Keira's POV
Nandito na kami ngayon sa mall. Naiilang pa din ako na kausapin at humarap kay Daryl. Haiiisssst. Malisyosa naman kasi ako masyado. Hindi tuloy ako maka-move on sa nangyari kanina.
Sino ba naman makakalimot agad kung yung taong gusto mo nakahalik sayo? Sige nga?
Diba wala?
Nauna ang mga lalaki na makapasok sa mall dahil maiksi lang ang pila sa inspection para sa mga lalaki. Nung nakapasok na din kami ni Mika, biglang may sinabi si Mika.
"Ahh oh sige bili muna kami ni Stephen ng pwedeng panregalo sa department store kita na lang ulit tayo dito ha? Bye bff have a great day!"
Aba talaga tong babaeng to napakapilya.
Tinignan ko lang sila na dirediretsong naglalakad. Si Stephen naman, walang reaksyon sa sinabi ni Mika. Eto ako ngayon.. Kasama si Daryl na naiilang pa din at hindi ko magawang tignan siya.
"So Keira, may gusto ka bang puntahan?" tanong sakin ni Daryl habang nasa gilid ko sya at hindi ko naman siya tinitignan.
"Ahh kahit saan na lang." walang kwenta kong sagot.
"Sige tingin na din muna tayo ng panregalo. Sino nga pala nabunot mo?" nagumpisa na din kami maglakad lakad papunta sa department store.
"Ahh ang code name Iron Man ehh. Sayo sino?" korni korni ng code name kung sino man siya. Umaasa ako na ako nabunot nya.
"Oh talaga? Iron Man? Hmm Barbie ang code name nung nabunot ko ehh. Ikaw ba yun?" diretsong tanong nya sakin. Barbie? Sino yun? Sayang akala ko pa naman mabubunot nya ako.
"Hindi eh. Hindi ako yun." malungkot kong sabi. Tumingin na kami sa mga damit, sa bag, sa sapatos, libro lahat lahat na ata at nakabili naman kami. Pero hindi kami magkasama nung namili kasi makikita namin kung ano binili ng isa't isa eh.
Pati pagpapabalot ng pinamili mgkahiwalay kami. Nung nagkita na ulit kami tinanong nya ako kung gusto ko kumain..
"Sige gutom na din ako eh. Basta ba libre mo ha." medyo hindi na ako naiilang sa kanya. Medyo kumportable na din ako pag kasama ko si Daryl.
"Syempre naman hindi dapat pinagbabayad ang mga babaeng tulad mo no." hindi ko alam kung bakit kinilig ako kahit puro kakornihan lang naman sinabi nya.
Nandito na kami ngayon sa isang fine dining restaurant. Sa totoo lang medyo umay na ako sa ganitong klaseng kainan. Pero sige libre naman nya ehh.
Inalalayan nya muna na makaupo muna ako bago sya makaupo at pagkaupo namin may nag serve na ng tubig sa amin at agad naman akong uminom.
Enebe. Masyado akong naiilang at ninenerbyos. Magkaharapan na kasi kami ngayon ni Daryl sobra na akong naiilang.
BINABASA MO ANG
A Girl Like Me
Teen FictionMay iba't ibang uri ng babae sa mundo. May mga babaeng maaarte, tipong hindi mo sila agad masasatisfy. Meron ding mga babaeng hindi makuntento sa isa. Ano nga bang tawag du'n? Whore ba? Slut ba? Makati ba? Malandi ba? Hindi nila alam ang salitang pa...