Daryl's POV
"Happy Birthday Daryl!" tumingin tingin ako sa likod ni Mika.
"Salamat. Kasama mo si Keira?" bigla kong tanong,
"Hindi eh, pero ininvite nya ako. Wala pa pala siya?"
"Oo eh. Kanina ko pa nga hinihintay." Nadulas kong sabi.
"Naks. Bakit naman abeeeeeer?"
"Eh siyempre umoo siya malay ko ba kung talk-shitin ako." Pagpapalusot ko.
"Okay. Sabi mo eh. Papapasukin mo ba ako o uuwi na lang ako?"
"No. Please come in."
Sinara ko na yung pinto na may pagkadisappoint.
Ang tagal niya.
Pupunta pa kaya siya?
==========
Keira's POV
On the way na kami sa bahay ni Daryl. Medyo nahihiya din kasi ako baka hindi niya magustuhan ang regalo kong cookies sa kanya.
Andito na kami ngayon sa tapat ng bahay nila hinayaan kong si Stephen ang mag doorbell.
May nagbukas ng pinto. Pero hindi si Daryl, isang napakagandang babae na sa tingin ko ate niya kasi kamukha niya eh.
"Hello! come in, sigurado akong Daryl's waiting for you two."
"Thank you po." sabay naming sabi ni Stephen
"W-wait are you Keira?" bakit niya ako kilala?
"O-opo" nahihiya kong sabi.
"Hmm. Daryl has a good taste ei." mahina nyang sabi at ngumiti lang ako na may halong curiosity sa sinabi niya.
"Okay iwan ko na kayo ha. Have a good time." sabi ni ate ganda
"Thank you po." sabi namin ulit.
Ang laki ng bahay nila Daryl. Mapapansin mong mamahalin lahat ng gamit nila. Ang lakas ng party music at makikita mong madaming ng mga sumasayaw at iba na ang amoy sa paligid. Para bang bigla akong nainitan.
"Hindi ko pa nakikita si Daryl ah." sabi ko sa sarili ko.
"Steph. Kuha lang ako ng inumin ha?" tumango si Steph at naglakad lakad ako sa malaking bahay nina Daryl.
Naglakad ako papunta sa isang buffet table at nakita ko may juice punch. Kumuha ako at inubos ko ang isang baso sa isang lagukan. Hindi ako nakuntento at kumuha pa ako ng isa pa at inubos sa isang inuman ulit.
"Parang iba ang lasa ah." Naglakad lakad ako at may nakita akong isang table na puno ng mga regalo. Maganda sana kung ibibigay ko ng personal kaso hindi ko naman siya nakikita kaya nilapag ko na lang din ang akin.
Bumalik na ako sa living room at nakita ko si Mika na kausap si Stephen.
"So, ano'ng type mo sa babae Stephen?" tanong ni Mika
"Hmm, just a simple girl with a beautiful mind and heart. Yun lang wala ng iba." sabi ni Stephen at napatingin sakin
"Oh talaga?? O M G!!!" kinikilig na sabi ni Mika.
"Guys, nakita niyo na si Daryl?" tanong ko.
"Oo teh hinahanap ka nga niya kanina pagdating ko ehh. Nakita ko siya pumunta ata sa may gift section niya."
BINABASA MO ANG
A Girl Like Me
Teen FictionMay iba't ibang uri ng babae sa mundo. May mga babaeng maaarte, tipong hindi mo sila agad masasatisfy. Meron ding mga babaeng hindi makuntento sa isa. Ano nga bang tawag du'n? Whore ba? Slut ba? Makati ba? Malandi ba? Hindi nila alam ang salitang pa...