Daryl's POV
Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip ni Stephen at sinabi niya sa'kin ang mga bagay na yun. Sa pagkakaalam ko, pareho naming gusto si Keira. Nagpapatalo na ba siya? Mas close at mas may chance pa nga siya na mapansin ni Keira kasi lagi sila magkasama eh. Baka naman wala talaga siyang gusto kay Keira? Aiiiisssssh. Makapasok na nga.
Masyadong sumasakit ang ulo ko, buhay pag-ibig, negosyo, pamilya at pag-aaral. Haaaaaaaaaaaay simoy ng hangin lang talaga nagpapawala ng sakit ng ulo ko. I LOVE YOU DECEMBER!
Nakatayo na ako sa pintuan ng classroom namin ng nagkakagulo ang lahat may nakatayo dun nakatayo dito. Anong meron? Palibhasa lagi akong late na pumasok. I scanned the room at ayun si Keira nakangiti na kausap si Mika at Nina. Hindi ko napansin hindi pa nga pala ako pumapasok ng room kakatitig kay Keira. Buti na lang wala din nakapansin sakin. Umupo na ako sa kinauupuan ko ng magsalita ang class president namin.
"Guys, dahil whole day walang pasok today at mag dedecorate lang tayo, why not ngayon na din tayo magbunutan for our Kris Kringle? So, isip na kayo ng code name niyo, be creative ha? Sulat niyo sa papel. Tapos iikot ako para ihulog niyo dito sa box na hawak ko."
"Ano kaya codename ko? ah alam ko na.." nag-umpisa na akong magsulat..
"I...."
"RON....."
"MAN!" natatawa ako sa code name ko ah. Umikot na din yung president namin at hinulog ko na din yung papel ko sa box na hawak niya.
Ano kayang code name ni Keira? Sana siya ang mabunot ko.. Gagandahan ko talaga regalo ko sa kanya. Malapit na nga pala ang concert ni JT haaaaaay makikita na din pala niya ako after ng christmas party namin concert na niya.
"So, ito lang bang mga nakasulat sa board ang magpeperform sa christmas party natin? May hahabol pa ba? Wala na? Okay." pagpapatuloy ng president namin habang nag uusap usap sila sa mga mangyayari sa chirstmas party.
======
Uwian nanaman at oras na para ihulog ang sulat sa locker ni Keira.
This time, hindi na ako nagsulat ng kahit na anong mushy gushy o kung anu-ano pang kakornihan. Sinulat ko lang (Oo ako na nagsulat hindi na si ate.) naman kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya at syempre pasimple na din akong nagtanong kung may nagugustuhan na ba siyang iba.
This time heart to heart talk tayo.
May pag-asa ba ako sayo? May pag-asa man o wala, itutuloy ko pa din panliligaw ko. O baka naman paasahin mo lang ako...
May mahal ka na bang iba? Sana sabihin mo na lang sa'kin...
Yung bakanteng locker nga pala na katabi ng locker mo dun, dun mo isulat ang sagot mo.
Maghihintay ako,
Mahal na mahal kita <3
Bilang lalaki gusto namin wala ng kaartehan pa. Hindi kami magaling sa mga ganun kaya pinili kong simple lng ang sulat ko sa ngayon. Kaya naman lalakasan ko na loob ko sa kung ano mang isasagot nya sa sulat ko.
BINABASA MO ANG
A Girl Like Me
Dla nastolatkówMay iba't ibang uri ng babae sa mundo. May mga babaeng maaarte, tipong hindi mo sila agad masasatisfy. Meron ding mga babaeng hindi makuntento sa isa. Ano nga bang tawag du'n? Whore ba? Slut ba? Makati ba? Malandi ba? Hindi nila alam ang salitang pa...