Daryl's POV
*flashback*
Tapos na kami sa photo shoot ng makita ko si Nina na nag-aayos ng gamit. Nilapitan ko siya kung saan siya nag-aayos.
"Hi Nina. You did great! Btw, you really look gorgeous." sabi ko naturally.
"Thanks Daryl. You look handsome as hell kanina."
"Ahh ehh.. Hehe. Thanks Nina." I said shyly. Maglalakas loob na nga ako.
"Nina, uuwi ka na ba? Gusto mo sabay na tayo?"
"Sorry Daryl ha. May pupuntahan pa kasi ako. You can go ahead na. Maybe next time na lang?" Awwww </3
"N-no its okay Nina. There's always next time naman. Ingat ka sa pupuntahan mo ha?"
"Yeah. Thanks Daryl" she said with a sweet smile. Haaaay. Pakiramdam ko basted agad ako eh. Parang pakiramdam ko ang hirap bagayan ng tulad niya. Dahil dun ayoko pa umuwi.
Kinawayan ko na si Nina at naglakad papunta sa auditorium. Naalala ko, may practice din pala ng play sina Keira at Stephengot.
Pagpasok ko, parang wala namang practice na nagaganap. Puro ayos dito ayos duon lakad dito lakad duon ang mga staff. Kaya naman naupo na lang ako sa isa sa mga seats ng auditorium.
Tingin tingin lang ako sa kaliwa at kanan ng makita ko si Keira at Stephen. Malapit sa stage. Ano kaya ginagawa ng mga yun dun? Sabi ko sa sarili ko.
Aba may pahawak hawak pa tong si Keira sa noo ng Stephengot na yun ah. Anong pag iinarte kaya meron yun?
Mas nakakainis ah. May pahalik halik pa talaga ang mokong na yun kay Keira! Kung titignan mo sila akala mo mag boyfriend sila eh. Aissssh nakakainis eh.
Oh papunta na sa direksyon ko si Stephen! Tagoooooo! At tuluyang yumuko na ako sa kinauupuan ko. Hindi na niya ako mapapansin nu'n.
Pagkalipas ng ilang segundo, inangat ko na ulit ulo ko. Haaay salamat at lumayas na siya. Hindi na ako maaalibadbaran pag pinanuod si Keira.
Oh may papunta nanaman sa direksyon ko? Bakla! Aiiissssh nagka eye-to-eye contact na kami nakakahiya naman kung yumuko pa ako ulit.
"Uhhmm hello, napansin ko ikaw lang walang ginagawa eh. Staff ka din naman ata? Lika nga." at hinatak ako ng bakla papunta kung saan man.
Napansin ko, palapit kami ng palapit kay Keira. Ano kayang binabalak nitong bakla na 'to at sino ba kasi siya? Hindi ako staff dito kaso nakakahiya pag sinabi kong hindi kasi paaalisin ako dito.
"Oh ayan. Kayo muna partner ngayon habang wala si papa Stephen."
Whaaat? Partner ni Keira? Uminit ang pisngi ko. Hindi ko maipaliwanag pero sobrang nahihiya talaga ako.
"Daryl?" sabi ni Keira na may halong curiosity.
*end of flashback*
"A-Ah. Ako nga Keira."
BINABASA MO ANG
A Girl Like Me
Teen FictionMay iba't ibang uri ng babae sa mundo. May mga babaeng maaarte, tipong hindi mo sila agad masasatisfy. Meron ding mga babaeng hindi makuntento sa isa. Ano nga bang tawag du'n? Whore ba? Slut ba? Makati ba? Malandi ba? Hindi nila alam ang salitang pa...