Stephen's POV
"Ano'ng tinatago mo?" I smiled sweetly to Keira but then mukhang kinabahan siya sa pagtanong ko kung ano'ng tinatago niya.
"Ah e-eh wala." pagtanggi niya. Umupo na ako sa tabi niya.
"Suuus, pinagpapawisan ka kaagad. Halatang may tinatago oh." sabi ko sa kanya habang hawak ko ang mukha niya at pinunasan mga pawis niya. Nag blush siya. She's even more prettier when she blushed. Iniwas niya mukha niya at nagsalita.
"Sige na nga sasabihin ko na, pero promise mo muna wala kang pagsasabihan ha." sabi niya with a hopeful face.
"Sure Kei. I promise." Sabi ko raising my right hand.
"Nakikita mo ba 'tong ticket na 'to? Katulad nu'ng letter kahapon, may nagbigay nito sa'kin anonymously." Inabot niya sa'kin yung ticket.
"You should've told me you want to go to JT's concert. Ako na sana bumili ng ticket, sasamahan pa kita." sabi ko at binalik ko na ang ticket.
"Ayoko namang pagastusin ka ng ganun ka-mahal no. Kahit na best friend kita, ayoko naman kapalan mukha ko ng ganun. Ang mahal mahal kaya ng ticket. Tignan mo 'to, VIP ticket pa talaga binigay niya." pagmamalaki niya.
"Expensive tickets are not really important to me especially if I want to make you happy Kei." sabi ko with an assuring smile.
"Ehem." napatingin kami ni Keira sa nagsalita.
Ah si Daryl.
Nagpapapansin nanaman.
"Good Morning classmate." sabi ko sa kanya with a smile. Hindi naman kasi ako pinalaking bastos ng mga magulang ko. Kahit na nararamdaman kong he has feelings for Keira. I won't let it happen so damn easily.
Pero lalaban naman ako ng patas. Sa tingin ko, we are just waiting for Keira's hints kung sino man gusto niya samin and God knows I'll do anything for Keira to see that I'm the right guy for him.
"Same." sabi niya na halatang naiinis siya. Tinuon ko na lang ulit atensyon ko kay Keira.
"So, any plans for today Kei?" sabi ko.
"Nothing really. Ayy may naisip ako Steph! Tingin naman tayo sa--" Keira was cut off by Daryl. Napatingin kaming dalawa sa kanya na currently, kakaupo lang sa assigned seat niya.
"Haaaay kakatamad pumasok ngayon lalo na ang GUMALA. May parating nanaman na bagyo." ano bang tawag sa ganu'n? EPAL. Tama. EPAL niyang pagkakasabi.
Hindi na lang namin siya pinansin. Nagkwentuhan lang kami ni Keira and everytime I look in Daryl's face halata mo sa kanya na naiinis siya.
Dumating ang lunch break at kasama ako sa table nina Keira sa cafeteria.
Eto talagang si Daryl. Ang sarap inisin. Umupo pa talaga siya sa tabi ng table namin.
"Kei kainin mo 'to oh, para hindi ka mawalan ng energy for today." may inabot ako sa kanya na sandwich at tinignan ko kung ano magiging reaction ni Daryl sa ginawa ko. Tumayo siya sa table at umalis. Siguro na-badtrip na ng tuluyan yun.
Hanggang sa mag-uwian. Pinahatid ko sa driver ko si Keira. Wala na rin masyadong students. Sinundan ko si Daryl dahil napansin kong hindi pa siya umuuwi.
"Sana naman, ma-appreciate mo lahat ng 'to Keira. Hindi man ako makalapit sa'yo, maparamdam sa'yo na may halaga ka sa'kin tulad ni Stephen, willing ako gawin lahat ng 'to mahalin mo lang din ako." Sumandal ako sa wall para hindi niya ako mapansin. Sinusulyapan ko lang kung ano'ng ginagawa niya.
He kissed the letter at nilagay niya 'to sa locker ni Keira.
So, he's the one behind the letter and the ticket.
Atleast he's putting so much effort mapansin lang siya ni Keira at walang kaso sakin yun. Kahit alam kong siya ang naglalagay ng letter. Ayoko siyang pakialaman. Kanya-kanya kaming paraan pa'no mapansin ni Keira.
Pumunta ako sa malapit na mall at naisipan kong kumain, it's been a long day naman. Papasok pa lang ako sa entrance ng isang mamahaling restaurant ng makita ko si Mika na papunta sa direksyon ko na umiiyak.
=======
Mika's POV
"Hi babe. Di naman natin monthsary bakit mo ko pinapunta dito sa mamahaling resto na 'to? Naks yaman ahhhh." sabi ko habang umupo ng ayos across my boyfriend. Sinusubukan kong maging masaya kahit bakas sa mukha niya na may malalim siyang iniisip.
"We can't be together anymore Mika. I'm with someone else. Sorry pero mas mahal ko siya kesa sayo and I know that she's the one. Sabihin ko man na hindi kita pinaglaruan alam ko hindi ka maniniwala at nahihirapan na ako habang pinapatagal pa natin ang relasyon natin. Nahihirapan ako na makita na masaya ka sa piling ko. Kasi alam ko na hindi totoo pagmamahal ko sa'yo." paliwanag niya pero kahit ano pang sabihin niya, parang walang pumapasok sa utak ko simula nung sinabi niyang we can't be together.
"Hindi ako naniniwala sa'yo. Tara order na tayo."
"No Mika. Don't be too naive."
"Mag C-CR muna ako." I managed to fake a smile at tumayo ako sa kinauupuan ko ng tumulo ang luha ko. Pinipilit kong wag patuluin ang mga luha ko kaya naman namuo lang sila sa mga mata ko. Dahil hindi ako makakita dahil sa mga luha ko, may nabunggo tuloy ako.
"S-sorry." sabi ko habang nakayuko.
"Mika. Bakit ka umiiyak?" napatingala ako sa pagtawag niya sa pangalan ko.
Si Stephen pala.
"Yung boyfriend ko kasi nakikipaghiwalay na. May iba na daw kasi siya" I said between sobs.
"Asan siya?" tinuro ko kay Stephen ang bf ko na naghihintay sa table na ni-reserve niya para samin.
"Halika." nagulat ako ng hinawakan niya ang kamay ko at dumiretso kami sa table kung san naghihintay ang bf ko.
"Hey" sabi ni Stephen sa bf ko. Napansin ko na karamihan ng kumakain ng sa resto nakatingin samin. Lalo na mga babae. Kung maka-tingin kay Stephen may halong pagnanasa eh.
"Please wag mo ng kakausapin si Mika ha? She's my girlfriend. Sorry bro, it's not her loss. It's yours. And also, it's my GAIN." with that parang napanga-nga ang ex ko. Sa ginawa na yun ni Stephen nakaramdam ako ng kilig. It's the first time someone stood up for me.
Ibang-iba si Stephen sa mga naging boyfriend ko.
Ang ugali niya, manners at attitude niya sa pag handle ng situations bakit nga ba ngayon ko lang napansin na ang hot ni Stephen?
Uminit ang pisngi ko tuwing iniisip ko na hawak ni Stephen ang kamay ko.
Paglabas namin ng resto dun ko lang napansin na hindi ko na pala hawak ang kamay ni Stephen kaya bumalik na ko sa tamang pag-iisip dahil dun at dahil na rin nag salita si Stephen.
"Next time don't date guys like that. Date a decent guy. Who'll never do that again to you."
"O-oo Stephen. Sige Stephen uwi na ako ha. Salamat nga pala." sabi ko na medyo nahihiya. Kung ikaw ba naman magiging boyfriend ko talagang jackpot hihi.
"Oh sige. Una na ako ha. Pasensya ka na nag commute lang kasi ako hindi kita mahahatid. Ingat ka ha? Classmate." sabi niya with a smile. With that napatulala ako habang tumatango kay Stephen. Broken man ako pero hindi ko ramdam dahil sa kanya. Parang bigla ko na-realize na...
Gusto ko si Stephen.
Gustong-gusto ko siya.
====
A/N Sorry maiksi. Busy lang tologo. Tapos nawalan pa kami ng net 4 days ago. UD na lang ulit ako agad. :D
BINABASA MO ANG
A Girl Like Me
Teen FictionMay iba't ibang uri ng babae sa mundo. May mga babaeng maaarte, tipong hindi mo sila agad masasatisfy. Meron ding mga babaeng hindi makuntento sa isa. Ano nga bang tawag du'n? Whore ba? Slut ba? Makati ba? Malandi ba? Hindi nila alam ang salitang pa...