A/N eto po mas mahaba haba na update kesa sa una. =))
Picture of Daryl at the right side
============
Chapter 2
Daryl's POV
Medyo maaga ako pumasok ngayon sa school. Ewan ko ba? Nilalagnat lang ata ako eh. Malapit lang naman bahay ko dito kaya madalas late na ko kung pumasok.
Nakita ko may nauna na palang pumasok kesa sa'kin, si Keira. Kahit kailan talaga ang aga niya pumasok.
Siguro nagtatanong kayo kung pa'no ko nalaman kung lagi naman akong late pumasok? Obvious naman kasi. Hindi siya inaalis sa Most Punctual Students ni wala nga siyang absent ehh.
Umupo ako sa pinaka-kanang upuan. second row. Habang siya naman sa center aisle. Ang awkward lang kasi hindi naman din ako palakausap na tao sa hindi ko naman ka-close.
Ang tahimik namin. Parang may nagtutulak sa'kin na gusto kong kumibo.
"Good Morning Keira! Aga mo aahhh!"
"Hi Keira! Natapos mo na assignments natin?"
Kaso naman kasi parang hindi naman siya sasagot. Haaaaay wag na nga.
Sana may dumating ng kaibigan ko para may makausap naman ako.
=============
Keira's POV
Dumating si Daryl at umupo na sa upuan niya. Ang awkward lang kasi napakatahimik. Sinubukan kong kumuha ng libro at magbasa.
Pasimple akong tumingin sa bintana para makita ko kung ano ginagawa ni Daryl. Dun kasi siya umupo sa pinakakanan eh tabi ng bintana yun. Paglingon ko nakita ko na tinitignan niya ako. Iniwas ko kaagad ang mga mata ko kasi naman eh. NAKAKAHIYA. Baka feeling niya gusto ko siya. Gusto ko sana magsalita. Kumustahin manlang siya kaso di ko magawa. Bakit ba kasi napakamahiyain ko?
Sana may dumating na classmates namin. Kasi naman sina Mika at Nina late lagi magsipasok matagal kasi sila magsipag ayos ng mga sarili nila eh yan tuloy.. Wala akong makausap. Haaaay. Bakit ba kasi ang aga pumasok nitong si Daryl? Naiilang tuloy ako.
=======
Nag umpisa ng dumating mga classmates namin at ganun din ang adviser namin. Siya rin kasi ang teacher namin during our first period.
Nag-iingay pa din ang lahat kahit na may teacher na sa harap. Sumigaw si Mrs.Delos Reyes tsaka lang natahimik ang lahat.
"Guys it's been 2 months since the school year started at ang ingay niyo na talaga. Kunsabagay, you're all 4th year students magkakakilala naman talaga kayo. Pero this time, paghihiwalayin ko na ang magto-tropa diyan." Umupo na si ma'am sa upuan niya.
Nako sanay pa naman ako na kaming tatlo magkakatabi ng bestfriends ko. "Pa'no yan. Baka buong school year ako mapipi niyan." bulong ko sa kanila. "Hay nako. Sana yung crush ko makatabi ko. Pag nangyari yun ga-graduate akong valedictorian!." sabi ni Mika.
"Sige na. Stop whining class. I'm just doing this kasi gusto ko lahat ng classmates niyo friends niyo after you graduate. I'll start by Ms.Chua and Mr.Dela Cruz. Take the front seats at the left side please." sabi ni ma'am.
"Sheeeeet best friends, dream come true!" sabi ni Mika. "Shh, pumunta ka na nga dun at wag ka na maingay diyan nakakahiya." sabi ni Nina.
"Haay Nina basta babae katabiko happy nako. Oh kaya in between the three seats nalang pwede na atleast dalawa katabi wag lang talaga di ko type pareho katabi ko" sabi ko naman.
"You'll be alright Keira. Trust me." sabi ni Nina.
Jusme. Pakonti na lang ng pakonti kami na nakatayo at wala pang designated seats. Hanggang sa marinig ko na lang na ..
"Ms.Tolentino, Mr.Caballero and Ms.Herrera please take the last three seats."
OMG. Okay lang sana na si Nina na lang ang nasa gitna hindi tong si Daryl na 'to. Lalo tuloy kaming nagmukhang awkward dalawa. Tsk. Bahala na nga. Kakausapin ko na lang palagi si Nina tutal kaming tatlo naman magkakatabi, I'll just pretend na lang na hindi nag-eexist si Daryl Caballero.
=========
Daryl's POV
So, dalawang babae pa naging katabi ko. Dibale na. Tahimik naman din ako. Hmm, Nina Herrera's kinda hot and looks sophisticated. God. Did I just checked her out? Lalaki naman ako ano'ng mali du'n. Hmm at itong si Keira Tolentino naman. Simple pero maganda naman. Boring nga lang.
Aissh. Ano ba tong pumapasok sa isip ko? Hindi ako Ladies' man pero gwapo naman ako, sporty, malinis sa katawan at higit sa lahat vain. Hahaha >:)
Kaso mahiyain ako. Kaya naman hindi pa ako nagkakaron ng serious relationship. Yeah I always have a fling. Girls always make the first move whenever magka-fling ako.
But courting a girl? Nah.. Wala pa sa isip ko 'yun. Siguro pag serious na ako. If ever magka-first serious girlfriend ako? Si Nina Herrera na siguro liligawan ko. Kaya naman i'll make sure to get-to-know her better and she'll fall for me and we'll live happily ever after. :">
"Mr.Caballero, please answer what is written on the board." Putcha, Nagde-daydream nanaman pala ako. Yan tuloy. Patay hindi ko alam 'to.
"Infinitives" narinig kong bulong ni Keira. Sinagot ko na si ma'am. "Infinitives po ma'am".
"Good. Take your seat." pheeeew. Salamat naman at hindi ako napagalitan.
"Keira thank you ha?" bulong ko sa kanya. She just smiled as a response.
Ang ganda niya kahit simple lang. Wai-- What!? No,no,no. I have eyes for Nina her Bestfriend. Nabaitan lang siguro ako sa kanya.
Umpisa pa lang 'to ng araw ko pero parang stressed na agad ako. Yumuko ako para magpahinga tutal wala na yung adviser namin at wala pa ang next teacher.
"Daryl.." May tumawag sa'kin at ginigising ako.
=========
A/N Whaaaaaa. Sino kaya yun? Kunsabagay iilan pa lang ang characters.
Thanks for reading.! <3
xoxo
ColdLikeRylai♥♥
BINABASA MO ANG
A Girl Like Me
Novela JuvenilMay iba't ibang uri ng babae sa mundo. May mga babaeng maaarte, tipong hindi mo sila agad masasatisfy. Meron ding mga babaeng hindi makuntento sa isa. Ano nga bang tawag du'n? Whore ba? Slut ba? Makati ba? Malandi ba? Hindi nila alam ang salitang pa...