Chapter 3 Best friends

192 9 4
                                    

Nina's POV

"Daryl.." Pino-poke ko -slash- ginigising ko si Daryl kasi nasa desk niya ang notebook ko. Naipatong ko kasi kanina. Just don't ask me why. Nakakainis naman 'tong si Daryl eh ayaw pa gumising ng makuha ko na ang aking precious notebook. Bilib naman ako kay Daryl masyado at nagawa na niyang makatulog ng ganun lang kabilis.

"Daryl could you please wake up?" nakatayo na ako ngayon sa harapan niya. Si Keira ayun tinatawanan ako. She knows that I don't like waiting. I'm very impatient. Bigla naman nagsalita si Daryl.

"Ma, it's Saturday. No classes" Geez, is he dreaming already? "Daryl! Wake up andyan na si ma'am!" Niloko ko siya. Bigla naman siyang napabangon. "Wh-What? Ohh.. N-Nina, ikaw pala. Sorry ano ulit k-kailangan mo?" Natakot ko ata siya. Hmm, he looks cute when frightened and at the same time, stuttering.

"Just hand me my notebook" utos ko at inabot naman niya agad. "Sorry N-Nina, eto na y-yung notebook m-mo." nauutal nanaman siya. Para siyang naiilang sakin. "Its fine." Cool kong sagot sa kanya.

The day passed like an hour. Nakakatamad talaga, ayaw ko pang umuwi mas Bow-ringgg samin. Niyaya ko sina Keira at Mikaela sa mall, malibang manlang.

=========

Keira's POV

Niyaya kami ni Nina sa malapit na mall sa school namin. Sanay na kami. Madalas kasi kaming yayain ni Nina kung saan-saan malibang lang siya. Hindi kasi siya umuuwi agad. She is the only child/only daughter of her parents. Isa pa, lagi wala ang parents niya. You know rich people have a family like her. Too cliche huh? Oo, ganun na nga kaya naiintindihan ko kung bakit ganun si Nina Herrera -slash- Bestfriend ko.

Andito kami ngayon sa isang sikat na fast food chain. Magkatabi kami ni Mika at katapat namin si Nina habang kumakain, nagke-kwentuhan kaming tatlo about our day.

"Kung maka-smile ka nga sa katabi mo wagas eh." Sabi ko kay Mika. "Hindi mo kasi talaga mae-explain pag crush mo ang tao, minsan mapapa-smile ka na lang at lahat ng kakornihan sa buhay ay magugustuhan mo. Hay nako bata ka pa talaga Keira wala ka pa talagang alam sa lovelife." sabi naman ni Mika sa'kin.

"Ano sa tingin mo Nina" sabi ko. "I don't know. Wag niyo na lang ako isali sa pinag-uusapan niyo" cold niyang sagot. "Kahit kailan napaka-misteryosa mo Nina ganyan ka, di ka pala kwento. Mga bitter kayo che! Sarap kayang ma-inlove. Palibhasa 'di pa kayo nagkaka-boyfriend" sabi ni Mika.

"Darating yan kung darating friend. Hindi naman kasi kami nagmamadali like you." sagot ko sa kanya.

Tumayo na kami dahil tapos na kaming kumain at upang umuwi na. Napagod kasi kaming tatlo kaka-window shopping kanina.

Nag-paalam na ako sa dalawa kasi pareho sila ng route pauwi. Ako, sumakay na ako ng jeep at umuwi mag-isa.

Sa pinaka-bungad ako ng jeep sumakay ng iabot ko na ang bayad ko sa katabi ng katabi ko. Napatingin ako sa taong nag abot ng bayad ko.

Si Daryl. Medyo trending kami today ano? 

"Ikaw pala yan Daryl!" Bigla kong sabi. Tutal naumpisahan ko na ang conversation na 'to, "Pauwi ka na din?" Ayy hindi papasok pa lang sa school. Ano ba Keira! Classmate mo lang yan wag ka ngang nerbyosin diyan! Hindi mo yan teacher.

"Oo eh." matipid niyang sagot. "Ahh." Mas matipid kong sagot. Pwede na siguro yun hindi ko na dadagdagan usapan namin baka kasi isipin niya napaka-usisera ko namang babae. Ang awkward naman kasi palagi eh.

Malapit na akong bumaba sa Subdivision namin ano kayang sasabihin ko sa kanya? Bahala na nga. " Para po! Uyy Daryl una na ako ha." sabi ko with a smile. "Sige ingat ka kasi medyo gabi na." sabi niya. Uminit mga pisngi ko. First time lang may nagsabi ng ingat at nag-alala sakin na lalaki bukod sa papa ko. Haaaay Keira, malisyosa ka talaga. Syempre classmate ka niya at sinasabi niya lang yun para may masabi siya. Inalis ko kaagad sa isip ko ang naramdaman ko. Tama, tama wala lang yun sa kanya.

Tumayo na ako sa gate namin at nag-doorbell. Pinagbuksan ako ng maid namin at dumiretso na ako sa kwarto ko.

==========

Daryl's POV

"Ikaw pala Daryl"

"Pauwi ka na din?"

"Daryl una na ako"

Pumapasok sa isip ko mga sinabi ni Keira. If I will describe Keira, masasabi ko lang? MARIA CLARA. Para kasi siyang dalagang pilipina. Nevermind her. All that matters is Nina. Bakit nga ba nauutal ako kanina pagkaharap at kausap ko siya? Siguro nga nahiya ako kasi pinapangarap ko siya.

Will I consider Keira? Okay naman siya ah? Hmm. Maybe? Bahala na. Pero Nina Herrera pa din talaga ako.

Nakapag-palit na ako ng damit at binagsak ang katawan ko sa kama. Napaisip nanaman ako. Bago ako grumaduate maganda magka-girlfriend manlang ako. Pero siyempre. Mag-aaral naman ako maigi no. Kahit ganito lang ako na-mapangarap sa girls eh mataas naman grades ko. (Weh?) Onaaah sige na. Average lang grades ko. Nakakahiya naman kasi papasok ako ng college hindi ko pa nae-experience kung ano yung spark. Nakakahiya mang aminin wala din akong first kiss at yung ano.Kahit na marami akong ka-fling, it doesnt literally mean na I let girls touch me where they want.  Akala niyo siguro sa panahon ngayon lahat ng lalaki hindi na malinis no? Hindi oy. Andito pa ako!

Corny? Not really. I'm just a hopeless romantic. Ayan na inamin ko na. Hopefully Nina will be the right girl. Tutal she's the only girl I dreamt of. Then, I actually fell asleep without having dinner.

==========

A/N follow up chapter. Ayaw ko kayong bitinin eh. Sinusulit ko na din habang hindi pa ako nag-oojt.

xoxo

ColdLikeRylai ♥ ♥

A Girl Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon