Akimie's POV
Nagtatawanan pa sila habang dinadala ako sa kung saan..
hanggang sa bigla nila akong inihagis ng pabigla kaya naman napahiga ako sa matigas at mamasamasang lupa.“A-ano bang gagawin niyo sakin? bakit niyo ba ako gunaganito wala naman akong ginagawang masama?”
Tanong ko sa kanila sa paggitan ng aking pag iyak. pinagmasdan ko isa isa ang mga mukha nila na nakapalibot sakin.
pawang may malaking kita sa kanilang mga labi na nagpadagdag sa takot na nararamdaman ko.
“wala ka namang kasalanan talaga akimie.. kaso masyado kang pangit at napakalandi mo pa. ang lakas ng loob mong agawin sakin si Xandyr! pwe! ”
Dumikit sa mukha ko ang laway ni stacey.. gulong gulo na ako. wala naman kasi akong inaagaw sa kanya kaya bakit siya nagkakaganun?
“Please naman stacey pauwiin mo nalang ako. pangako aalis nalang ako sa school niyo.. Alexis please naman ohhh”
Para na akong pulubi sa mga oras na yon na nanghihingi ng kunting tulong na ayaw naman nilang pakinggan..
gusto kong tumakbo palayo sa kanila pero paano?
nasa harapan ko silang walo at sa likod ko naman ay isang Tubig.. sobrang linaw ng tubig at ang kulay nito ay asul na nagiging kulay berde kapag natatamaan ng sinag ng araw..
kung pagmamasdang maige ay malalaman mong napakalalim niyon. takot pa naman ako sa tubig.. mahilig akong magbasa ng mermaids legend pero takot ako sa mga ilog.. dagat o kahit sapa lang.maya maya'y lumapit sa akin si Andrew at inakbayan ako habang pinihit niya ang mukha ko para matingnan ang Ilog sa baba.
“Alam mo ba ang tawag sa ilog na nakikita mo ngayon akimie? Ito ay tinawag nilang BLOODY OCEAN.. bakit ocean?kung pagmamasdan ng maigi sy parang ilog lang siya pero ubod naman ng lalim ito na kahit ang pinakamagaling na maninisid sa buong mundo ay hindi nagawang sisirin ang kailaliman nito at ayon sa sabi sabi may isang malaking barko daw ang lumubog sa ilog na to na napakaraming sakay. kahit anong pilit ng mga recuers na sisirin ang nalunod na barko ay hindi nila nagawa. ni hindi nila nakita ang barko dahil sa sobrang lalim nito.. hindi narin nakita maski isa ang mga sakay ng barko.. hanggang sa lumipas ang mga taon.. kapag may mga nagagawi dito at naisipang maligo ay hindi na nakakaahon ng buhay.. kalansay nalang ang lilitaw. sabi pa nila.. mga halimaw ng ilog daw ang may gawa.. iniisip nila na yong sakay ng barko ang naging halimaw na ngayon ay pumapatay ng kung sino mang maliligo dito.. at dahil sa takot. wala nang sinuman ang nangahas na magpunta dito..”
Halos panawan na ako ng ulirat matapos magkwento ni Andrew.. maging sina stacey ay nakita kong namutla dahil siguro sa takot. ganon paman, ay kakikitaan ko parin siya ng excitement na wari ba'y may pinaplanong hindi maganda.
“Akimie.. gusto mong tigilan ka na namin diba?” maya maya'y tanong sa akin ni stacey..
Tumango naman agad ako at biglang nagkaroon ng pag-asa. pero ang pag asang yon ay napalitan ulit ng takot dahil sa sumunod nitong sinabi.
“Kung ganun.. gusto kong tumalon ka sa ilog na yan.. kapag ginawa mo yon ay hindi kana namin gagambalain pa. ”
Naka smirk na sabi nito na sinundan naman ng tawanan ng gropu pati narin ni Alexis.“P-pero stacey... n-natatakot ako a-ayoko.. b-bak-- ”
“Baka kainin ka ng mga halimaw ganun? nagpapatawa ka ba? sa itsura mong yan sa akala mo ba pag iintiresan ka ng halimaw ehh mukha ka na ngang halimaw?!” Tapos ay nagtawanan na naman sila. sobrang sakit kasi talagang pinamumukha na nila sakin na napakangit ko. alam ko naman yon ehh at hindi ko naman yon kasalanan kong naging pangit man ako.. dapat nga magpasalamat naLAng sila sa sarili nila kasi nabiyayaan sila ng magagandang mukha hindi yong inaaksaya nila ang oras nila sa isang kagaya ko.
“Ahh s-stacey.. siguro pauwiin na nga lang natin si akimie..”
nagkaroon ulit ako ng katiting na pag asa kasi nakita ko na naaawa sakin si alexis.
“Baliw ka? baka gusto mo siyang samahan ano! sabihin mo lang para dalawa na kayong tumalon!” nanlilisik ang mga mata na sagot dito ni stacey kaya naman parang maamong tupa na napayuko nalang ito.
nang tingnan ko siya ay panay ang tingen niya sa ilog na para bang may nakita siyang kakaiba dun at halata ring pinagpapawisan at takot na takot siya..“Ano akimie? tatalon ka o tatalon?” baling ulit sakin ni stacey..
panay naman ang iling ko dahil natatakot talaga ako. pakiramdam ko kasi ay may masamang mangyayari kapag tumalon ako.. nangangalisag din ang mga balahibo ko tuwing mapapatingen ako sa ilog na nasa likod ko..“Ayaw mo talaga! tutulungan kita!” Bago paman ako makahuma ay mabilis na lumapit sakin si stacey pati ang grupo maliban lang kay alexis. bigla nila akong pinagtulungang itayo at itinapat sa ilog.
parang bangin ang kinaroroonan ko pero sa ibaba nito ay ang tahimik at payapang ilog na walang kagalaw galaw na wari ba'y inaabangan din ang mga susunod na mangyayari.
“Say hi to the monsters and! welcome to Bloody ocean!”
kasabay niyo ay biglang pagtulak sakin ni stacey..
parang slow motion ang lahat.
nagsisisigaw ako habang nahuhulog. parang kakapusin narin ako ng hininga dahil sa hangin na sumasabay sa akin pabulusok. maya maya pa'y naramdaman kong sinalo na ako ng napakalamig na tubig sa
ilog..
noong una ay nagawa ko pang mailitaw ang ulo ko subalit naramdaman kong parang may humihila sakin paibaba..
at bago nagdilim sa akin ang lahat..
nakita ko ang mga mukha nila..
mga mukha ng nilalang sa ilalim ng BLOODY OCEAN....***___***
Malapit na ang madugong paghihiganti *smirk*
kaya Vote and Comment na mga kaibigan xD Wehehehehe..........
BINABASA MO ANG
Bloody Ocean
HorrorAkimie Sui. Tampolan ng tukso dahil sa kanyang itsura.. Nalunod sa ilog na tinatawag na BLOODY OCEAN. makalipas ang tatlong araw ay bigla siyang nagbalik na taglay ang kakaibang ganda ngunit kasabay nito'y ang sunod sunod na patayang naganap.. Ano n...