Chapter 15 Sweetness Overload

113 7 4
                                    

A/N Soundtrip nenemen. Paki-pakinggan na lang pag may cue na. Thank youuu!

=======

Keira's POV

It's a beautiful sunday morning! Medyo masakit pa ulo ko from last night pero bumangon pa din ako kasi hindi naman din ako sanay na late gumising. Dinala ko si Kisses (pet kong Beagle) para mag jogging dito lang sa subdivision namin.

Sinalpak ko na sa tenga ko ang ipod ko at nag umpisa ng mag jogging.

Nung napagod na ako, naisipan kong umuwi na lang kami ni Kisses.

Pagpasok ko, sinabihan ko lang si yaya na magluto ng omelette at magpapahinga lang ako.

Pagpasok ko sa kwarto ko, may nakita akong malaking box at may letter na nakadikit sa labas. Binasa ko ang nakasulat:

Wear this tonight, I'll pick you up at 7pm.

see you,

x Stephen

Tinignan ko kung ano ang laman ng napakalaking KAAAAHOOOOON.

It contains 1 pair of shoes, 1 Elegant pleated bodice v-neck Cocktail dress. (photo at the right side)

Ang masasabi ko lang?

Wow.

Stephen really has a good taste on ladies' clothes.

Tinext ko siya,

 

To: Steph

What's this for? Ano'ng meron?

 

Hinintay ko kung magrereply siya. Pero hindi, bumaba muna ako para kainin yung pinaluto ko'ng omelette kay yaya at umakyat na ulit sa kwarto ko.

Tinignan ko ulit ang iPhone ko kung may messages. Naghintay ako hanggang sa makatulog ako. Pag gising ko, huwaaaaaaaaaaaaaaaa? 5pm na agad agad! Tumayo ako at nag-umpisang mag-ayos. Hay nako, two hours? Pwede naman na siguro yun!

Naligo ako for 30minutes. Tapos nag-umpisa na akong mag-suot ng undies. I just curled my hair and tied it in an updo look para mas formal. Hindi ako nag suot ng kahit na ano'ng accessories kasi parang hindi naman na kailangan. Nag-make up ako pero light lang. Pagkatapos, sinuot ko na yung pinadala ni Stephen sa'kin na dress at heels.

Ano kayang event meron sina Stephen at kailangan pa akong isama? Hindi na rin siya nakasagot sa text ko siguro busy siya.

Hindi ko naman syempre ile-let down ang best friend ko.

"Keira! Iha! Andito na si Stephen!" sabi ni yaya.

"Opo bababa na po!"

Bumaba na ako at hindi naman si Stephen ang nakita ko na naghihintay sa'kin.

"Ang ganda ganda mo talaga iha!" sabi ni yaya

" Salamat po. Ya, akala ko ba si Stephen?" bulong ko kay yaya

"Ay sorry, driver pala niya hehe."

"Miss Tolentino, pinapasundo po kayo sa'kin ni Sir Stephen. Ready na po ba kayo?" tanong sakin nung driver na mukha namang bouncer sa laki ng katawan.

 "Ah e-eh opo." sabi ko na may halong takot.

Tumango lang yung driver niya at pumunta na kami sa labas ng bahay kung saan naka-park ang kotse niya. Nag b-bye na ako kay yaya bago pumasok sa kotse.

A Girl Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon