Part-8

631 18 1
                                    

Stacey's POV

Kitang kita ko kung pano siya nagsisisigaw nang itulak ko siya.
at kitang kita ko rin nang lumitaw ang ulo niya pero panandalian lang iyon dahil mabilis ding nilamon ng ilog si akimie.
kabadong kabado na ako..
hindi ko naman intensiyon na patayin siya ehh.. tinatakot ko lang siya!
Bigla kaming natahimik ng makita namin si akimie na tila.ba may buong pwersang humila dito pababa..

"W-wala na ba siya?"
Tanong ni andrew habang nandidilat na nakatingin sa ilalim.
ang kaninang mabulang ilog dahil sa pagkalabagsak ni akimie ay Tahimik at payapa na ulit ngayon na para bang walang nangyari.

"Ohhh no... baka n-nalunod na siya guys! anong gagawin natin!" tanong ni nitz at bakas ang pagkalito sa mukha.

"My God! ano nang gagawin natin ngayon?!" Tanong naman ni Alyanna habang ang tatlong lalaki naman at si Alexis ay tulala paring nakatingin lang sa ibaba.

"H-hintayin pa natin I i-im sure nagkukunwari lang na nalunod yong pangit na yon! l-likitaw din yon!" pagtatapang tapangan ko kahit na nga sobrang kinakabahan narin ako.

"Maghihintay? stacey! kalahating oras na tayo dito pero hindi parin siya lumulitaw! ano isda ba siya at makakaya niyang magtagal nang ganun sa ilalim ng ilog? tingnan mo nga oh! tahimik ang ilog stacey! ni wala ngang alon na palatandaan na may aahon o bumagsak ehh!" Galit at pasigaw na sabi ni Andrew.

"Tanga! ano sinisigawan mo na ako ganun? ehh ikaw may kasalanan nito andrew! sino ba ang pumili ng lugar na to? hindi ba't ikaw?!" Galit na galit na sigaw ko sa kanya habang dinuduro ko siya. ayaw na ayaw ko lang talaga ng sinisigawan ako!

"Wow hanep stacey! ako pa naging mali? sino ba itong parang kating kati na pagplanohan ng masama si akimie? ako ba? ikaw diba?"

Hindi ako nakasagot sa huling sinabi niya. totoo naman kasing plano ko ang lahat. pero wala naman akong balak na patayin si akimie ah! balak ko lang siyang takotin!

"Wag na nating pagtaluhan to ang mabuti pa umuwi nalang tayo baka may maligaw pang ibang tao dito. pag nagkataon ay malalagot tayo!" Sabi ni Lloyd na sinang ayunan naming lahat.
Bago sumakay sa kanya kanyang sasakyan ay nangako pa kami sa isa't isa na walang dapat na makaalam sa nangyari ngayong araw..
ililihim naming lahat ang nangyari sa Bloody Ocean..

。。。。。

Xandyr's POV

May pagmamadali sa bawat hakbang ko habang papunta sa classroom.
kahapon pa ako nag aalala kay akimie. kahapon kasi ay pinuntahan ko siya sa bahay nina alexis pero ang sabi ng katulong ay umalis daw ang dalawa at may pupuntahang outing kaya naman malakas ang loob ko na sina stacey ang kasama ni akimie.
sana pala ay sumama nalang din ako.
Nang makarating ako sa classroom ay kasalukuyan nang nag lelecture ang teacher namin. matapos kong humingi ng paumanhin ay tinungo ko na ang upuan ko.
agad kong hinanap si akimie pero hindi ko siya makita.
nakapagtataka lang dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay lumiban iyon sa klase.
pasimple akong tumabi kay stacey at kitang kita ko na napaigtad pa ito pagkakita sa akin.

"Where's akimie?" mahina kong tanong.

"H-ha? b-bat sakin mo siya hinahanap? h-hindi ako tanongan ng mga nawawalang bakulaw no!"
Natawa ako ng pagak sa naging sagot niya. kahit nauutal ay nagawa parin nitong sumagot ng pabalang.

"Stacey pwedi bang tama nang pagmamaang maangan? alam kong kasama niyo kahapon si akimie! nasaan siya stacey? ano na namang ginawa mo sa kanya?!" Pabulong kong tanong at akusa sa kanya ngunit bakas parin ang panggangalit ng bawat salitang binibigkas ko. pinipilit kong magpakahinahon para hindi makatawag ng pansin pero sadyang naiinis na ako dahil narin siguro sa pag aalala kay akimie.


"H-hindi ko nga sabi alam ehh! ang kulit mo!"

"Alam kong may alam ka stacey! kanina ay nagtanong ako kay alexis pero maging siya ay walang matinong nasabi sakin! sabihin mo na stacey! san mo tinatago si akimie!" napasigaw na ako at nahampas ko ang upuan ko dahil sa galit.

"Kayong dalawa! anong mga problema niyo! oras ng klase kung ano ano ginagawa niyo! gusto niyong mapatawag sa guidance office?!" sita sa amin ng teacher kaya nanahimik nalang ako.

。。。。。

Alexis's POV

Dalawang gabi na akong binabagabag ng konsensiya ko.
mula nang dumating kami galing Sa outing ay hindi ako makatulog at mapakali.
nagsisisi ako sa nagawa ko kay Akimie.. kung hindi nalang sana ako nakinig kay stacey at kung sana ay hindi ko nalang sinama si akimie ay hindi sana siya nalunod..
takot na takot ako nun kasi pagtingen ko sa ilog na yon ay may nakita akong parang malaking buntot ng isda na kasing kulay ng tubig sa ilog kaya hindi agad mapapansin. pero ako.. sigurado akong nakita ko yon! malaking buntot ng isada.. na parang may katawan ng tao? arrgh!! hindi ako naniniwala sa mga mermaids na yan pero ano yong nakita ko?!

Nung makarating ako sa bahay namin ay tinatanong ako ni nana yoling kung nasaan si akimie at kung bakit hindi ko siya kasama.

sabi ko umuwi na siya sa kanila..
alam kong hindi sakin naniniwala si nana yoling dahil kilalang kilala na niya ang bawat galaw ko.. kung nagsisinungaling lang ba ako o hindi.

pero wala na akong magagawa sa iisipin niya. basta kahit na anong mangyari.. hinding hindi ako aamin na nalunod si akimie sa Bloody ocean..
ayokong makulong! AYOKO!!


Samantala..
sa kwarto ni Andrew ay nakatutok lang ang binata sa computer at naglalaro ng dota.
walang ano ano'y may narinig siyang sitsit.
itinigil niya ang paglalaro at luminga linga sa paligid pero wala naman siyang nakita. siya lang ang nasa loob ng kwarto at wala nang iba!
napapailing na muling ibinalik na niya ang atensiyon sa paglalaro.

Bloody OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon