Keira's POV
"Kei."
Tinawag niya ako pero inalis ko agad ang tingin ko. Hindi ko masikmura mga nakikita ko kaya naman tumayo na ako at umalis sa resto na yun.
"Kei sandali lang!" Tinawag niya ako at narinig ko na nagrereklamo yung babae na ano daw nangyayari.
Nasa pinto na ako ng resto ng maabutan niya ako.
"Kei sandali lang. What you saw there is not what you really think." Hinawakan niya braso ko pero inalis ko din at humarap ako sa kanya.
"Steph, do whatever you want. Hindi ko naman hinihingi explanation mo. Hindi lang talaga ako makapaniwala na ganyan ka na. Kung may problema ka pwede mo naman ako sabihan. Hindi yung kung kani-kanino ka nakikipaghalikan!" Naiinis ako pero hindi ko alam kung kay Stephen o sa sarili ko.
"You know what? Yun naman talaga plano ko eh. Ang selfish mo kasi Keira! Lahat naman ng ginagawa ko para sayo. Lagi nalang para sayo. Ako? Naiisip mo ba ako? You rejected me and you think that it would be easy for me? Easy for me to walk around with you? Easy for me to talk to you again? Easy for me to act normal like nothing happened? And most importantly, easy for me to forget my feelings for you? Lahat ng feelings ko for you sinu-suppress ko, well congratulations to me kasi lahat nagrere-surface pag nakakasama kita, nakakausap at kahit makita lang kita."
Kitang kita ko sa mga mata ni Stephen ang lungkot at mga luha na kanina pa siguro niya pinipigil pero tuloy tuloy na umaagos. Hindi ako nakapagsalita. Instead natulala lang ako. Totoo lahat ng sinabi niya. Selfish nga ako. Hindi ko alam na dahil sa akin ganito na pala kabigat nararamdaman niya. Nagsalita ulit si Stephen..
(Picture of Stephen attached)
"I am actually not like this gaya nga ng sabi mo. You know me better than I know myself. Nagagawa ko lang to kasi napakamanhid mo Keira. I just don't know if you're only acting stupid or wha-"
Sinampal ko si Stephen. Hindi ko napigilan ang sarili ko.
"Steph I'm so-" Stephen cut me off.
"No Kei. Okay lang. I deserve this. I'm your best friend diba? You are happy now so I guess you won't be needing me anymore. I just wish that choosing Daryl over me is the right decision you made." Hindi na ako tinignan sa mata ni Stephen at nauna na siyang umalis sakin. Iniwan niya akong dumbfounded.
Ano ba nangyayari? Bakit ganito? Gulong gulo isip ko. Umuwi na ako at tinext ko si Daryl na umuwi na ako.
Tinry ko tawagan si Stephen pero cannot be reached ang phone nya. Gusto ko padin maayos ang lahat kahit na ang dami pala niyang sama ng loob sa akin.
Ano bang nangyari samin ng best friend ko? Masaya nga ako ngayon pero may mga tao pala na hindi masaya dahil sa amin ni Daryl.
Sinubukan ko din siyang i-message sa fb pero naka-deactivate ata ang account niya. "Stephen please naman ohh.." I muttered.
BINABASA MO ANG
A Girl Like Me
Teen FictionMay iba't ibang uri ng babae sa mundo. May mga babaeng maaarte, tipong hindi mo sila agad masasatisfy. Meron ding mga babaeng hindi makuntento sa isa. Ano nga bang tawag du'n? Whore ba? Slut ba? Makati ba? Malandi ba? Hindi nila alam ang salitang pa...