Part-2

740 24 0
                                    

Alas singko ng umaga ay gising na si Akimie. naisip na naman niya ang nangyari kagabi. kunting kunti nalang yon.. sunod sunod na paglunok ang ginawa niya para mapigilan ang muling pag iyak. hangga't maaari ay ayaw niyang umiyak dahil nakakasawa na. bumangon na siya ka matigas na higaan niya at tinungo ang malaking salamin. doo'y pinagmasdan niya ng maige ang sarili mula ulo hanggang paa. kagabi ay nakatulog na siya kahit na walang damit dahil narin siguro sa kaiiyak.

Maikling buhok na sobrang kapal..
itim na balat na may maliliit na bukol bukol..
pangong ilong..
ano pa nga ba namang ibabansag sa kanya kundi ''ugly duckling''
Akala niya pa naman kapag pangit ka, ay malayo ka sa kahalayan.. pero mukhang hindi ehh o mas tamang sabihin sigurong malas niya lang talaga? wala naman siyang balat sa pwet pero bakit ganito nalang ang buhay niya?
sawang sawa na siya...
sawang sawa na.

gusto na nga niyang sumuko pero may kaunting pag asa parin sa isip at puso niya na baka sakaling kapag nakapagtapos siya ng pag aaral ay umiba naman ang takbo ng buhay niya..

Masaya naman siya dati ehh..
silang tatlo.
mahal na mahal siya ng mga magulang niya kahit na nga ba mahirap lang sila..
lagi ngang bukambibig ng tatay at nanay niya noon na maganda siya ehh...
maganda siya...
bakit pa kasi sila namatay ehh. yon na nga lang ang pamilya niya nawala pa sa kanya..

Tandang tanda pa niya ang gabing yon.. ang gabing iniwan siya ng mga magulang...

Nanginginig habang nakatalukbong ng gulagulanit na kumot si akimie dahil sa sobrang taas ng lagnat niya. may bagyo noon ay sobrang sungit ng panahon.

'Linda.. ano na nakahiram ka ba ng pera para sa gamot ni akimie?'
-dinig niyang tanong ng tatay karding niya sa kadarating palang niyang nanay.

'Yon na nga ang problema karding ehh,walang gustong magpahiram satin kasi nga wala din naman daw tayong pambayad'
--mangiyak ngiyak na sagot ng nanay niya.

'Pano ba to.. mas lalong tumaas ang lagnat ng anak natin ehh.. baka kung mapano na siya.. halika. samahan mo nalang ako kay pareng basti baka sakaling makahiram tayo sa kanya.'

ang basti na sinasabi ng tatay niya ay nasa kabilang baranggay pa. nung mga panahong iyon ay gustong gusto niyang pigilan sa pag alis ang mga magulang dahil nag aalala siya na baka mapaano ang mga ito pero wala siyang magawa dahil ni hindi nga niya magawang makapagsalita dahil sa sobrang lamig na nararamdaman.
narinig na lamang niya ang pagsara ng pintuan tanda na umalis na ang dalawa.

Buong magdamag siyang naghintay sa pagbabalik ng mga magulang subalit sumikat na ang araw ay walang nanay at tatay na bumalik kaya ganoon na lamang ang kaba niya.
pagtingen niya sa labas ay madilim parin ang kalangitan pero hindi na masyadong malakas ang ulan.

kahit na nanghihina pa at medyo mainit pa siya ay nagtalukbong siya ng manipis na kumot at lumabas. hahanapin niya ang mga magulang!

Masakit na ang mga paa at binti niya nang mula sa makipot na daan ay nakita niya ang ilang tao na nagkukumpulan sa gitna. bigla ang kabang naramdaman niya at mas binilisan pa niya ang paglalakad.
ganoon na lamang ang paghihinagpis niya nang makita ang mga magulang na nakahiga habang may nakadagang isang malaking punong nakatumba! nagkalat ang dugo sa paligid. una niyang nakita ay ang tatay niya niya.. napahagulgol siya nang makitang pisak ang ulo nito at wala nang buhay..

'A-a-ana-k...'

napalingon siya nang makita ang nanay niya na nagpipilit na magsalita. wasak na wasak ang tiyan nito gawa nang puno na nalatumba dito. ang ilan sa lamang loob nito ay nakikita na..
nakita niyang pilit nitong itinataas ang kamay na may hawak hawak na plastik.. puro dugo narin iyon. agad niya iyong tinanggap at binuksan. lalo lamang siyang napaiyak nang makitang gamot at pagkain ang laman ng plastik.

'm-maha-l.k-ka n-namin ng t-tatay m-mo...'

huling katagang nasabi ng nanay niya bago ito lagutan ng hininga.

Mabilis na pinahid ni akimie ang mga luhang namalisbis sa pisnge niya tapos Ay nagbihis na at lumabas ng kwarto para maghanda ng almusal.

。。。。。

"Ladies and gentlemen.. please give a round of applause for our Ms.Ugly Duckling campus witch !!" Ito agad ang bumulaga kay akimie pagpasok na pagpasok pa lamang niya ng classroom.
napuno na naman ng tawanan ang room dahil sa sinabi ng babaeng maganda na sa pagkakaalala niya ay Stacey ang pangalan.
habang naglalakad siya patungo sa upuan niya ay panay naman ang bato sa kanya ng mga nilamukos na papel.
wala pa kasi ang teacher kaya malaya nilang gawin iyon sa kanya..
pero kahit naman may teacher nagagawa parin nila ang ganoong kabastos na gawain ehh.. palibhasa mayayaman at ang alam pa niya.. anak si stacey ng may-ari ng school na to.

"Guys Can you please stop that? wala namang ginagawa sa inyo yong tao ahh" lihim siyang napatingin sa lalaking nagsalita. isang gwapo,singkit at maputing lalaki ang nakita niya. lihim siyang humanga dahil sa kauna unahang pagkakataon ay may isang taong ipinagtataggol siya.

"What now Xandyr? don't tell me kakampihan mo si ms.UD?"Taas kilang na tanong ni stacey.

"Kasi nga wala namang ginagawa yong tao.. it's--- "

"Know what mr.goody goody? kaya hindi kita masagot sagot kasi ang kj kj mo! hmmp!"
sabay irap nung stacey at tumingen sa kanya ng matalim kaya napatungo siya.

natigil lang ang ingay nang dumating ang teacher at magsimulang magturo.

Nang magbreak time ay pinili niya ulit na kumain sa isang sulok ng canteen kung saan malayo sa karamihan.
nagsisimula na siyang kumain ng baon niyang tinapay na walang palaman ng may biglang umupo sa tapat niya.

"Hi.. pa share ha? I'm Alexis nga pala.. 4th year highschool section B..'' Nakangiting pakilala nito sa kanya.
maganda,maputi pero may eye glasses na kagaya niya ang babaeng nasa harap niya ngayon at nagsimula nang kumain ng burger.

"Ahh.. H-hi a-ako naman si---"

"Akimie sui. yeah I know you already.."putol nito sa sasabihin niya kaya napatungo na lamang siya.
Ganoon na pala siya kasikat bilang si Ms.UD short for ugly duckling.
maya maya'y naramdaman niyang hinawakan ni alexis ang kamay niya kaya napatingen ulit siya dito.

"Hey.. It's not what you think, kung iniisip mong kagaya ako nina stacey.. then you'll wrong."
Nararamdaman niya ang sensiredad sa bawat katagang sinasabi nito. at magaan ang loob niya dito.

"Friends?" nakangiting lahad ng kamay nito na agad naman niyang tinanggap.
ngayon lang may nakipagkaibigan sa kanya.. tatanggihan pa ba naman niya?
nakangiting ipinagpatuloy na niya ang pagkain.

***___***

Bloody OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon