Keira's POV
Simula nu'ng ni-reject ko si Stephen marami ng nagbago sa amin. Naramdaman ko na napakadistant niya sa'kin. Hindi na kami gaano lumalabas every weekend, Hindi na rin niya ako hinahatid sundo. Siguro nga talagang nasaktan ko siya, pero sa kabila ng lahat, nandyan pa din siya para sa'kin. Hindi niya ako nakakalimutan. May mga pagbabago man sa'min siguro yun yung pagbabago na kung ano ba talaga lugar namin sa isa't isa.
Hindi ko maikakaila,
Maswerte talaga ako kay Stephen.
Kakauwi ko lang galing school at pagod na pagod ako kaya pagkapasok ko sa kwarto ko, humiga agad ako sa kama ko at binasa nanaman ang isang letter from my secret admirer. Inaalala ko din ang concert ni Justin Timberlake, malapit na din pala yun! Excited na ako. Napangiti ako sa thought na yun ng maya-maya may tumatawag sa pangalan ko at napabangon ako.
"Keira!" boses ni Daryl yun ah? Hinahanap ko kung saan nanggagaling boses niya. Lumabas pa ako ng kwarto ko kasi akala ko nasa living room lang siya. Umakyat ulit ako at tinatawag niya pa din ako.
"Keira sumilip ka dito." sumilip ako sa balcony ng kwarto ko. Nakita ko si Daryl na nakatayo. Napangiti ako.
"Anong ginagawa mo diyan Daryl? Bakit di ka pa umuuwi?" sigaw ko sa kanya.
"Wala lang gusto kita makita."
=========
"Oh tapos? Ano'ng sabi mo?" sabi ni Mika na kausap ko sa kabilang line at tinuloy ko na ang pag-kwento.
"Wala nga eh, wala ko maisip na sabihin."
"Yun nga din sana itatanong ko sa'yo kaya kita tinawagan. Naalala mo ba nung tinanong kita kung ano ang mga gusto ni Nina? Kaya ko tinanong yun kasi may planong ligawan ni Daryl si Nina at ako pa ang tulay."
"Whaaaaaaaaaaaaaaaaaat!? Bakit hindi ka nagkekwento sa'kin? Hmm di bale na. Oo natatandaan ko yun. Bakit? Anong meron dun?"
"Alam mo kasi sa tingin ko mali kung magustuhan ko si Daryl. Alam mo na."
"Ano'ng mali du'n? Sa tingin ko naman parang hindi niya nililigawan si Nina eh."
"Ganito na lang, ayoko mag assume na gusto niya ako."
"Huuuuuh!? Ano'ng hindi alam mo Keira.."
"Ano?" curious kong tanong.
"Ang tanga mo." seryoso nyang sagot.
- S I L E N C E -
*KROO KROO KROO*
"Hoy ano na nangyari sa'yo? Oo na sige na di ka na tanga, manhid ka na lang. Obvious naman na gusto ka din niya eh. Bakit niya sasabihin na gusto ka niya makita? Ano yun? Sige nga paki-explain. Labyu!"
"Baka wala lang hindi ko din alam kaya nga tinatanong kita eh."
"Well yun ang sagot. GUSTO KA NIYA. PERIOD. NO ERASE. ITAGO SA BAUL. LUNUKIN ANG SUSI."
"Ang dami mong alam. Ba't ikaw? Kumusta na kayo ng boyfriend mo?" change topic huehue. Sabay kuha ng favorite ko'ng Royal soft drinks sa mini fridge sa kwarto ko. (I know, damn rich people.)
"Wala na kami nu'n."
"Oh bakit?"
"Keira may gusto ka ba kay Stephen." biglang tanong ni Mika. Nabuga ko tuloy yung iniinom ko.
"Ano paki ulit?"
"Ayoko nga. Sagutin mo na lang alam ko namang narinig mo ehh."
"Alam mo namang mag best friends lang kami eh. Tsaka si Daryl kasi ang gusto ko." nahihiya kong sabi.
"Secret lang yun ah. Bakit mo nga pala natanong." Dugtong ko.
"Alam mo kasi bff gusto ko si Stephen. Crush ko siya at nakahinga na ako ng sobrang luwag kasi alam mo na madalas kasi kung sino mag best friends at close sila nagkakatuluyan kaya akala ko gusto mo siya. Ang sweet niyo kasi tignan." oo nga pala. Thoughtful at caring kasi si Stephen sa'kin kaya napansin siguro ni Mika yun. Kung alam lang ni Mika..
"Wala, wala kaming gusto sa isa't isa. Close lang talaga kami." sabi ko. Ayoko naman sabihin na niligawan ako o gusto ako ni Stephen. Ayoko siya masaktan.
"Salamat bff. Labyuuuuuuuuuuuu!" Tuwang tuwa ang Mikaela Chua. Sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Stephen?
"Osige tulog na tayo at maaga pa pasok bukas. Bye bff labyutoooo." at tuluyan ko ng tinapos ang call namin at baka lumaki pa ang telephone bill namin.
Tinignan ko naman yung phone ko at nahiga sa kama ko.
8 missed calls from Daryl.
3 messages from Daryl.
Hay nako Daryl. Pinagugulo mo isip ko. Ano ba talaga tingin mo sakin? Binasa ko lahat ng messages, ang una kinukumusta niya ako, pangalawa, kumain na daw ba ako, pangatlo bakit hindi ko daw sinasagot mga tawag niya.
Hindi ko muna ni-replyan si Daryl kasi kailangan ko ng matinding pag-iisip.
=====
A/N Sorry bagal update :(

BINABASA MO ANG
A Girl Like Me
Teen FictionMay iba't ibang uri ng babae sa mundo. May mga babaeng maaarte, tipong hindi mo sila agad masasatisfy. Meron ding mga babaeng hindi makuntento sa isa. Ano nga bang tawag du'n? Whore ba? Slut ba? Makati ba? Malandi ba? Hindi nila alam ang salitang pa...