Chapter 15.

237 16 3
                                    

Xyrhil's POV.

"Here, check this."

Isang damakmak na papel nanaman yung inilapag ni Ma'am Albrecht sa table pagka-pasok na pagka-pasok ko sa loob ng office nya. Bakit nga ulit ako yung kailangan mag check ng mga to? Wala ba syang ibang Student?

Hindi naman sa nagre-reklamo ako ha.

Pero parang ganun na nga.

Pero may benefits naman ako dito, I mean nakikita ko sya tapos nakakasama pa sa loob ng office nya, kaming dalawa lang. Gagi, anong benefits pinag sasabi ko? Puro kalandian ka nanaman, Xy.

"Ma'am?" I called her but she didn't pay attention to me as she was still busy with her laptop. "Ma'am kelan po birthday mo?"

May nakita kasi ako kanina na ginagawa nila Meldie, sini-search nila yung personality nila gamit yung birthday nila kaya curious ako kay Ma'am, hindi ko kasi mabasa yung personality nya baka sakaling si manang Google alam.

Ini-angat nya naman yung tingin nya sakin at bahagyang tinaas yung kaliwang kilay. "Why?" I shrugged. "Curious lang po."

"All of sudden?" Tanong nya na ikinatawa ko ng mahina. "Opo, Ma'am. So, kelan po?" Pag uulit ko sa tanong ko kanina.

Sandali nya pa akong tinignan na para bang binabasa nya ako, iniisip nya siguro kung bakit ko tinatanong yung birthday nya. Mga ilang minuto pa yung naka-lipas bago sya mag salita. "February 3." Maiksi nyang sagot na ikina-ngiti ko.

Gagi, kulang pala sa buwan si Ma'am. Kaya naman pala parang palaging may toyo to eh. Gusto kong tumawa pero baka malaman nya na pinagtatawanan ko sya at ipatapon nya pa ako sa Marikina River Banks.

Imagine may news na bukas. News flash, isang dalaga natagpuan lumulutang ang katawan sa Marikina River Banks pagkatapos pagtawanan ang Professor.

"Why are you smiling like an idiot?" Masungit na tanong nya na ikina-iling ko lang. "May naisip lang po, Ma'am."

"Is it your boyfriend?" Lah? Bakla nga ako eh.

"Wala po akong boyfriend, Ma'am." She didn't say anything as she turned her gaze on her laptop.

"You're not paying attention to my class earlier." Napansin nya pala yon? Pero tama naman sya hindi talaga ako masyadong nakapag-focus sa buong lesson nya kanina dahil masyadong occupied yung utak ko.

"Sorry po." Paumanhin ko na ikina-tango nya lang bago ibinaling yung tingin nya sakin. "Pay attention to my class next time, Davidson. I do not tolerate such tardiness in my class." She seriously said as I nodded and continue to check the papers that she handed me earlier.

Mga papel namin to kanina, nagpa-quiz kasi sya. Lagi naman syang nagpapa-quiz, minsan bago sya magturo ay may quiz kami or hindi kaya pagkatapos nya mag discuss ay diretso quiz kami kaya dapat talaga nakikinig kami palagi sakanya. Ewan ko lang kanina kung bakit hindi ako nakinig sakanya, nakakahiya tuloy yung score ko putek.

"Sobrang magkalayo po pala tayo ng birthday noh? Hulaan mo Ma'am kelan birthday ko." Ngiti-ngiting sambit ko sakanya.

"I'm not interested in your birthday."

Lah, ediwao.

"December 22 birthday ko, Ma'am." Saglit nya naman akong tinitigan bago itinaas yung isang kilay nya. "Hindi ko tinanong."

"Shinare ko lang, Albrecht." She glared at me as I was trying to stop myself from laughing. "What did you just call me?" Masungit na tugon nya na ikina-kibit balikat ko lang. "I didn't even say anything." She rolled her eyes and didn't say anything as she turned her gaze on her laptop again.

Lies After Lies Where stories live. Discover now