Chapter 19 Meetings

87 5 0
                                        

Warning ang susunod na scene alam niyo na kung saan galing ang iba. (kung fan din kayo ni Steffie at Matteo.)

======

Daryl's POV

Sumama ako sa meeting ni ate Deandra para kumuha ng notes at para malaman ko kung ano ba talaga ang nangyayari sa company namin.

Ang sabi kasi ni ate may imi-meet daw siya na malaking investor sa company namin at kung papalarin, maaring mag-merge ang companies namin nung ka-meeting niya.

Sa kasalukuyan, nagmamadali na kami dahil 5 mins na lang 1pm na. Nakasakay na kami ng elevator ng may humabol pang lalaki.

"Aba okay 'to ah. Kuya naman may hinahabol kaming tao oh bilisan mo na." sabi ng ate ko sa lalaking naka suit. Hindi kami pinansin ng lalaki kaya nabastusan ang ate Deandra ko.

"Hoy di mo ba kami kilala?"

"Dapat ba kilala kita?" pambabara ng lalaki. Tumunog na yung elevator at bumukas kung saan kami bababa.

"Aba bastos ka ah tapos susundan mo pa kami? How pathethic you -- aaay? Saan ka tutungo?" sabi ng ate ko.

Ang awkward lang kasi sabay-sabay kaming pumasok sa conference room kung saan gaganapin ang meeting namin. Nagbasa basa ng papeles ang ate ko ng bigla siyang napangiti na parang napahiya. Umupo kami sabay-sabay sa mga upuan. Tabi kami ng ate ko at kaharap namin yung lalaking tahimik.

"Schucks bro, siya pala ka-meeting natin." bulong ng ate ko na naka-ngiti sa lalaking naka-encounter namin kanina.

"Ano'ng pangalan niya? Mag sorry manlang tayo" Nagbasa-basa pa ng konti yung ate ko at sinagot ako.

"Sean Sylvia, CEO of Sylvia group of companies" Sylvia? Sean? Is he any related to Stephen? I hate the thought na baka nga kapatid pa siya ni Stephen at magme-merge ang companies namin.

"Excuse me, my name is Deandra Caballero and this is my brother Daryl I'm saree for what happened earlier. Saree okay saree. By the way, can we start?" sabi ni ate.

"I'm still waiting for someone if you don't mind." sabi nung Sean na wala manlang expression ang mukha.

"Okay sir. Would you like some coffee?" sabi ni ate.

"Sure." sinenyasan ni ate yung isang empleyado na kasama din namin sa meeting at agad naman itong kumuha ng kape.

Pagbalik nung employee, biglang may pumasok sa room, siguro yun yung hinihintay nung Sean. Tumayo kaming lahat habang pinapakilala ni sean yung kasama niya, nung lumingon ako lumaki mga mata ko.

"I'd like you all to meet my brother Stephen Sylvia." Nag shake hands kaming lahat.

"Oh Stephen! Ikaw pala!" sabi ng ate ko. Tinignan ko lang si Stephen na nginitian lang niya ate ko as response.

"Shall we start?" sabi ni Sean.

==========

-flashback-

Stephen's POV

I woke up with an unbearable headache. Damn, some part of last night hindi ko na matandaan. Lalo na sa part kung paano ako nakauwi. Nagising na lang ako na nakapantulog na ako.

Kanina pag gising ko, may nakalagay na agad na breakfast sa ibabaw ng study table ko. Dumiretso ako dun at binasa ang sticky note na nakadikit sa coffe mug ko.

"Pinaghanda kita ng breakfast bago ako tuluyang umalis. Have a great day! -Mika"

Mika? Oo nga pala. We met at the bar and somehow, she made me feel important and needed.

Teka anong oras na ba? 10:13am na? Sht! I had to get ready and get to the company as soon as possible lagot ako kay kuya nito.

Tinignan ko ang cellphone ko at nag text pala si kuya. Tinatanong niya kung gising na daw ba ako at pinagmamadali na niya ako.

I knew the company we are merging with and hopefully, maging okay naman lahat. Ayoko ipasok ang personal issues ko with Daryl sa business issues namin.

Kinain ko na yung breakfast na hinanda ni Mika para sakin. Its good. No one ever cooked for me before and somehow it gave me another different feeling. Siya ang nag-alaga sa'kin the whole night. Even though I'm not really interested in her, nag e-effort siya na mapansin ko siya at bilang lalaki, ayoko din namang nababalewala ako.

So, ano'ng ibig kong sabihin?

Wag niyo ko pangunahan.

I can't absorb all these thoughts easily.

How about Keira you ask? Simula nung ni-reject niya ako, I've never been the same there's always this boundary or wall between us. But still, I'm always here for her especially when she needs me.

Nag handa na ako pagkatapos ko kumain ng breakfast ko. Magagalit na sakin ang kuya ko. Sumakay na agad ako sa McLaren ko at nagmadali pumunta sa D&C enterprises.

 Halos takbo-lakad akong nagmamadali na pumasok sa loob.  Sa sobrang pagmamadali ko may nabunggo akong babae na hindi ko naman napansin kung sino.

"Sorry miss. I'm in a hurry. Did I hurt you?" biglang nakilala ko siya.

"Nina? Ikaw pala yan. What are you doing here?" tanong ko with a smile.

"You know, sa klase natin, tayong tatlo nina Daryl ang may big companies sa bansa diba? Kaya I'm here to do business with them. How 'bout you?" sabi niya habang pinapagpag at inaayos niya ang damit niya.

"Well actually I'm on a meeting right now gotta go. Sorry ulit ha? See you at class." sabi ko sa kanya at tuluyan ng umalis.

-end of flashback-

======

 Then the meeting went smoothly. D&C and Sylvia became affiliates hindi kasi pwede mag-merge unless merong family member namin at nila na magpapakasal. Nag-hand shake kami ni kuya kina Daryl at ate Deandra. Lumabas na si Kuya at nag signal na aalis na siya umalis na din yung ate ni daryl.

"Daryl, can I talk for you a sec?" lumapit ako kay Daryl at tumango lang siya.

"Sure, tungkol saan ba." sabi niya with a plain smile.

"Do you have feelings for Keira." I blurted out.

"Oo at sa totoo lang, mahal ko na siya. Bakit mo natanong?"

 "You take care of her okay? give her only the best and also don't ever hurt her feelings." yun lang ang sinabi ko umuwi na ako at hindi ko na siya hinintay na maka-respond pa.

A Girl Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon