Chapter 12 Secret Admirer?

145 10 3
                                        

A/N Listen to the song "Satellite - Lena" at the right side kung trip niyo lang din. Haha!

======

Keira's POV

 Monday na, medyo lutang ang isip ko.

Una, malapit na mag concert si Justin Timberlake dito sa pilipinas baka hindi ako makapunta. Nahihiya kasi akong manghingi ng budget kina mama para du'n. Ang mahal naman kasi. Hindi aabot kahit na pag-ipunan ko pa.

Pangalawa, Si Daryl. Lagi niyang pinapagulo ang isip ko pati na ang puso ko. Bakit pakiramdam ko may pakialam siya sa'kin? Bakit pakiramdam ko, he starts noticing me? Bakit ba sinasabi ng isip ko na ako gusto niya hindi si Nina? Naiilang ako sa kanya pero I try to act cool.

Pangatlo, Papasok na ako ngayon at hindi ko alam paano haharapin si Daryl. Bahala na, magmamanhid manhidan na lang ako. 

Pang-apat, simula nung nanalo si Daryl na Mr.HM, madami na nakakapansin at nagpapapansin na mga babae and it gives me the chills.

Hindi ako pumasok ng maaga ngayon. Hindi din ako sinundo ni Stephen kasi may emergency nanaman daw mamaya na lang daw siya after lunch papasok. Pumasok ako ng malapit na mag first period. Pagpasok ko, nagtagpo mga mata namin ni Daryl. Iniwas ko agad ang tingin ko. Umupo na ako sa assigned seat ko at nakinig sa teacher. Lumipas ang araw na nagkakailangan kami ni Daryl dumating na ang lunch break na namin.

Nagkekwentuhan lang kami dito sa cafeteria. Magkatabi kami ni Mika at si Nina naman nasa tapat namin. Habang nagsasalita si Nina, napansin kong umupo si Daryl sa table sa likod ni Nina at nakapaharap samin. Talking about awkwardness diba? Naiilang tuloy ako tumingin ng diretso.

"So what I'm saying is. I like someone. A specific one. Actually matagal na." pag-amin ni Nina sa amin.

"Whaaaaaaat!? Really!? Ikaw ba yan Nina!? Akala ko kasi bato ka. Huehue JOKE lang siyempre." sabi ni Mika.

"May we know who's the luck guy bff?" pagkasabi ko nu'n napatingin ako kay Daryl at nagkatinginan nanaman kami. As usual iniwas ko nanaman tingin ko.

"I won't tell but I think I'll give you an interesting clue. His name has the letter L on it and I won't tell if it's on the name or surname." with that napaisip ako. Letter L? Syempre, si Daryl. Kahit na isipin ko pa si Stephen na may "L" sa Sylvia niya eh alam naman nating lahat na sila ni Daryl ang mas may connection.

Maya-maya nag ring na ang school bell. Meaning time na.  Nagpaalam muna ako kina Mika na mag-ccr ako at mauna na sila sa room namin.

Habang naglalakad ako papunta sa cr namin. May narinig akong babae na nagsasalita. Nagtago muna ako at sumandal sa wall.

"Please alam ko mahal na talaga kita.." desperada naman masiyado yung babae.

"Sorry talaga." aba, boses ni Daryl yun ah.

"Bakit? May gusto ka bang iba?" pang-uusisa ng babae.

"Oo, at classmate ko siya. Sorry, I got to go." sabi ni Daryl and then I heard footsteps heading my way. Kumaripas ako ng takbo sa corridor at baka makita ako ni Daryl. Yan tuloy. Umurong yung ihi ko. =.=

Bumalik na lang ako sa classroom, habang naglalakad ako napaisip ako sa sinabi ni Daryl.

"Bakit? May gusto ka bang iba?"

"Oo, at classmate ko siya."

Syempre sino pa ba eh di si Nina. Bakit ba pinipilit ko pa sa isip ko na ibang babae yun. Higit sa lahat bakit ba iniisip ko na ako yung babaeng tinutukoy niya? Eh noon pa lang naman nagpapatulong na siya sa'kin na maging sila ni Nina.

A Girl Like MeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon