Part-3

644 24 0
                                    

Nang makauwi sa bahay ay dala dala ni akimie ang saya na nararamdaman dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon siya ng kaibigan sa katauhan ni Alexis kaya naman masigla niyang nagawa lahat ng gawaing bahay nang araw na yon.
Nang matapos maglinis sa sala pumunta na siya sa taas para naman linisin ang kwarto ni Tita Luna niya.
nag grocery kasi ang mga ito at bago iyon umalis ay binilinan siya na maglinis ng buong bahay kahit na nga ba gabi na.

Kapapasok pa lamang niya sa kwarto ng tiyahin nang biglang may humablot sa kanya sabay tulak sa kama.

"Hahaha! sa wakas matutuloy narin natin ang naudlot nating paglalabing labing dahil wala ang matandang asungot!" nangniningning ang mata habang nakatingen sa kanya ang manyak na si tito Roland.
Gulat na gulat siya at hindi agad makahuma! ang akala pa naman niya ay sumama ito sa pag alis ng tiyahin.

"Buti nalang at nagawan ko nang paraan para hindi ako isama ni luna! hahah" tapos lumapit na ito sa kanya at dumagan.
nagpupumiglas siya pero sadyang malakas ito dahil malaking tao.
nagsimula na itong paghahalikan siya nang biglang bumukas ang pintuan!

"Mga hayop!! ang bababoy niyo!!" Tinig ni tita Luna. kasabay ng pag alis sa kanya ng tiyuhin.

"Anong ibig sabihin nito roland?! walanghiya kang hayop ka! palamunin kana nga lang din sa pamamahay ko nagawa mo pa sakin to??" nangagalaiting sigaw ni tita Luna habang nakaharap kay tito Roland.

"m-mahal... hindi! nagkakamali ka! I-inakit lang ako ng pamangkin mo! lalaki lang ako kaya napasubo! maniwala ka mahal.. mahal na mahal kita." sabay luhod pa ng tito niya at yakap sa hita ng tita niya.
dahil sa sinabi nito ay bumaling ang tingin sa kanya ng tiyahin sabay takbo papunta sa kanya!

"Sinasabi ko na nga bang bruha ka! talipandas! malandi! puta!! matapos kitang patirahin sa bahay ko ganito pa igaganti mo ha?" sa pagitan ng pagsampal ng paulit ulit ay galit na galit na sabi nito.

"T-tita h-hindi po totoo yon... p-pinagtangkaan niya po ako----"

"Tingen mo maniniwala ako sayong malandi ka? ano sasabihin mo? pinagnanasahan ka ng tito mo ganun ba? ang kapal ng apog mo! ang pangit pangit mo na nga sinungaling ka pa!! hala! lumayas ka sa pamamahay ko!! layas!!''
hawak hawak siya nito sa buhok habang kinakaladkad pababa ng hagdan. nang makarating sa pinto ay marahas siya nitong itinulak kaya napasadsad siya sa lupa.

"T-tita parang awa niyo na po... wala na po akong matitirahan....." pagmamakawa parin niya pero imbes na pakinggan ang sinasabi niya ay malakas nitong isinara ang pintuan.
kitang kita pa niya ang pag ngisi ng tito niya bago pa puminid ang pinto.

Natagpuan na lamang niya ang sarili na naglalakad papunta sa Bahay ni Alexis.
Wala naman siyang ibang alam na bahay kundi dito lang.
buti na nga lang kanina at sabay silang umuwi at inaya pa siya nitong magmeryenda sa kanila kaya kabisado niya kahit papaano ang bahay nito.
lakad lang siya ng lakad, gustuhin man niyang sumakay ng jeep ay hindi pwedi kasi wala naman siyang pera kaya kahit na pagod at naiilang sa mga taong pinagtitinginan siya dahil sa ayos niyang gulo ang buhok at walang sapin sa paa ay binaliwala na lamang niya iyon at tuloy lang siya sa paglalakad.

Napangiti na siya ng sa wakas ay narating din niya ang bahay ni Alexis. wala na siyang inaksayang sandali at agad
nagtungo sa pintuan.
Bahala na.. kakapalan na talaga niya ang mukha.
ilang beses muna ang ginawa niyang paghinga bago pinindot ang doorbell na naroon.

Dalawang beses lang niyang pinindot iyon at bumukas na agad.
gulat ang nakarehistro sa mukha nito nang makita siya.

"Akimie!! Teka.. anong nangyari sayo ha? bakit ganyan ang itsura mo?! naku.. Let's get inside nga!" sabay hila nito sa kanya. agad din nitong isinara ang pinto nang makapasok sila tapos ay pinaupo siya nito sa malambot na sofa.

"Now tell me! anong nangyari ha? nahold-up ka ba.. na rape---"

"M-muntikan na..." agaw niya sa sasabihin pa nito.
mas lalo naman itong nagulat at naitakip pa ang kamay sa bibig nito.

"Y-yong tito ko.. m-muntik na niya akong halayin.. b-buti dumating si t-tita.. p-pero... pinalayas din niya ako k-kasi.. i-inaakit ko daw si tito..."Humihikbi niyang kwento dito.
naramdaman na lamang niyang hinawakan nito ang kamay niya.

"Oh my god akimie..." Awa. matinding awa ang nakikita niya ngayon sa mukha ni Alexis.

"A-alexis.. kakapalan ko na ang mukha ko... p-pwedi ba muna akong makituloy dito sa inyo k-kahit---"

"Oo naman akimie.. pweding pwedi. kaya stop crying na okay? from now on.. dito kana sa bahay titira." ang nakangiti nitong sagot. hindi siya makapaniwalang ganun kadali itong papayag sa pakiusap niya.
napakabuti nito.

"Wait me here okay? I will tell nana Yoling to prefer Dinner for you. Alam kong hindi kapa kumakain." bago siya makasagot ay umalis na ito at nagtungo na sa kusina. hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi parin siya makapaniwala na may isang taong tutulong ng walang pag aalinlangan sa kanya.

Malaki ang bahay ni Alexis, dalawang palapag iyon pero dalawa lang ang nakatira. si alexis lang at ang nana yoling nito. nasa ibang bansa daw kasi ang mga magulang nito dahil naandun daw ang buseniss. pinapadalhan nalang ito lagi para sa mga gastusin.

Ilang minuto lang ay binalikan na siya ni Alexis at inaya sa dinning area.

Adobong baboy,pakbet,kanin at malamig na tubig ang nakahain sa Lamesa.

"Pasensiya kana akimie ha.. ininit nalang kasi ni nana yoling yan ehh. tapos na kaming kumain kanina pa." Hinging paumanhin nito habang umuupo sa kaharap niya.


"N-naku Alexis okay lang ano kaba.. ako nga dapat ang mag thank you sayo kasi pinatuloy mo ako sa bahay mo.." Nahihiya niyang sagot dito.


"Hayyy no ka ba akimie.. we're friends kaya natural tutulungan kita. sige na kain kana para makapagpahinga kana pagkatapos. may pasok pa tayo bukas remember?"

Kahit nahihiya ay kumain nalang siya. gutom narin kasi siya ehh. pero siguro hindi na siya makakapasok pa sa school. wala na ang pangarap niya na makapagtapos ng pag aaral kasi wala nang magpapaaral sa kanya. problema nga din niya ngayon ang damit at gamit niya kasi wala naman siyang ibang dala kundi ang suot suot niyang damit ngayon.

***____***

Bloody OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon