Daryl's POV
"Wake up Daryl!" Natutulog pa ako ng may gumigising at dumadagan sa'kin. Aiiisssh.
"Gumising ka na may iuutos ako sa'yo!" Tinakpan ko ng unan ko magkabilang tenga ko.
"Kundi mo ko susundin lagot ka kina mommy at daddy!" Bigla akong napabangon sa kama ko.
"Yan naman lagi mong threat sa'kin ate eh!" sabi ko.
(PICTURE NG ATE NI DARYL AT THE SIDE)
Oo, may ate ako. Kaming dalawa lang ang magkapatid. Close kami ng ate ko kaya ayan nauuto niya ako. Tch. Kami lang naiiwan ni ate sa bahay 'coz our parents work abroad. Si ate na lagi ang kasama ko at kami lang dalawa ang nagtutulungan sa lahat ng problema namin sa buhay. Bumibisita naman ang parents namin once a month at constant ang communication namin. Kaya walang dahilan para magrebelde.
"Ano ba kasi yun ate?" sabi ko.
"Bili mo ako ng ice cream chocolate flavored now na. Eto pera iyo na sukli." binigyan niya ako ng 1k para lang bumili ng ice cream.
"Bakit? Broken hearted ka nanaman ate?" Sabi ko with a smirk.
"Che! Kakainis kasi. Hindi niya ma-gets na ayoko pa magpakasal."
"Whaaaaaat? Kasal? Pero ate. You're not young anymore baka nakakalimutan mo."
"Alam mo naman na hindi kita pwede pabayaan diba? Uhugin ka pa kasi eh."
"Ano'ng uhugin? Di kaya. Alam mo ate, pwede ka naman magpakasal. Basta ba wag lang dun sa ex mo na bad boy ang datingan na akala mo lagi may babanatan tapos pakakasalan ka agad? Para ano? Sus."
"Grabe ka naman maka-pintas. Hayaan mo once na i-approve mo ang next boyfriend ko hindi ko na siya pakakawalan."
"Siguraduhin mo yan Deandra Caballero ha?"
"Oo naman kaw pa." Sabi niya habang ginugulo ang buhok ko.
"Oh sige na lumakad ka na, kumain ka muna ng breakfast at bumili ka na sa mall na malapit. Wala kasi dyan sa grocery ng gusto kong ice cream."
"Oh sige ate basta akin sukli ah."
"Oo na bilisan mo na at baka magbago pa isip ko." sabi ni ate at umalis na sa kwarto ko.
Nag-prepare na ako, kumain ng breakfast ko at lumakad na. Naalala ko na magkausap pala kami ni Keira kagabi. I smiled and sent her a text message.
Umalis na ako at nag-commute. I can't even use my car na binigay sa'kin ni Dad. 17 pa lang kasi ako once I turned 18, kukuha ako ng license to drive.
Nakarating na ako ng mall. Andaming tao, Sale siguro. Lumakad ako papuntang grocery ng may nakita akong familiar face.
Si Nina. Tumitingin ng clothes sa isang branded na boutique. Naglakad ako ng dire-diretso para hindi niya ako makita. Kaso..
"Daryl?"
"Daryl!"
Tinawag niya ako, eh nakakahiya naman kung kunwarian kong hindi na rinig eh napakalakas ng pagkaka-sigaw niya.
"Ah y-yes Nina?"
"Mukhang mag-isa ka lang din naman. Tara sabay na tayo mag shopping."
BINABASA MO ANG
A Girl Like Me
Ficțiune adolescențiMay iba't ibang uri ng babae sa mundo. May mga babaeng maaarte, tipong hindi mo sila agad masasatisfy. Meron ding mga babaeng hindi makuntento sa isa. Ano nga bang tawag du'n? Whore ba? Slut ba? Makati ba? Malandi ba? Hindi nila alam ang salitang pa...