Play the music.
=====
Keira's POV
May mga relasyong nag uumpisa sa kilig at pag-hanga.
May mga relasyon naman na nag uumpisa sa asaran.
Sabi nga nila, honesty, faith and love should be the foundation of a relationship.
Napakahambog nga naman ng tao para isipin na puro saya at kaligayahan lang ang dulot ng pag-ibig.
May relasyon naman na kung iisipin mo, tinadhana.
Pero kung susuriing maigi, nasa tao pa din kung gugustuhin nilang magtagal o maging forever kung meron mang forever.
Pero bakit nga ba kung sino pa ang nagmamahal ng totoo at tapat, siya pa ang madalas iwanan o pagmukhaing tanga?
Bakit nga ba may mga taong hindi gustong makita na masaya ang mahal sa iba?
Napakahirap bang gawin ang obligasyon sa karelasyon?
Napakahirap bang maging tapat sa isang relasyon?
Dumarating ba palagi sa punto na kailangang magsinungaling para sa ikabubuti ng isa?
Ganyan ang epekto ng pag-ibig..
Hahamakin ang lahat masunod ka lamang.
=====
Concert ni Justin Timberlake
V.I.P seats
(Play music now)
Lumilingon ako pasimple sa kaliwa at kanan ko.
Kahit na kami na ni Daryl, gusto ko pa din makilala ang secret admirer ko.
Pagkatapos ng christmas party kahapon, dumaan kami kina Daryl at pinakilala na niya ako sa ate niya as his official girlfriend. Yung parents nya daw kasi next week pa uuwi.
Pero hindi naman ako nagmamadali. Ayoko namang pressure-in sarili ko sa pakikipagrelasyon.
"Napansin ko kanina ka pa lingon ng lingon ah. May problema ba?"
Sa totoo lang, medyo mahihiya pa ako kay Daryl. Siguro eto yung sinasabi nilang first phase ng relasyon kung saan nahihiya ka at hindi ka pa gaano ka-kumportable sa karelasyon mo. Kumbaga, ILANG MODE ang first month.
"Ah ehh kasi Daryl ano eh."
"Sabi ko naman sa'yo, pwede mo na akong tawaging babe Keira. Tsaka may hinahanap ka ba babe?"
Medyo namula ako sa thought na tatawagin kong babe si Daryl. Kahit corny kinikilig ako. Ayoko din namang maglihim kay Daryl kaya sinabi ko ang totoo.
"Eh kasi Da-- Babe, ano kasi, may nagsusulat sa'kin nuon ng mga love letters at hinuhulog niya sa locker ko. Sa pagkakaalam ko, pupunta din siya dito sa concert ni JT kasi nakalagay sa sulat niya yun."
BINABASA MO ANG
A Girl Like Me
Teen FictionMay iba't ibang uri ng babae sa mundo. May mga babaeng maaarte, tipong hindi mo sila agad masasatisfy. Meron ding mga babaeng hindi makuntento sa isa. Ano nga bang tawag du'n? Whore ba? Slut ba? Makati ba? Malandi ba? Hindi nila alam ang salitang pa...