Part-19

582 18 0
                                    

Nitz's POV

'' Ewan. pero sabi ni Rafael apat na araw na ding hindi bumabalik sa bar yong bagong dancer.'' sagot ko kay stacey.

''Pero guys.. iba kasi ang pakiramdam ko eh. palagay ko iisang tao lang ang gumagawa nito eh. inuubos na niya tayo..'' dugtong ko. alam ko.. at nararamdaman ko na si akimie ang may kagagawan ng lahat ng ito!

''sige. uuwi na ako ha?'' sabay tayo ni Thomas at inayos ang mga gamit para umalis bagay na ipinagtaka ko.

''Thom! hindi ka manlang ba nag-aalala sa mga nangyayari? hindi ka ba natatakot?!''
Medyo napalakas na ang boses ko dahil sa magkahalo halong emosyon.

''Bakit ako kakabahan? bakit ako matatakot?! eh handang handa na nga ako kung ako na ang susunod eh!! wala na akong pakialam pa..'' nabigla ako sa naging sagot niya. hindi ko akalaing magiging ganun ang pananaw niya sa mga nangyayari. ang akala ko ay magtutulungan kami. magkakapit-bisig para kahit papaano ay matapos na ang mga nangyayari o kung hindi man ay magkaroon ng lakas ng loob lahit sandali lang.

''Napakaduwag mo naman thom! wag mong sabihing dahil lang kay alyanna gugustuhin mo naring mamatay?! wag mong sabihing---

''Oo!!! oo yon ang putanginang rason ko!! gusto ko nang mamatay para makasam ko na si alyanna kung san man siya naroroon!!''

''Pero Thom nandito pa kami.. may pamilya ka.. may kapatid ka. kaya mo bang iwan silang nasasaktan kung may mangyaring masama sayo?'' sa pagkakataong iyon ay napaluha na ako.. siguro dahil nararamdaman ko narin na hindi na magtatagal pa ang buhay ko dahil naandiyan parin ang posibilidad na isa na sa amin ang susunod. hindi ko lang talaga kayang makita ang mga kaibigan kong nanghihina at nawawalan ng pag-asa.

''Thom.. may pamilya ka! may magmamahal pa sayo.. pero ako.... ulilang lubos na ako at nakikitira nalang sa malayong kamag anak pero ayokong sumuko dahil gusto ko pa kayong makasama.. kayong mga kaibigan ko..'' Rinig kong humihikbi narin si stacey pero nanatili lang siyang tahimik habang nakatungo. si thomas naman ay nakatitig lang sa akin habang nakakuyom ang kamao tanda na nanggigigil ito.

''Ito na sana ang huli nating pagkikitang tatlo.''
Bago tumalikod si thom ay nakita ko pa ang isang butil ng luhang tumulo sa pisngi niya.
mahirap mang isipin pero siguro nga ay hanggang dito nalang ang samahan naming tatlo.

''I.. I'm sorry..'' napalingon ako kay stacey nang magsalita ito.

''Kung hindi dahil sa pagiging bitch ko ay hindi sana mangyayari ang lahat ng ito.. p-patawarin mo ako Nitz.. patawad..'' humahagulgol niyang sabi habang nakatingin sa akin na puno ng luha ang mga mata.

hinawakan ko ang dalawa niyang kamay na nasa lamesa.''Wala kang kasalanan stacey.. sadyang mga kabataan lang tayo na may mga nagagawang kalokohan. wag mong sisihin ang sarili mo dahil lahat naman tayo may mali.. hindi lang ikaw kundi tayong lahat.''

Pareho na kaming nag-iiyakan nang mga oras na iyon.
at bago kami maghiwalay ay isang mahigpit na yakap ang ipinagkaloob namin sa isat'isa.

Stacey's POV

Nakatanaw parin ako sa papalayong si Nitz.
ang sabi ko sa kanya ay gusto ko munang mapag-isa kaya naiwan ako sa lugar na park na iyon.

Nakakalungkot isipin na dahil sa katangahang nagawa ko ay magkakawatakwatak kaming magbabarkada.
kasalanan ko ang lahat.. pero kahit ano pa ang gawin ko, magsisi man ako ay huli na.

''hindi ako papayag na mamatay nalang nang walang ginagawa.. kahit delikado.. susubok parin ako. hindi ko 'to gagawin para sa sarili ko kundi.. gagawin ko 'to para sa mga kaibigan ko.''

Sabi ko habang pinupunasan ang luha sa aking mga mata.

。。。。。

Akimie's POV

Nandito ako ngayon sa malawak na kweba na matatagpuan sa ilalim ng ilog. kakatwang hanggang dibdib ko lang ang tubig doon.
Kaharap ko ngayon ang reyna ng mga nilalang na inangkin ko nang mga alaga.
matalim ang singkit nitong mga mata habang nakatingin sa akin.
Kulay abo ang buong katawan niya at napapalibutan din ito ng maninipis na kaliskis na kulay dilaw at asul habang ang buhok naman niya ay tuwid at kulay puti.
nakakatakot ang mga mata niyang kulay pula na kanina pa nakatingin sa akin.


''Pansin kong nag dadalwang isip kang ituloy pa ang kasunduan natin akimie.'' malamig nitong sabi. kakaiba ang paraan ng kanyang pagsasalita pero lahat iyon ay naiintindihan ko dahil isa narin ako sa kanila.

Napayuko ako at hindi agad makahagilap ng sasabihin.

''Binuhay kita dahil sa iyong pakiusap akimie! ginawa kitang napagandang nilalang.''


''Nakukunsensiya na po ako mahal na reyna.. sa palagay ko'y hindi ko na maitutuloy pa ang ating kasunduan.'' napapalunok kong saad habang nakayuko parin.


''HINDI MAAARI!!! ANG KASUNDUAN AY KASUNDUAN AKIMIE!!! HSSSSHHHHHHSHHH!''

biglang sigaw ng reyna kaya napaigtad ako at halos manginig ang katawan. nakita kong dahan dahang nagsilapitan sa akin ang kanyang mga alaga habang sumisingasing.. wari ba'y nag-kakaisa sila sa galit ng kanilang pinuno.

''Naalala mo ba ang kasunduan akimie? baka nalilimutan mong patay kana dapat ngayon kung hindi dahil sa pakiusap mo?''

Dahil sa sinabi ng kaharap ay naalala niya ang mga nangyari matapos niyang mahulog sa ilog na yon..

Flashback (akimie)

Nang mahulog ako sa ilog ay nagawa ko pang maiahon ang ulo ko subalit hindi pa man ako nakakasagap ni kaunting hangin ay naramdaman kong bigla na may humawak sa mga paa ko at hinigit ako sa kailaliman..

Masikip na ang dibdib ko dahil hindi ako makahinga.
hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero ramdam kong patuloy akong hinihila ng kung sino hanggang sa hindi ko na nakaya pa at nawalan na ako ng pakiramdam sa mga nangyayari..

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar.
masakit ang katawan ko at nagsisikip parin ang dibdib ko.
buhay pa pala ako?! ang huling natatandaan ko ay may humigit sa akin pailalim tapos---

''shhhhshhh shhhshhh''

T-teka.. a-ano yong mga naririnig ko?! pilit kong iginalaw ang mga kamay ko subalit nabigo lang ako! at napagtanto ko na nakatali pala ang kamay at paa ko gamit ang isang parang pinagdugtong dugtong na lumot!
laking panggigilalas ko nang makita ko ang mga kakaibang nilalang na nakapalibot sa akin. sila pala ang may gawa ng mga ungol na naririnig ko. wari ba'y gusto nila akong kainin nang mga oras na yon!
nakakatakot ang mga itsura nila! at may buntot sila ng isda sa ibabang bahagi ng kanilang katawan!

***___***

Bloody OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon