayo. Bruuuh

Andami kong hate messages hindi naman ako artista pero pati sa school namin ang dami kong haters. Nangangamba na tuloy ako pagpasok ko baka i-bully nanaman ako.

*flashback*

Nagbabasa ako mag-isa sa likod ng classroom ng may lumapit sa akin.

"Hey gawa mo nga ako ng assignment!" Nakatayo ngayon sa harap ko ang classmate ko na maganda nga, pero alam mo na..

Simula nung nawala si Stephen wala na akong naging kaibigan. Kaya lalo tuloy akong nagmukhang mahina.

"S-sige." Pumayag na lang ako sa gusto niya. Ayoko kasi humaba pa yung usapan.

Naulit ng naulit yung ganung pangyayari ng..

"Keira! Exam week na. Alam mo na ah. Bigay mo sakin lahat ng answers kundi lagot ka sakin!"

Nung exam na namin. Tumabi sakin yung babae na yun at kinopya buong exam ko kulang na nga lang pati pangalan ko kopyahin niya.

"Tolentino and De Guzman!" Patay. Sabi ko sa sarili ko. Lumapit sa amin ang teacher at sabay kinuha yung exam namin.

"Straight to the principal's office right now!" Ramdam mo talaga galit ng principal namin sa pagsigaw niya na yun.

Nakakahiya kasi pinagtinginan kami ng mga classmate ko. Especially me. Hindi ko talaga ugali ang magpakopya o kaya mangopya that's why they look at me with disapppointment and disgust.

Pagdating sa principal's office naupo kami agad at magsasalita pa lang ang headmistress namin ng magsalita tong classmate ko.

"Huhuhu she made me do it. Galit po siya sakin kaya gusto niya ako gantihan." Aba ayos to si ate.

Natapos ang usapan ng hindi ko manlang na-defend ang sarili ko. Sabi ng principal makikick-out daw ako serious offense daw kasi ang cheating. Bibigyan lang daw niya ako ng 1 week para makalipat ng school.

Nag cr ako kasi gusto ko maglabas ng sama ng loob. Paano ko ngayon sasabihin to sa parents ko? Umiyak ako ng pumasok din sa cr yung classmate kong nagpahamak sakin.

"Buti nga sayo. Cheater! Akala ko ba matalino ka?" Tinataasan niya pa ako ng kilay. Nakatayo lang ako at nakayuko sa harapan niya ng magsalita ulit siya.

"Alam mo kung ano nababagay sayo? Hindi lang makick-out! Dapat sayo nginungudngod sa toilet bowl!!" Sinabunutan niya ako ng pumasok kami sa isang cubicle at nilalapit na niya ang mukha ko sa kubeta ng sumigaw siya.

"Aaaaaahhh! What the hell!!!" Natanggal tuloy pagkakasabunot niya sakin at napatingin ako sa kanya.

Basang basa siya ngayon ng tubig.

"You know. Its either you tell the truth or I'll justify on what have you done." Si Nina. Ang pinakamaganda sa klase. Every year siya ang class muse namin.

"Hoy teh, hindi lang yan aabutin mo sakin kung hindi ka aamin!" Si Mika naman, best friend ni Nina. Maganda din siya kaso total opposite ng ugali ni Nina.

Pinanunuod ko lang sila. Bakit nila ginagawa to?

"Y-yes sorry Nina and Mika I'll head over to tell the headmistress kung ano talaga ang totoo." Aba takot na takot ka ngayon ah.

Umalis na yung babae at naiwan kaming tatlo sa cr.

"T-thank you sa inyo." Nahihiya kong sabi.

"It's okay. We just don't like innocent people being bullied." Sabi ni Nina habang naka-smile.

"Since wala naman na yung friend mo. I forgot his name eh. Hayaan mo na nga yun. Basta. Samin ka na sasama ha?" Ngumiti lang ako at tumango.

Tuluyan ng nakick-out yung babae na yun at napawalang sala ako at bumalik na sa dati ang school life ko.

At doon nagumpisa ang friendship naming tatlo.

*end of flashback"

Tinetext ko si Stephen pero hindi pa din siya nagpaparamdam. Wala na talaga akong balita sa kanya.

"Okay ka lang ba?" nakasakay ako ngayon sa kotse ni Daryl. Papunta na kami sa school. Buti na lang at nagagamit na niya talaga tong kotse niya. Hindi lang pang malapitan na lugar pwede na ngayon sa school dahil nga may license na siya.

"O-okay lang ako." sagot ko ng tumingin ako sa bintana. Andito na din pala kami.

Pagbaba namin ni Daryl. Ang dami agad tao sa parking lot. Pinagtitinginan kami na akala mo bagong studyante lang kami dito.

"Tignan mo siya oh feel na feel." rinig kong sabi ng isang babae.

Tumingin ako kay Daryl. Ngitian niya ako habang ako naman naiilang kasi magkahawak kamay kasi kaming pumasok sa school.

Feeling ko their eyes are throwing daggers at me dahil nga kasama ko si Daryl. Bakit nuon hindi nila masyado pinapansin si Daryl? Kung kailan naging kami tsaka sila nagkakaganyan.

Nakarating na kami sa classroom at napansin ko wala si Stephen. Pero si Mika at si Nina nandito na.

"Good morning bffs! Kumusta bakasyon natin ha? Hindi manlang kayo masyado nagparamdam." Bati ko sa kanila habang nakaupo na ako sa assigned seat si Daryl naman umupo na din sa tabi ni Nina.

Lumapit si Mika sa amin.

"Okay lang yung akin na meet and greet ko ang KathNiel ehh kay Nina wala akong balita." sabi ni Mika at umupo sa tabi ko.

"I'm just busy." plain niyang sagot habang may binabasa na libro.

"Ohh busy ka? Kailan pa?" panguusisa ni Mika.

"Nung vacay lang." nakikinig lang ako habang pinapanuod ko magbasa si Nina. Yung libro nakaharang na sa mukha niya kaya nabasa ko ngayon ang title..

Getting what's rightfully yours

Hmm strange. Sa pagkakaalam ko hindi masyado mahilig magbasa din tong si Nina.

=========

Dumating na ang Adviser namin at as usual, kinumusta lang bakasyon namin kung ano daw ba new year's resolution namin at kung ano-ano pa. Nagkainteres lang ako nung binanggit niya ang tungkol sa prom.

Prom. 1 month na lang pala. Dati wala akong pakialam kung kami-kami lang ulit tatlo ng mga kaibigan ko magiging mag partner sa prom. But since may boyfriend na ako, ibang usapan na ngayon.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Girl Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon