A/N Dedicated to Ikay, Maybx, Nica, Noah and ofc, Baby ♥
=========
Mika's POV
Nag bonding kami ngayon sa isang bar. Birthday kasi ng pinsan ko, nagkayayaan kami eh sa pagkakaalam ko bawal pa ang tulad ko sa mga ganitong lugar. Nagpakita lang kami ng fake I.D at pwede na kami pumasok. Napakalakas ng tugtog sa lugar na 'to. Hindi nga kami halos magkaintindihan ng pinsan ko.
"Wooooooooooooooooh! Order tayo ng iba't ibang drinks dun sa may bartender dali mukhang cute pa naman Miks!" sabi sakin ng pinsan ko habang nakikisabay kami sa dami ng taong sumasayaw sa dance floor.
"Naku ate hindi ako umiinom." pagtanggi ko
"Naku naman 'to. Its about time na maka-expi ka naman teh!"
"Sige na nga tara na." peer pressure nga naman ohhhh.
Umupo kami sa bar stool. Katabi ko sa kaliwa ko ang pinsan ko habang yung iba ko namang mga pinsang lalaki nakikipag landian sa mga ibang babae na halos kita na kaluluwa sa mga suot nila. Sa kanan ko naman may katabi ako na lalaki na kanina pa siguro umiinom pero hindi ko na lang pinansin.
"Hey bartender, two Weng-weng." sabi ng pinsan ko. Halatang sanay na pumunta sa mga ganitong lugar eh.
"Yes ma'am." sabay flairing duon at dito maya konti nilapag na sa harapan namin yung weng weng na sinasabi niya. Hinawakan ko na yung baso at pasipsip na sana ako ng magsalita ang katabi ko.
"If i were you I would'nt try the strongest cocktail at my first time drinking alcohol." nilingon ko siya habang siya naman nakayuko at lasing na talaga.
"Ano? Bakit sino ka ba?"
"Nakainom lang ako nakalimutan mo na ako?" pagkalingon niya parang gusto ko mabitawan ang hawak kong baso.
"Stephen? Bakit ka nandito? Bawal ka dito ah" bigla niya ako nilapitan at binulungan tipong lahat ng balahibo ko sa katawan tumaas at nagsimula akong mag init. Amoy na amoy at kapit na kapit ang amoy ng alak sa kanya napakabaho niya zz
"Don't ask me that question obvious naman bakit ako nandito. Well, WE are minors." sabi niya. Tama nga naman siya.
"Ah o-oo nga. Bakit ka nga umiinom?"
"Kung ako sa'yo, inumin mo na lang yang iniinom mo." at ginawa ko nga ang sinabi niya, ang taas naman ng baso na 'to. Hindi ko alam kung mauubos ko. Pagkasipsip ko yung mukha ko hindi ko mapaliwanag. BLECH.
"So, ano'ng sabi ko sa'yo?"
"Oo na. Palibhasa sanay ka na din ata pumunta sa mga lugar na ganito at uminom ng mga ganito."
"Hell-ooooo wala ka bang kasama Miks? Kinalimutan mo na ho ako."
"Ah sorry Stephen pinsan ko nga pala. Birthday niya ngayon kaya kami nandito."
"Happy Birthday, I suggest na sana hindi kayo sa ganitong lugar pumupunta pag birthday niyo."
"Ano'ng ibig mong sabihin?" mukhang umuusok na ilong ng pinsan ko.
"Ah eh ate pagpasensyahan mo na siya, lasing na ata." bulong ko sa pinsan ko. Umalis ang pinsan ko sa kinauupuan niya at dumiretso sa CR sinundan ko naman siya kaso ang bilis niya sumiksik sa pulo pulong tao na sumasayaw.

BINABASA MO ANG
A Girl Like Me
Ficțiune adolescențiMay iba't ibang uri ng babae sa mundo. May mga babaeng maaarte, tipong hindi mo sila agad masasatisfy. Meron ding mga babaeng hindi makuntento sa isa. Ano nga bang tawag du'n? Whore ba? Slut ba? Makati ba? Malandi ba? Hindi nila alam ang salitang pa...