Part-6

615 24 1
                                    

Marahang katok sa pinto ang narinig ni Akimie kaya pansumandaling natigil ang pagbabasa niya ng libro.

nang buksan niya iyon ay ang nakangiting mukha ni Alexis ang bumungad sa kanya.

"Hi. ahm can we talk?" nakangiti nitong tanong.

"Oo naman.. Tara pasok ka." tapos ay niluwagan niya ang pagbukas ng pinto ng kwarto.

"May outing kasi kami akimie together with my friends, baka lang gusto mong sumama?" sabi agad nito matapos maupo sa kama na higaan niya.

"Naku.. hindi na kayo nalang. dito nalang ako."

"Aww akimie kasi gusto ko sana na sumama ka ehh.. bigyan mo naman ang sarili mo na makapag enjoy. dont worry kasi two days lang naman yon tsaka saturday naman kaya walang pasok..."

"N-nakakahiya kasi ehh.."

"Naku hindi yon.. mga kaibigan ko naman yon ehh tsaka nasabi ko na sa kanila na kasama kita
.. and they are looking forward to meet you..."
Simpleng pakiusap lang naman yon galing kay alexis. matatanggihan pa ba naman niya sa kabila ng mga naitulong nito sa kanya?
kaya kahit kinakabahan at nahihiya ay tumango na lamang siya bilang sagot.

sa sobrang tuwa pa nga nito ay nayakap siya tapos ay umalis na agad ng kwarto niya kasi maghahanda na daw ito ng mga dadalhin.

Samantala...
Matutulog na sana si Xandyr ng biglang tumunog ang cellphone niya tanda na may tumatawag.

stacey's calling....

wala sana siyang balak na sagutin iyon pero patuloy lang na nag iingay kaya nagpasya siyang sagutin na lang.

"What now stacey?"
malamig niyang tanong agad dito.

"Ahm.. I want to invite you sana xandyr kasi bukas may outing kami ehh.. sumama ka please?"

"I'm not in a mood, sorry."

"Hey.. please naman.. I promise wala akong gagawing gulo at tsaka kahit papano naman may pinagsamahan din tayong pito diba? please? promise last na to xandyr.."

napabuntong-hininga nalang si xandyr tapos ay pumayag narin. baka sakaling kapag pinagbigyan niya si stacey ay mapakiusapan din niya ito na tigilan na ang pambubully kay Akimie.
ewan ba niya.. may pakiramdam siya na gustong gusto niyang protektahan ang dalaga.
umiibig ba siya kay akimie?
dahil sa naisip ay napagtawanan niya ang sarili.
paano naman siya magkakagusto sa dalaga?
physically hindi yon ang ideal girl na pangarap niya.
pero bakit nga ganun nalang kung mag alala siya para dito?
haayy.. kesa mabaliw sa kakaisip ay mariin nalang siyang pumikit para matulog na.

Kinabukasan ay hindi nakasama si xandyr sa lakad nina stacey dahil nagbago ang isip niya.
nag text naman agad siya kay stacey at sinabi niyang hindi siya sasama.. ang ipinagtataka niya lang,imbes na malungkot ito ay parang sumaya pa ata ito na ipinagkibit-balikat nalang niya.

kaya nagbago ang isip niya ay dahil aayain niya sanang mamasyal ngayon si akimie.

。。。。。

Akimie's POV

Paalis palang kami kanina sa bahay ay sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko.
parang gusto kong umatras at sabihin na lamang kay alexis na ayoko nang sumama pero naunahan ako ng hiya.
kaya kahit kakaibang takot ang nararamdaman ko ay sumama parin ako.
Habang daan nga ay panay tanong ko kay alexis kasi bawat daanan namin ay wala akong makitang mga bahay bahay manlang at purong naglalakihang mga puno lang ang makikita sa bawat gilid ng kalsada.
Lalong lumakas ang kaba ko nang makarating kami sa lugar na pag a-outingan daw.. Ni wala ngang cottage manlang sa dinatnan naming lugar dahil puro puno din ang paligid pero hindi na iyon madawag tulad ng kaninang nadaanan namin kanina.

Nagulat ako nang mula sa di kalayuan ay nakita ko ang grupo ni stacey mas kinutuban ako ng masama.

"A-alexis... sina s-stacey ba ang sinasabi mong mga kaibigan?"
Di na ako nakapagpigil kaya naitanong ko na sa kanya.

"Oo sila nga.." malambing niyang pagkakangiti sakin.

"Ehh a-alexis kasi wala ka namang n-nababanggit na kaibigan mo pala sila---"

"Ano ba gusto mo akimie? na lahat sasabihin ko sayo ganun ba? aba masaya ka.." nagulat ako dahil sa naging sagot niya.
lalo na at nakatingen pa siya sakin ng masama.

maya maya'y nakita kong lumapit na ang grupo ni stacey at ngayon ay nakapalibot na sila sa akin kaya naman mas lalo akong kinabahan.

"Buti nalang talaga at hindi nakasama si xandyr ngayon kaya walang magiging hadlang sa paglalaro natin.." Taas kilay sa sabi ni stacey habang nakatingin ng masama sa akin.
Napatingen ako kay alexis at hinawakan siya sa kamay.

"A-alexis.. umuwi na tayo please.. g-gusto ko nang umuwi..." pero tinabig lang ni alexis ang kamay ko.

"Aww.. kawawa.. bakit gusto mong umuwi eh kadarating mo lang? maglalaro pa kaya tayo.." sabi ni stacey. natatakot na talaga ako at mangiyak ngiyak narin. lahat pwedi nilang magawa sakin dahil nasa malayong lugar kami.

"A-alexis sige na naman umuwi na tayo.. b-bakit mo ba to ginagawa sakin diba magkaibigan tayo?" pagmamakaawa ko dito sabay yugyog ng bahagya sa braso nito.

"Pasensiya na akimie pero hindi na kita kailangan! sina stacey na ngayon ang mga kaibigan ko.. kaya lang naman kita kinaibigan kasi feeling ko kapag tayo ang magkasama mas lamang ako sayo ehh kasi pangit ka.." kung nakamamatay nga lang ang mga salitang binibitawan ni alexis,paniguradong patay na ako sa mga oras na yon.
ang sakit sakit.. sobrang sakit na marinig iyon sa taong inakala kong tunay na kaibigan ang turing sakin..
ngayon ko napagtanto na napakahalaga pala ng panlabas na anyo ng isang tao. kasi kapag maganda ka.. ikaw ang angat. ikaw ang reyna...ikaw ang panginoon at ikaw ang mas papaburan.

Bago ako makasagot pang muli ay hinawakan na ako sa magkabilang kamay ng mga lalaking kaibigan nina stacey at kinaladkad sa kung saan.
gustuhin ko mang makawala ay hindi ko magawa dahil madami sila at ako ay iisa lang..


***___***

Vote and comment guys!!
thankie....

Bloody OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon