A/N Heyaaah! How much do you like my story so far guys?
Vote | Comment | Follow naman kayo :(
Silent readers diyan mag-ingay!! Wooooohhhh! :D
Here's another update. Enjoy!
==============
Chapter 4
Daryl's POV
Maaga akong pumasok ngayon. Parang nagiging habit ko na ang pagpasok ng maaga no? Pagpasok ko, wala pa si Keira. Infairness, naunahan ko siya ngayon sa pagpasok.
Umupo na ako sa bago naming seating arrangement. Nilapag ko na yung bag ko sa lapag na nasa tapat ng upuan ko. Payuko na ako sa desk ko dahil masyado pa ngang maaga. Maya-maya may narinig akong naglalakad. Siguro si Keira. Dali-dali akong yumuko pero iniangat ko din agad ang ulo ko. Ewan ko ba para akong nataranta at bigla na lang ako nag sabi ng
"Good Morning Keira!" sabi ko na medyo malakas.
"Good Morning din Daryl ang aga mo ata ngayon ah!" sabi niya with a smile.
"Oo eh, nasasanay na din siguro." sagot ko sa kanya.
"Ah mabuti naman kung ganun." sabi niya with a smile again. Nako naman. Ang cute niya. Hmm, di bale na nga. Hindi ko na lang papansinin.
Umupo na kami at nag-umpisa ng magdatingan ang classmates namin including Nina. She's really beautiful. Bakit nga ba kailan ko lang napansin na ang ganda niya talaga? Nung elementary naman kasi, uhugin pa kami. Love, attraction and crushes is not really on my mind.
Umupo na siya sa tabi ko. I also greeted her good morning. She just smiled and it melt my heart. Inlove na talaga ako sa kanya. I said to myself.
Nag-umpisa na ang klase namin at talagang nahihirapan ako sa English na yan. Bakit ba kasi kailangan malaman yung ganito ganyan na terms eh pwede ka naman mag-english basta maganda grammar mo diba?
Buti pa 'to si Keira eh. Napaka-talino. Walang problema sa subjects niya. Kung tutuusin ako din naman eh. Sa English lang ako medyo sablay.
Kinausap ko si Keira. "Keira, hindi ko kasi talaga maintindihan eh. Pwede bang turuan mo ako?" naglakas loob akong magpaturo sa kanya.
"Sige, madali lang naman 'to." sabi niya humbly. This happened everyday. Minsan nga nahihiya na akong magpaturo sa kanya. Pero siyempre, ayokong bumagsak.
Hanggang sa isang araw, naka-isip ako ng plan. Kinakabahan kong sinundan si Keira sa may locker niya.
"Keira.." here it goes..
"Yes?" sabi niya sabay sara ng locker niya.
"Would you help me out with Nina?" pakapalan na ng mukha 'to.
=========
Keira's POV
"Would you help me out with Nina?" Hindi ko ine-expect na sasabihin niya yun. Pero ano pa nga ba? My best friend is really a total package. Mukha naman ding mabait 'to si Daryl kaya sinagot ko siya..
"Sure, wag mo lang gawing biro ang lahat kundi patay ka talaga sa'kin Daryl." pagbabanta ko sa kanya.
"Oo naman. Basta ba tutulungan mo ako eh. Mamaya ilayo mo pa ako lalo kay Nina ah." sabi niya with a worried face. Wow, kita ko talaga sa kanya na inlove siya sa bff ko.
"Oo sige na, magtatanong 'din ako kay Mikaela about Nina. Alam mo naman na sila talaga magkasama elementary pa lang. Eh ako last year lang nila naging friend. Pero wag ka mag-alala, walang makakaalam ng pagdiskarte mo." assurance ko sa kanya
"Yeeeeeees! Thank you so much Keira" sabi niya like a happy kiddo at napayakap siya sakin na ikinainit ng mukha ko.
Tama kaya 'tong gagawin ko? Tutulungan ko siya sa bestfriend ko? Magustuhan kaya siya ni Nina? Nakakahiya naman kung i-reject siya ni Nina. Baka sabihin niya, I've jinxed everything. Si Nina naman kasi napakamalihim. Mahirap basahin kung ano'ng nasa isip niya. Ni hindi ko malaman what type of guy he likes.
"O-oo wala yun. Sige una na ako ha?" sabi ko. Bahala na nga, i'll do everything to make Nina fall for him.
"Thank you talaga Keira ha? Bukas ha? Asahan kita!" i just smiled at him at naglakad na ako paalis ng campus.
Nauna na kasing umuwi yung dalawa kaya wala akong kasabay maglakad.
Aisssh. Keira ano ba 'tong pinasukan mo?
=====
A/N Another short update. Sorry guys ha? Sa pc kasi ako nagta-type. Nahihirapan ako mag-focus kasi nasa salas yung pc, masiyadong maingay at nakakahiya kasi madaming napapatingin sa ginagawa ko. Alam mo yung feeling na yun? Nakakailang 'diba? Huehue. :3
xoxo
ColdLikeRylai ♥ ♥
BINABASA MO ANG
A Girl Like Me
Teen FictionMay iba't ibang uri ng babae sa mundo. May mga babaeng maaarte, tipong hindi mo sila agad masasatisfy. Meron ding mga babaeng hindi makuntento sa isa. Ano nga bang tawag du'n? Whore ba? Slut ba? Makati ba? Malandi ba? Hindi nila alam ang salitang pa...