A/N Hi! May music video at the right side sa media section. Kung gusto niyo lang naman pakinggan while reading. Baduy pero trip ko kasi ngayon yung song na "Sa isang sulyap mo by 143". Hahaha! Thank you and let me know what you think about the chapter. :D
=========
Keira's POV
"Hello?" sinagot ko yung call without looking at the caller ID
"Hi Keira!" It made my heart pound.
Si Daryl.
"Uhhmm. Hello. Bakit ka nga pala napatawag? Medyo late na ah." Hindi ko alam a part of me says na iwasan ko siya but another part of me says let him in and don't be afraid of the consequences.
Oo. Kahit call lang. Huehue.
Humiga ako sa kama ko habang kausap ko siya.
"Wala lang na-miss agad kita eh wala kasi akong kausap." namula mga pisngi ko sa pagkakasabi niya ng na-miss niya ako. Bigla akong napaisip..
Na-miss niya kaya ako in a special way? I mean, the way I'm missing him too. Hindi ko alam what to tell him kaya naman..
"Ahh ganu'n ba." Yan lang sabi ko.
"Suplada mo naman. Haha! Anyway, tatanungin sana kita." sabi niya
"Sige ano yu'n?" curious kong sabi.
"How do you want to be courted?"
Nagulat ako. Hmm, ano kaya sasabihin ko? Baka naman humihingi siya ng advice pa'no niya liligawan si Nina? Bahala na nga. Sasabihin ko na lang ang totoo.
"Well, dream ko talaga i-serenade din ako. Dedicate the best song for me. Like every lyrics are made for me. Alam mo 'yun? Kahit kami lang dalawa ang tao. Alam mo na, uso kasi yung sa harap ng madaming tao kinakantahan. Ayoko naman kasi mahiya ng sobra-sobra ng dahil lang nakikita nila akong kiligin. Corny na kung corny. Yun talaga dream ko eh." I sincerely said.
"Simple lang pala gusto mo no? Hindi katulad ng ibang mga babae. Maraming gusto."
"Nakakahiya mang aminin, NBSB kasi ako eh. Pag nagka-boyfriend siguro ako, sapat na sa'kin yung ako lang ang mahal. Sa panahon kasi ngayon, bawal na ang choosy. Mamaya palitan agad ako."
"Hahahaha nakakatawa ka talaga. May mga lalaki pa'din naman na matino. Kailangan lang talaga, kilalanin mo mabuti manliligaw sa'yo."
"Yun nga problema eh, ni minsan walang nanligaw sa'kin. Plain, boring at pangit kasi ako. Mataas nga grades ko sa lahat ng subjects ko, zero naman ako sa love life. Pero alam mo, hindi naman din ako nagmamadali. Gusto ko sana kasi, first and last ko na siya."
"Alam mo Keira, when someone approaches you, give him a chance okay? Hayaan mong ipakita niya sa'yo gaano ka niya kamahal."
Sana ikaw na lang yung lalaking tinutukoy mo Daryl.
Pero what can I do?
Your heart belongs to my best friend.
"Ah o-ok. So what are your plans for my bff?" out of the blue kong tanong.
"Oh, Nina?"
"Bakit may iba pa ba?" masungit kong pagtatanong. Aba bff ko ata pinag-uusapan dito no!
"Pa'no kung oo?" sabi niya sa nakakainis na paraan.
"Daryl ah. Yung sinabi ko sa'yo nakakalimutan mo na ata." pagbabanta kong sabi.

BINABASA MO ANG
A Girl Like Me
Teen FictionMay iba't ibang uri ng babae sa mundo. May mga babaeng maaarte, tipong hindi mo sila agad masasatisfy. Meron ding mga babaeng hindi makuntento sa isa. Ano nga bang tawag du'n? Whore ba? Slut ba? Makati ba? Malandi ba? Hindi nila alam ang salitang pa...