Chapter 26.

136 11 4
                                    

Xyrhil's POV.

I can't believe they're doing this to me.

I can't concentrate at all.

So, ito yung reason kung bakit nila ako ginawan ng social media at kung bakit sila gumawa ng group chat, para lang mag ingay at tawagan ako ng tawagan.

I'm supposed to be doing my homework but they kept calling me and even threatening me if I won't answer the call.

"Do you guys know what is boiled white corn kernels?" I heard Rie asked.

We're video calling for the last two hours, it's me, Raven, Meldie and Rie. Umalis na kasi si Hans kanina pa kasi may pupuntahan daw sila ni Charlyn.

"Oy alam ko yan. Binagot tawag dyan." I burst out of laughter when I heard Meldie and Raven said that.

Sabay pa nagsalita ang mga loko.

"Anong tinatawa-tawa mo dyan?" Umiling-iling naman ako. "Ang tatanga nyo, infairness."

"Anong binagot? Binatog kasi tawag dyan. Mga rich kid moments nga naman." Sambit ko habang tumatawa pa din.

"Binatog ba yon? Bakit naririnig ko binagot?" Inosenteng tanong ni Raven.

Nagkibit-balikat naman ako at muling tumawa. "Aba malay ko, saan mo ba kasi narinig yan."

"Che! At least hindi boiled white corn kernels tawag ko."

"Aba tigilan mo ako, Raven. Malay ko bang binatog pala tawag dyan." Rebut naman ni Rie at agad na umirap.

"Anyway, umpisa na bukas yung training mo para sa badminton diba?" Tanong sakin ni Meldie at agad naman akong tumango.

"Oo, wala akong choice eh. Sinulat nyo ba naman pangalan ko sa isa sa mga magpa-participate doon." Ngumiti naman si Meldie. "Okay na yon, wag ka na umarte."

I rolled my eyes as I didn't say anything and focused on doing my homework again. Medyo ini-layo ko naman na yung cellphone ko at pinahinaan yung volume para hindi ko sila masyadong marinig.

Napaka-dami ba naman iniwan na gawain samin nung Professor namin kasi magbabakasyon daw sya tapos dapat daw matapos namin to ng tatlong araw lang at mai-submit kaagad. Hindi naman nagtuturo.

"Sumama ka na, Raven." Rinig kong tugon ni Rie kaya naman hinila ko pa-balik yung cellphone sa harap ko.

"Saan sya sasama?" Saan nanaman kaya gagala tong mga to.

"Sa Psychology Week natin, pwede naman sya doon eh." Tugon ni Meldie na ikina-tawa ko. "Wow, maka-'natin' ka parang Psychology Student ka din ha." Natatawang sambit ko.

"Oo, makiki-Psych week muna ako sainyo, boring samin eh." Sambit ni Meldie na ikina-iling ni Rie.

"Titignan ko pa, may trabaho ako nun diba." Tugon naman ni Raven.

"Diba may trabaho ka din ngayon, Raven?" Tanong ko na ikina-tango nya. "Isang oras na ata tayo nag uusap, hindi ka ba papagalitan nyan?"

Kanina pa kasi kami nag uusap tapos nasa trabaho pala tong mokong na to. Buti hindi to pinapagalitan ng amo nya. Nagkibit-balikat naman si Raven at ngumisi. "Magaling kasi ako magtago." Sambit nya at kumindat.

"Anyway, I gotta go. I have a date." Sambit ni Meldie na ikina-gulat ko.

Ano nanaman sinasabi nito. "Anong date? Sino ka-date mo?" Pang uusisang tanong ko.

"Si Ms. Miguel." She winked before she left the video call.

"Is it true?" Raven asked and Rie shrugged. "I don't know, maybe? But knowing her, she probably threatened Ms. Miguel to go on a date with her." Rie said as she chuckle.

Lies After Lies Where stories live. Discover now