Chapter 5.

220 13 0
                                    

Xyrhil's POV.

"Saan mo dinadala si Eve?"

Napa-buntong hininga nalang ako nang marinig ko si Cj. Pa-akyat na sana ako para magbihis dahil kakauwi ko lang galing School. Hindi ko nanaman inaasahan na nandito si Cj.

"She's in her School." Maikling sagot ko at aakyat na sana nang pigilan nya ako.

"School? Hindi ako tanga! Kahit gabi wala dito si Eve."

Hindi sya tanga?

Edi sanaol.

Ako kasi tanga minsan.

Wala akong lakas ngayon para makipag-sagutan kay Cj, ayoko din pumasok sa trabaho ko ng may mga pasa nanaman sa mukha ko. Masakit din talaga yung katawan ko ngayon kaya ayoko na makipag-talo ngayon.

I was about to walk away when he grab my arm. "Don't lie to me, I'm your Brother!"

I scoffed. "Really? Then why don't you try and act like one?"

Hindi ko na napigilan yung sarili ko na sagutin sya, dahil naiinis na talaga ako sakanya. Ang lakas ng loob nya na sabihin yon sakin, Brother? I don't even think I have one.

He was supposed to be the older Brother. He was supposed to take care of me and Eve, not the fucking other way around. He was supposed to be the adult here.

I backed up against the wall and he walked towards me. He punched me in my stomach and I immediately bent over in pain. He grabbed my hair and made me look at him.

Huminga ako ng malalim dahil alam kong anytime ay tutulo na yung mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Ayokong makita nyang umiiyak ako sa harapan nya, I hate appearing weak in front of him because it only make things worse.

"Wag na wag mong ipapalabas na masama akong kapatid, Xyrhil. You are nothing but a piece of shit and all you do is complain all the fucking time! When our Mom died I was the one who fed you and Eve, I was the one who bring home money for us to stay in this shit hole. Wag na wag mo din ipagmayabang sakin yung kakapiranggot na pera na inuuwi mo galing sa trabaho mo." He pushed my head back and that's when I hit the wall.

"Subukan mo lang tumakas, sisiguraduhin ko na pati si Eve mananagot."

Everything was blur as I slid down the wall and landed on the floor. I barely saw him walk away as my vision finally went black.

----

I tried to open my eyes but I immediately shut it when the sunlight hit my eye. My head is spinning.

My head fucking hurts.

Unti-unti ko naman inimulat yung mga mata ko at nag adjust sa liwanag na nakikita ko. Umupo din ako habang hawak-hawak yung gilid ng ulo ko nang may maramdaman ako na parang basa.

Agad ko naman tinignan yung kamay ko at hindi nga ako nagkakamali, puno ng dugo ngayon yung kanang kamay ko.

Ah, oo nga pala.

Naalala ko na ulit. My good for nothing Brother beat the shit out of me again.

Great.

Dahan-dahan naman akong tumayo habang humahawak sa hagdan para masuportahan ko yung bigat ng katawan ko dahil nahihilo at sobrang sakit ng ulo ko ngayon.

Tumingin naman ako sa orasan namin at napa-buntong hininga nung makita na 2:30pm na, late na ako sa trabaho ko. Ilang minuto nalang din ay lalabas na sa school si Eve at kailangan ko na syang sunduin para hindi sya maghintay ng matagal sakin.

Mabilis lang ako na naghilamos at pinunasan yung dugo sa ulo ko, mukha naman tumigil na yung pagdugo nun kaya mabilis akong nagpalit ng damit para maka-alis na kaagad. Hindi na din ako nag abala na tignan kung gaano kalaki yung sugat na natamo ko kanina dahil wala na akong oras para doon, as long as it's not bleeding anymore, it'll be fine.

Lies After Lies Where stories live. Discover now