Chapter 8.

226 14 1
                                    

Xyrhil's POV.

"Oh? Buhay ka pa pala?"

"Kala ko nag kainan na kayo ni Ma'am Albrecht." Mabilis naman na nanlaki yung mata ko dahil sa sinabi ni Meldie at agad na tinakpan yung bibig nya bago ko sya sinamaan ng tingin.

Rinig ko naman kung paano humagalpak ng tawa si Rie. "Manahimik nga kayong dalawa!" Iritang tugon ko sakanila bago bitawan yung bibig ni Meldie.

"Bakit? Wala naman kaming sinabi na masama ha." Inosenteng tugon ni Meldie na ang sarap hambalusin ngayon.

"Kanina ka pa namin hinahanap, akala namin kinain ka na ni Ma'am Albrecht." Agad ko naman ibinato yung nahawakan ko kay Rie na mabilis nya lang nasalo bago ako tinawanan.

Sarap talaga i-murder ng dalawa na to.

"Chika mo naman, ano nangyari?" Tanong ni Meldie na titig na titig sakin ngayon habang hinihintay ako mag salita.

"May nangyari ba sainyo?"

Ang gago.

"Anong nangyari!?" Siraulo talaga to si Rie kahit kelan.

Humagalpak naman ng tawa ang siraulo. "Wala ba? Sayang hindi ka pala nadiligan."

Ngayon naman ay sumabay na si Meldie kakatawa, maubusan sana ng hininga tong dalawa na to kakatawa.

"Umamin ka nga Xy." Tumatawang tanong ni Meldie. "Bottom ka ba?" Sabay na tanong ng dalawang kumag na to.

"Tangina nyo!"

Ako magiging bottom? Asa pa sila.

"Top ako gago!" Tumatawa pa din yung dalawang kumag habang umiiling.

"To see is to believe." Pang gagagong sabi ni Rie.

"True, to see is to believe ang motto namin dito be." Sinabayan pa ni Meldie na halos namumula na yung buong mukha kakatawa.

Hindi naman na ako sumagot sakanilang dalawa dahil puro kalokohan lang din naman yung lalabas sa bibig nilang dalawa. Mga ilang minuto nalang naman din ay uuwi na ako dahil wala na akong klase.

"Oo nga pala." Panimula ni Rie. "Nakapag-decide na kami para sa birthday ni Eve. It will be a pool party, pero galing sa Jollibee lahat ng foods and of course nandoon din sila Jollibee pati yung ibang characters na hindi ko kilala." Pagpapaliwanag ni Rie.

Agad naman akong umiling. "We already discussed this. I told you, we do not need to have a birthday party for Eve."

Agad naman na umiling si Meldie at Rie. "And you know you can't stop us." Meldie said as she shrugged and I just sigh, completely defeated.

Alam ko naman na talaga na wala akong magagawa at wala na din akong masasabi na makakapagpa-bago pa sa desisyon ng dalawa na to. They're too stubborn and they won't listen to me.

"Inaayos na yung invitation, we'll just send you one." Rie said as she playfully smile.

Napa-buntong hininga nalang ako at inayos na yung mga gamit ko dahil uuwi na ako. "I'll go ahead. See you guys tomorrow." Aalis na sana ako nang pigilan ako ni Rie. "Favor, I forgot my earphone inside my car, can you get it for me?" Rie said showing me her puppy eyes.

I frowned. "Ang panget mo."

Agad naman na humagalpak ng tawa si Meldie at mabilis din akong binato ni Rie ng susi ng kotse nya na mabilis ko lang nasalo. I chuckle as I walked away, going straight to the parking lot.

Agad ko naman nakita yung sasakyan ni Rie at maglalakad na sana ako papunta doon nang makita ko si Mrs. Allison na kakalabas lang ng sasakyan na nasa tabi ng kay Rie, pero ang mas kinagulat ko ay kasunod ng paglabas nya ay yung lalaki naman na familiar sakin.

Lies After Lies Where stories live. Discover now