Part-15

615 22 0
                                    

Xandyr's POV

Nasa classroom ako at nagsusulat sa kwaderno. iniwan kami saglit ng teacher namin dahil may biglaang meeting daw kaya kami lang ang nasa classroom.
kanina ay hinanap ko agad si akimie pero hindi ko siya makita.
'absent na naman siya..' madalas ay napapansin ko panay ang liban niya sa klase at kung pumapasok man ay hindi ko siya nakikita na nakikinig sa discussion. may dala siyang bag pero ni hindi ko nga siya nakikita na naglalabas ng notebook at ballpen. kapag may quiz naman ay hindi rin siya nagsusulat. basta nakaupo lang siya at nakatingin sa harap na para bang may malalim na iniisip.

Tahimik ang room at seryosong nagsusulat ng walang ano ano'y biglang pumasok si Nitz.

''Guys!! si Alyanna nawawala!!''
hinihingal pa nitong pagkakasabi. malakas ang pagkakasabi nito kaya naagaw niya ang atensiyon ng lahat. pati narin ako.
napahinto ako sa pagsusulat at napatingin sa kanya.

''N-nawawala..?'' Napapalunok na sambit ni Thomas na para bang kinabahan at medyo namutla pa.


''Tinawagan ako ng mommy ni alyanna kanina. tinatanong niya sakin kung nasaan siya. kagabi pa daw kasi hindi umuuwi si alyanna.. nagpaalam daw kasi si alyanna sa mommy niya na pupuntahan daw ako dahil may project kaming tatapusin at partners daw kami. pero guys hindi naman nagpunta samin si alyanna ehh.. at hindi rin totoo na may project kaming dapat tapusin!'' Mahabang pagsasalaysay ni nitz.
tuluyan nang naagaw ang atensiyon ko kaya lumapit na ako sa kanila at naupo sa bakanteng upuan katabi ng kay thomas. kahit papaano ay kaibigan parin naman ang turing ko sa kanila.. may mga pinagsamahan din naman kami kaya nag aalala narin ako sa mga nangyayari. una ay si andrew tapos ngayon naman si Alyanna.

''Eh baka naman nag gala lang yong isang yon? para namang hindi niyo kilala ang babaeng yon. mahilig sa gimik at shopping.'' sagot ni stacey.

''Sinubukan kong tawagan siya guys. panay ring lang pero hindi naman sinasagot! guys kinakabahan na ako ehh baka may masama nang nangyari sa kanya!'' nangingilid ang luhang sambit ni nitz.


''S-sa park..'' napatingen ako sa katabi kong si Thomas dahil sa sinabi niya. pati narin ang lahat.

''Anong park? anong sinasabi mo Thomas?' Tanong ni Lloyd.


''B-baka naandun pa si alyanna sa park.. puntahan natin siya!'' sabay tayo nito at may pagmamadali sa kilos na isinukbit ang bag tapos ay lumabas.

''Sasama ako!'' sabi ko tapos ay iniligpit ang gamit at sumunod narin kay Thomas. pati sina Lloyd ay sumama narin kahit na nagtataka sa biglang ikinilos ni Thomas.

。。。。。

Thomas'POV

Nakarating kami sa isang park na hindi masyadong puntahan ng mga tao.
libot kami ng libot at nagbabakasakaling mahanap namin si Alyanna.
natataranta na ako.. kapag may mangyaring masama kay alyanna ay walang ibang may sala kundi ako!

Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang kontakin si alyanna.
Nagriring iyon pero wala naman sumasagot.
habang naglalakad ay walang hinto rin ang pag dial ko sa number ni alyanna habang nakasunod rin sakin ang barkada. alam kong nagtataka sila kung bakit ako nagkakaganito pero walang maglakas loob na tanungin ako. siguro dahil kitang kita nilang balisa at kinakabahan ako.
sa patuloy na kakalakad ko ay may narinig ako...

ah-i love you like a love song baby...
ah-i love you like a love song baby...

Ringtone yon ni alyanna! sinundan ko ang tunog hanggang sa----

Bloody OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon