Note ni Ateng : May music po kung gusto paki-play na lang pag may cue na. Thanks ;)
======
Keira's POV
Nandito na ako ngayon sa harap ng locker ko, kung saan ko nakita si Daryl at nakita ko ang sulat na hawak ko ngayon.
May kinuha ako sa bag ko na sulat na nagsisilbing sagot ko sa sulat na yun. Hinulog ko na sa bakanteng locker na katabi ng locker ko at bumalik na ako sa classroom. Haaaay umpisa na ng hell week. Monday na ngayon at exam namin sa PE at English. Napansin ko din na halos hindi na pumapasok si Stephen, kahit si Mika tinatanong ako kung ano na namgyari sa kanya. Actually hindi na constant ang communication namin kahit mag best friends kami. Hindi na talaga kami tulad ng dati. Pero kahit na ganun, nag ri-reach out pa din ako sa kanya at baka sakaling bumalik ang dating kami.
Pagkapasok ko sa classroom namin nakita ko si Daryl, aba ang aga niya pumasok. Kaso nakita ko rin si Nina na maaga din pumasok. Parang nag rereview silang dalawa para sa exam.
Hindi ko maiwasang hindi magselos kahit na bff ko din si Nina.
"Good Morning!" bati ni Nina sa'kin. Lumingon lang din si Daryl at napangiti sa'kin.
"Mukhang ang saya at aga natin ngayon bff ah." medyo sarcastic kong tanong. pagbigyan niyo na. Selosa pala ako ngayon ko lang na-realize.
"Pumasok kasi ako without reviewing for English buti na lang Daryl is here to save my day." at ngiting-ngiti siyang tumingin kay Daryl at binalik ang tingin sakin. Si Daryl naman parang nahihiya tumingin sakin.
"Ahh ganun ba? Bakit hindi ka na lang sakin nagpaturo alam mo naman na tuturuan kita kasi nga diba FAVORITE ko ang ENGLISH?" pag-emphasize ko sa mga salita kasi ganun din ang sinabi ko kay Daryl. Ewan ko ba ang aga-aga naiinis ako. Lahat ng pwede kumulo sakin kumukulo eh hindi naman talaga ako ganito kaso parang dahil lang kay Daryl at Nina naiinis ako. Lalo na pag magkadikit sila.
Ahhh oo nga pala. Si Nina naman kasi talaga gusto ni Daryl hindi ako. Umupo na ako sa assigned seat ko at nagsalita ulit si Nina.
"Sorry bff ha. I don't want to bother you kasi. I know you're planning to be class valedictorian kaya need mo mag concentrate sa studies mo." she smiled sweetly pero naiirita ako.
"Whatever you say.." malumanay kong sabi pero para sakin malaman at sarcastic.
Binuksan ko na lang ang notes ko at nag-review bago mag-umpisa ang exam.
Pft. Hindi ako makapg concentrate.
"BFF I see you reviewing also. Why don't you join us? Group review?" sabi ni Nina.
Mukhang masaya yun ah. Kaso ayoko naiinis ako eh.
"Okay lang ako bff go ahead kayo na lang." sabi ko habang nagbabasa kunwarian ng notes pero wala naman pumapasok sa isip ko. Gusto ko sila lingunin kaso nahihiya ako. Parang naiilang din ako.
BINABASA MO ANG
A Girl Like Me
Teen FictionMay iba't ibang uri ng babae sa mundo. May mga babaeng maaarte, tipong hindi mo sila agad masasatisfy. Meron ding mga babaeng hindi makuntento sa isa. Ano nga bang tawag du'n? Whore ba? Slut ba? Makati ba? Malandi ba? Hindi nila alam ang salitang pa...