Alexis POV
Lutang parin ang isip ko habang papasok ako ng school..
grabi! gulat na gulat talaga ako sa biglaang pagbisita nina Lloyd sa bahay namin kahapon lalo na yong sinabi niyang nagbalik na si akimie at kaya sila nagpunta sa bahay ay dahil gusto daw nila itong makausap and at same time ay huminge narin ng tawad.natatakot ako at kinakabahan kasi, kung totoo man na nagbalik nga si akimie.. nasaan ito ngayon?
wala naman siyang ibang mapupuntahan. alangan namang bumalik yon sa tita niya ehh diba nga muntikan na siyang mahalay ng tiyuhin niya?mas dumagdag pa ang ilang katanungan na umiikot sa isip ko.
may kinalaman kaya siya sa pagkamatay ni Andrew?
siya lang naman ang pweding gumawa nun diba?
arghhhh!! mababaliw na ako! palagay ko kasi may mali ehh.. palagay ko sa pagbabalik niya.. nanganganib na ang buhay ko-- namin..
Boooghhhhs!!
shit! dahil sa pagninilaynilay ko ay may nabangga tuloy akong tao!
nagkalat sa sahig ang mga librong hawak ko kaya naman pinulot ko iyon isa isa.. sa huling libro na pinulot ko ay napaigtad ako nang imbis na libro ang mahawakan ay isang kamay..
napataas ako ng tingin sa nagmamay-ari ng kamay at ganun nalang ang gulat at panlalaki ng mata ko ng makita ko kung sino ang kaharap ko ngayon!
''A-akimie....''
Hindi ako maaaring magkamali! naiba man ang itsura niya.. kilala ko parin siya. alam kong siya si akimie!!!
Isang kalahating ngiti lamang ang tanging isinukli niya sakin na naghatid sa akin ng kakaibang kilabot..
dahan dahan niyang iniabot sa akin ang libro ko tapos ay iniwan na akong nakatanga parin.nakita ko siyang pumasok sa room na katabi ng amin.. siya nga talaga si akimie! nagbalik siya!
''Ngayon naniniwala ka nang nagbalik siya.''
napalingon ako sa nagmamay-ari ng boses at nakita ko si Lloyd na nakatingen lang sa classroom na pinasukan ni akimie.Xandyr's POV
Nakita ko nang pumasok sa classroom si akimie tapos ay tuloy tuloy na naupo sa upuan na nasa tabi ko.
hanggang ngayon ay hindi ko pa makalimutan ang wierd na naramdaman ko nung kahapon.. alam kong may mali.. alam kong may hindi tamang nangyayari.Napatingin ako sa kanya na daritso lang na nakatingen sa harap.. hindi ko mabasa kong anong nasa isip niya. wala akong nakikita ni katiting na emosyon sa mukha niya.
Kailangan ko siyang makausap..
kaya nang magbreak time ay aayain ko na dapat siyang mag snack pero bigla akong tinawag ni Stacey. isang lingon ko lang tapos pagtingen ko ulit ay nakalabas na ng room si akimie kaya napabuntong hininga nalang ako.
''Ano na naman stacey?'' walang gana kong tanong sa kanya.
''We need to talk xandyr. I mean,Tayo nina Lloyd. kailangan nating mag usap usap.''
''At ano namang pag uusapan natin?''
''Its about akimie.''
Marahas akong napatingin sa kanya dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ni akimie.''Akimie na naman.. wow stacey hanggang ngayon ba---
''Andrew's dead''
BINABASA MO ANG
Bloody Ocean
HorrorAkimie Sui. Tampolan ng tukso dahil sa kanyang itsura.. Nalunod sa ilog na tinatawag na BLOODY OCEAN. makalipas ang tatlong araw ay bigla siyang nagbalik na taglay ang kakaibang ganda ngunit kasabay nito'y ang sunod sunod na patayang naganap.. Ano n...