Chapter 16 Rejected

98 7 0
                                    

A/N As usual. Soundtrip nenemen. Paki-play na po. Now na.

========

Stephen's POV

"I'm sorry." Pagkarinig na pagkarinig ko pa lang ng I'm sorry ni Keira alam ko na ang ibig niyang sabihin. At pagkarinig na pagkarinig ko pa lang..

Nasaktan ako.

HINDI.

Sobrang nasaktan ako.

"Alam ko naman na 'yan isasagot mo. I'm just a friend right? Just a friend." sabi ko habang naka fake smile at nalungkot pagkasabi ko na hanggang kaibigan lang ako.

Naupo na ulit kami sa dinner table ng magpaliwanag si Keira.

"I'm sorry Steph ha. Sorry pero gusto ko este sana pala mag best friend pa 'din tayo." Sabi niya habang hinawakan ang kamay ko nakapatong sa table.

"Is it because of him?" hindi ko maiwasang hindi siya tanungin. Iniwas ko sa kanya ang tingin ko.

"Sino?"

"Daryl Caballero? Our basketball varsity player? Our Mr. HM? School Heartthrob?" pag e-emphasize ko sa mga titles ni Daryl sa school.

"Hindi ko alam pero iba ang nararamdaman ko tuwing malapit ako sa kanya. Iba ang pakiramdam, nahihiya ako at naseself-conscious. Sa tingin ko gusto ko siya."

Sinaksak mo na ako binaon mo pa sa sakit. Binalik ko sa kanya ang tingin ko.

"You know that I want you to be happy right?" tumango lang si Keira.

"Okay then, I respect your choice and decision. Even if I'm not the reason of your happiness, I'll still support your feelings towards Daryl." sabi ko. Niyakap ako ni Keira sa saya.

Binaon mo pa lalo. </3

"Thank you Steph! Akala ko hindi mo ako maiintindihan. Sa wakas! Meron na akong mapagsasabihan ng feelings ko."

You're a very selfish girl Keira. Sa'kin mo pa talaga naisip i-share feelings mo towards that guy? Alam mo namang kaka-confess ko lang ng feelings ko sa'yo?

"If that's what you want." sabi ko coldly. Napansin kong nawala yung saya niya at biglang nalungkot.

"Hayaan mo Steph, mawawala din feelings mo sa'kin at mahahanap mo din ang para sa'yo." sabi niya with a hopeful smile.

"Don't mind me Kei. I can handle it. So, wanna go home yet?" I managed to fake a smile again. 

"Sige Steph, antok na din ako, it's been a wonderful yet tiring night." ngumiti lang ako in-response sa sinabi niya at tumayo na kami sa kinauupuan namin at naglakad papunta sa parking lot. Pinasakay ko na si Keira at sinara ko na ang pinto.

"I'm very sorry Kei, yung driver muna namin ulit ang maghahatid sa'yo." sabi niya habang nakadungaw sa bintana.

"Okay lang Steph. Ingat ka ha?"

"Sure I will. Keep safe Kei. Night." sabi ko with a tight smile. Naka-alis na yung kotse namin ng sumakay na din ako sa kotse ko at pinatakbo ng napakabilis.

Damn. Hindi ko na napigilan at napaluha ako.

Napaluha ako kasi masakit.

Napaluha ako kasi hindi ko tanggap,

She's falling for Daryl and then what? Paiiyakin lang siya nu'n.

Why would you even think na makakalimutan kita and most importantly, how could I possibly forget my feelings for you?

Ikaw lang nagparamdam sa'kin ng ganito at alam ko, wala ng ibang babae ang makakahigit sa'yo. Napakasimple lang naman ng hiling ko.

Mahalin lang ako ng taong mahal ko. Aanhin ko lahat ng meron ako kung ang tanging bagay na gusto ko, hindi ko makuha? My intentions were pure. Bakit ganu'n? Kung sino pa yung matino siya pa yung hindi mapagbigyan?

Malapit na ako sa amin. Nakita ko yung stop light na nasa yellow na, meaning mag slow down. Dahil sa emotions ko ngayon, I beat the red light.

Then it all happened so damn fast.

========

Hindi ko na matandaan kung ano'ng nangyari. The first thing I saw when I woke up were white ceilings, white blankets, white painted walls. Nasaan ako? Yun ang unang tanong na pumasok sa isip ko. Pero ang unang tao na nakita ko na nasa tabi ko..

Si Keira.

A smile escaped my mouth.

Gumalaw siya at pag gising niya, nataranta siya at nagulat.

"Steph gising ka na pala. Ikaw ah pinag-alala mo ako ng sobra." sabi niya sabay palo sa braso ko.

"Aray ko.." biro ko sabay hawak sa braso ko.

"A-ay ay sorry Steph hindi ko sinasadya." sabi niya habang hinihimas braso ko with a worried face.

Maya-maya may pumasok ulit sa kwarto, si Mika kasama ang mga magulang ko. Napansin ko these past few days napaka-clingy ni Mika sa'kin hindi ko alam kung bakit pero parang naiilang na tuloy ako sa kanya. Pero dahil kaibigan siya ni Keira, I treat her my friend also.

"It's a good thing you woke up son." Sabi ng Mom ko na may halong takot. She's always like that whenever I am sent to the hospital.

"Ano po ba nangyari?" tanong ko sa kanila.

"Well we found you on the intersection way near our village na walang malay. You crashed with another car buti na lang at konting galos lang ang nakuha mo. Naareglo naman na namin yung nakabungguan mo so no worries about that. Buti na lang naka-turn on ang GPS mo anak. Do you feel fine?" pag explain at tanong ni Dad. 

 "Yes dad. You don't have to worry about me. As long as I have the both of you, and Keira. I'll always be fine." sabi ko habang tinititigan si Keira. (It's not that I want to be creepy)

"Where is kuya Sean by the way dad?"

"Sa pagkakaalam ko, he's doing business with the Caballero's. So paano ba yan nak. We have to go. Business and political issues again. Don't worry your medical expenses are all covered knowing that your friend here, Keira, helped us a lot. Her parents are your professional doctors." 

"Caballero's ei? Ahh sige po. Thanks Dad. Ingat po kayo ni Mom ha?" at naiwan na lang kaming tatlo nina Keira at Mika.

=======

Mika's POV

Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi magselos sa mga nakikita ko. Kaming tatlo na lang ni Keira at Stephen ang nandito pero feeling ko na o-OP ako. Hindi ko alam pero bakit pumapasok sa isip ko na may gusto si Stephen kay Keira? Hindi, mag best friends lang sila. Imposible yun. Hindi siya gusto ni Keira kaya naman imposible din namang maging sila no.

 "Uhhmm. Stephen, dinalan pala kita ng fruits ohh. Pagaling ka ha?" sabi ko sabay lapag ng mga pinamili ko sa table.

"Thanks Mika. You really are a good friend."

Friend? Hah. So hanggang friend lang pala talaga. Wag ka mag-alala Stephen, hindi naman ako susuko agad.

======

A/N   VOTE | COMMENT ♥ 

nemen kayo guys. Haha :)

A Girl Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon