Part-23

489 18 0
                                    

Nakarating sina xandyr at Thomas sa bahay nina akimie.
malayo palang sila ay tanaw na nila ang bahay na madilim at tila walang tao. nag-iisa lang ang bahay at medyo may kalayuan sa ibang bahay.
Nagkatinginan muna sina xandyr at thomas bago nag pasyang lumabas na ng kotse.
tahimik nilang tinahak ang gate at dahil bahagyang nakaawang iyon at pumasok na agad sila.

Tok tok tok!!!

Kumatok na agad si Xandyr nang makarating sila sa pinto. walang lumalabas para pagbuksan sila kaya inulit niya ang pagkatok pero wala parin.

''Mukhang walang tao dito Thom'' baling niya sa kasama.

''Pasukin na natin. iba kasi ang kutob ko eh..'' sagot nito at sinubukang buksan ang pinto.

Click!

napangiti pa sila pareho nang mabuksan ang pinto.
nakapagtataka nga lang dahil hindi pala iyon naka lock.
sa pagbubukas nila ng pintuan ay biglang unalingasaw ang isang masama at nakasusulasok na amoy kaya halos masukasuka sila at pansumandaling tumalikod.

''Anong amoy yon?'' tanong ni thomas habang nakatakip ang kamay sa ilong habang nakangiwi. sobrang sama naman kasi talaga ng amoy.


''Parang amoy ng isang Patay Thom. tara na pasok na tayo.''
Kahit gusto nang bumaliktad ng sikmura ni xandyr ay dahan dahan siyang pumasok at kinapa ang switch ng ilaw. nang makapa niya ito ay agad niyang pinindot kaya bumaha ang liwanag sa sala.

Nagulat sila dahil ang daming bakas ng mga natuyong dugo sa sala papunta sa kusina.
walang tanong tanong na nagkaisa silang sundan ang bakas ng natuyong dugo hanggang sa...

'Gwaaaaaarkkkkk!!!

Hindi na nakayanan pa ni Thomas ang sarili at napasuka na siya doon mismo sa kinatatayuan niya.

paano ba naman..
sa sahig ng kusina ay nagkalat ang napakaraming dugo na maitim itim na ang kulay.. puno ng langaw ang paligid. pero hindi iyon ang nagpasindak sa kanila kundi ang dalawang pugot na ulo na magkatabi na nasa ibabaw ng lamesa. lapnos lapnus na ang mga iyon at may lumalabas na malalaking uod sa butas ng mata,ilong at taenga ng dalawang ulo!


''Xandyr! kailangan na nating umalis! nanganganib ang buhay ni stacey at sigurado akong kasama niya si nitz!''
Sabi ni thomas at halos takbohin na ang pinto para makalabas. walang imik naman na sumunod dito si xandyr.

Akimie's POV

Nang makita kong nagkulay lila ang tubig sa kweba ay alam kong may paparating na. agad akong umahon at pinakiramdaman ang paligid at napagtanto kong matagal pang dumating ang mga Bisita.
Isang ediya ang pumasok sa utak ko.

'kailangan ko nang tapusin ang lahat ngayong gabi..

sa mariing pagpikit ng aking mga mata at ilang segundong konsentrasyon.. sa muli kong pagdilat ay nakatayo na ako sa labas ng bahay ng traydor kong kaibigang si alexis.
napangiti ako at naglakad palibot ng bahay.

'Tatakotin ko muna siya...

Nakita kong nanonood siya ng TV kaya nagpunta ako sa likod niya kung saan ay bahagyang nakabukas ang bintana..

''Alexis... alexis... tara sama ka. .. mag a-outing tayo...'' pabulong kong wika sa kanya. napapitlag siya at tila nanigas ang leeg. bali ba'y iniiwasan nitong mapalingon.

Narinig kong tinatawag na ito ng yaya nito para maghapunan.

''S-sige po Y-yaya.. andiyan na po...'' pautal utal nitong sagot.

nang magpunta ito sa kusina ay lumigid din ako at pumwesto sa bintana na nakaharap kay alexis.

Titig na titig lang ako sa kanya at marahil ay naramdaman nitong may nakatingin kaya napatitig ito sa bintana na kinaroroonan ko.
kumaway ako sa kanya habang nakangiti kaya nabitawan niya ang baso na may lamang tubig na iinumin niya sana.

''Alexis.. anong nangyayari sa hija?'' Tanong ng yaya nito.

''W-wala po yaya.. aakyat po muna ako sa kwarto.. hindi ko po kasi type ang ulam eh. baka po pweding magluto po kayo ng panibago?'' sagot ni alexis tapos ay nakita kong tumakbo na siya paalis ng kusina.
ang yaya naman nito ay napapailing nalang pero nagtungo na ng ref para maghanap ng pweding lutuin para sa alaga.

Yon lang ang hinihintay kong pagkakataon. umikot ulit ako at tinumbok ang harap ng bahay tapos lumigid na ako.
tumingala ako at napangiti nang matanaw ko ang nakabukas na bintana ng kwarto ni alexis. wala na akong inaksayang sandali at Inakyat ko nang walang kahirap hirap ang pader at sumilip sa bintana. nakita kong nakasuksok sa dulo ng kama si alexis patalikod sakin. halatang natatakot ito base sa panginginig nito.
marahan akong pumasok at sa isang iglap ay nasa likod na niya ako.


''Alexis... outing tayo... gusto ka nang makilala ng mga kaibigan ko...'' kasabay ng pagbulong ko sa tenga niya ay ang paglagay ko ng pinagdugtong dugtong na kurting lumot sa leeg niya. pero bago ko pa iyon matali ng mahigpit ay nagawa nitong makasigaw.



''AAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!

Dahil sa pagsigaw nito ay naalarma ako. dinig ko na din ang mga yabag ng taong papanhik sa kwarto ni alexis.

sa galit ko ay sinakal ko siya gamit ang tali at gigil kong ikinabit sa taas ng kisame ang dulo at walang pag-aalinlangan kong itinaas iyon kaya ilang segundo lang ay mulat ang matang nalagutan ng hininga si alexis habang nakalawit ang dila.

''Walang kwenta..'' tanging nasabi ko nalang habang nakatingin sa nakasabit niyang katawan.

Click!

Dinig ko ang pagpihit pabukas ng pinto ng kwarto kaya naman nagmamadali ko nang tinalon ang bintana pababa.



''ALEXISSSSSSSS!!!!''

sigaw ng yaya ni alexis.
napangiti nalang ako ganunpaman ay nanghihinayang dahil hindi ko nadala ang walang kwentang katawan ng traydor kong kaibigan.
napatay ko nga siya subalit hindi parin ako nagtagumpay na dalhin siya sa bloody ocean.


***___***

Bloody OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon