Maya maya lang ay biglang nahawi ang kumpol ng mga nilalang na yon at biglang sumulpot sa harapan ko ang isang nilalang na katulad ng mga nakikita ko. ang kaibahan nga lamang ay malaki ang nasa harap ko ngayon at mas lalong nakakatakot ang itsura nito kumpara sa karamihan.
'tama ba ang nakikita ko? ito na ba ang mga sirena na nababasa ko lamang nood sa libro? p-pero bakit nakakatakot ang anyo nila?'
mga katanungang ako lamang ang nakakarinig. nilibot ko ang aking mga mata sa paligid at nakita kong nasa isang kweba ako at nakahiga sa isang malaking bato habang sa ibaba ko naman ay may tubig na parang sapa lang. naanduon nagkukumpulan ang mga nilalang na nakatingin lang sa akin.
naramdaman kong nasa tabi ko na ang nilalang na nakakatakot. siguro ito ang pinaka pinuno nila.
nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang mahaba at matulis na sibat na hawak hawak niya habang nakatingin sa katawan ko!!
isa lang ang sigurado ako!! papatayin niya ako!
ayoko pang mamatay!! hindi !! ayoko pa!!'wag! parang awa niyo na.. wag niyo akong papatayin!! gagawin ko lahat ng gustuhin niyo buhayin niyo lang ako!!'
kita kong natigilan ang kaharap ko tapos may sinabi siya. hindi ko nga lang maintindihan dahil parang ungol lang iyon ng isang ahas.
'hhhhssshhhhh'
sumubok parin akong mag makaawa kahit na hindi ko alam kong maiintindihan niya ba ako.
'Maghihiganti pa ako sa mga nanakit sakin!! parang awa niyo ayoko pang mamatay!! maghihiganti pa ako!!'
Napapikit pa ako lalo pero bigla rin akong napadilat nang may maramdaman akong kakaiba sa leeg ko.
nakita kong may inilagay ang nilalang sa leeg ko pero hindi ko mawari kung ano! basta bigla ko nalang naramdaman na nag-init ang buong katawan ko at parang nangangati ang binti ko.
'AHHHHHHHHHHH!!!!'
kasabay ng pag sigaw ko ay ang paglaho ng kakaibang pakiramdam at napalitan iyon ng isang napakagaan na pakiramdam.
naramdaman kong inalis ng nilalang ang tali ko tapos ay iginiya ako papunta sa tubig. sa pagdantay ng katawan ko sa tubig ay nagkaroon ng munting liwanag ang mga paa ko tapos ay nagulat nalang ako nang biglang mapalitan ng buntot ng isda ang mga paa ko!'A-anong nangyari?' maang kong tanong habang nakatingin parin sa paa ko na buntot ng isda na ngayon.
'gusto mong mabuhay hindi ba?'
napatingin ako sa nagsalita.
'Reyna Aquatica. tawagin mo na lamang akong Reyna Aquatica'
tama nga ang hinala ko kanina pa. siya nga yong pinuno ng mga nilalang na nakapalibot sa akin.
bakit naiintindihan ko na ngayon ang mga sinasabi niya?'isa kana samin ngayon kaya maiintindihan mo na ang mga sinasabi namin.' sagot nito na wari ba'y nabasa ang nasa isip ko.
'Ayaw mo pang mamatay hindi ba?'
'O-opo.. g-gusto ko pang mabuhay..'
'Alam mo bang ilang taon na ang nakakalipas nang huli kaming makakain ng karne ng tao akimie?'
hindi ko alam kung bakit alam niya pangalan ko at wala na akong balak na tanungin pa siya dun. ang alam ko lang ay bigla akong kinilabutan sa huling sinabi niya.
''karne ng tao...
'Limang dekada na ang nakakapas. may isang barko na nagawi dito sa tahanan namin.. nung mga panahong iyon ay isang malawak na karagatan pa ilog na ito.
lumubog ang barkong iyon at kinuha namin lahat ng mga taong sakay pati na ang barko at inilagay namin sa kailaliman dito.
yon ang naging pagkain namin sa loob lamang ng ilang araw.. pagkatapos nun ay may nagsidatingang mga tao dito at gumawa sila ng paraan para maging makipot ang lugar namin at maging isang parang ilog na lamang. dahil sa nangyari ay nahirapan kaming maghanap ng makakain dahil nakulong kami sa lugar na ito.'
BINABASA MO ANG
Bloody Ocean
HorrorAkimie Sui. Tampolan ng tukso dahil sa kanyang itsura.. Nalunod sa ilog na tinatawag na BLOODY OCEAN. makalipas ang tatlong araw ay bigla siyang nagbalik na taglay ang kakaibang ganda ngunit kasabay nito'y ang sunod sunod na patayang naganap.. Ano n...