Part-21

539 20 0
                                    

Nitz's POV

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang binabagtas ang madilim na daanan papunta sa kung saan nagsimula ang lahat.
ang BLOODY OCEAN.

Sumalay ako ng Taxi at nagpahatid lang sa unang baranggay na pinakamalapit dito sa lugar na ito dahil alam ko naman na mag tataka ang driver kapag magpahatid pa ako hanggang dito. ano nga naman ang gagawin ng isang tulad ko dito ng ganitong oras diba? pagtingin ko sa relos ko ay nakita kong alas Otso kwarenta na ng gabi at madilim  na ang paligid at tanging liwanag lang ng bilog na buwan ang tumatanglaw sa aking nilalakaran. dagdag pang kaba ang nararamdaman ko dahil sa kakaibang lamig na bumabalot sa paligid.

Patuloy lang ako sa paglalakad habang yakap yakap ang sarili ng biglang makarinig ako ng kaluskos.

mga kaluskos na para bang inaapakan na mga dahon!
napahinto ako at pigil pigil na gumawa ng kahit na anong ingay.

nawala ang kaluskos kaya na nagtuloy tuloy na ako sa paglalakad.

Lakad lang ako ng lakad nang biglang...

'AAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!

biglang may sumulpot sa harapan ko kaya bigla akong nagtatatakbo pabalik sa dinadaanan ko kanina!!

Ramdam kong sunusunod sa akin ang taong iyon kaya naman mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo!

''Nitz!! nitz stop running!!''

biglang hinto ko sa pagtakbo ng magsalita ang humahabol sakin.
nilingon ko siya.

''S-stacey..?''

''Anong gunagawa mo dito nitz? bakit ka nandito?!'' tanong niya sakin na medyo pasigaw dahil nga malayo ang agwat ng kinalalagyan namin sa isat isa.

Sasagot na sana ako nang biglang nakaramdam ako ng masakit sa may ulo ko!

''NO!! NITZ!!!!!''
dinig kong sigaw ni stacey bago umikot ang aking paningin at lukubin ako ng kadiliman...

Stacey's POV

matapos kong mayakap ang parents ko ay ilang minuto muna akong nag stay sa may sofa and then dala ang isang libong pera ay lumabas na ako.

'Kaya ko 'to..

pagbibigay lakas loob ko sa sarili.
alam kong delikado pero bahala na.. gagawin ko lahat para sa ikatatahimik ng lahat.
pupunta akong bloody ocean at magbabakasakaling makausap o matagpuan ko dun si Akimie..
papakiusapan ko siyang tumigil na at kung sakaling hindi ko siya mapakiusapan...
ilalaan ko nalang ang buhay ko kapalit ng buhay ng mga natitirang kaibigan ko.
sa akin naman nagsimula ang lahat ng ito kaya nararapat lang na buhay ko ang maging kabayaran.

Nang makarating ako sa destinasyon ko ay sobrang dilim na. buti na nga lang at bilog ang buwan kaya kahit papaano ay may liwanag na tumatanglaw sa nilalakaran ko.

nasa kalagitnaan na ako ng gubat nang maramdaman kung may naglalakad basi sa mga kaluskos.

panandalian akong huminto.
nang wala naman akong marinig pa ulit ay naglakad na ulit ako pero isang malakas na sigaw ang narinig ko!

'AAAAAAAHHHHHHHHHHH!!

imbes na matakot ay kumaripas ako ng takbo at sinundan ang pinanggagalingan ng sigaw!
isang bulto ng babae ang nakita kong tumatakbo palayo pero kahit malayo siya sakin ay nakilala ko siya.

''Nitz!! stop running!!!''

Huminto nga si nitz at humarap sakin. bakas sa mukha niya ang takot pero napangiti pa ito pagkakita sakin.

''Anong ginagawa mo dito nitz? bakit ka nandito?!'' tanong ko pero hindi pa man siya nakakasagot ay bigla siyang napangiwi kasabay ng pagbagsak niya sa lupa. sa pagbagsak niya ay nakita ko ang isang babaeng may hawak na malaking bato na may mantsa pa ng dugo na nakatingin sa nakahandusay na katawan ni nitz.

''NO!!! NITZ!!!!''

Napasigaw ako nang makita kong may dugong umagos sa ulo ni nitz papunta sa mukha! napatingin ako sa babeng nakatayo pero--- w-wala na siya!


''Ako ba hinahanap mo?''
nangalisag ang mga balahibo ko nang biglang may bumulong sakin. ramdam kong nasa likod ko siya..
bago pa man ako makahuma ay ginawa na din nito ang ginawa kanina kay nitz.

umikot ang paligid ko at nanlalambot akong bumagsak sa lupa kasabay ng pagyakap sa akin ng kadiliman..




。。。。。


Thomas's POV

Nasa kwarto lang ako at nanonood ng Tv pero ang totoo ay wala naman sa palabas ang atensiyon ko dahil iniisip ko parin ang huling pag-uusap namin nina nitz..


Paulit ulit na umaalingawngaw sa utak ko ang mga katagang binigkas ni nitz..

'madaming nagmamahal sayo..
may pamilya ka pa..

'Andito pa ang barkada..

bigla akong napaupo sa kama at napasabunot sa sarili ko.
hindi dapat ako nagkakaganito!
papaano ko nagawang pagsalitaan sila ng ganun?
napakamakasarili ko! ang sama kong kaibigan!
Tama si nitz.. madami pang nagmamahal sakin kaya kailangan kong lumaban!!

tok tok tok!

napatingin ako sa pinto ng kwarto ko nang may kumatok kasabay ng pagbukas niyon at iniluwa ang kapatid kong may hawak na isang basong gatas.


''Kuya, pinagtimpla ka ni mom ng milk para daw makatulog ka ng mahimbing. ako na ang nagpresentang magdala nito.'' sabi ng kapatid ko habang inilalapag ang basong may lamang mainit na gatas sa center table na katabi ng kama ko.


''Salamat.''



''Kuya, alam ko kung gaano kasakit sayo ang pagkawala ni alyanna..''




''A-alam mo..?''
maang kong tanong habang titig na titig sa kapatid ko.



''Ofcourse kuya.. kapatid kita kaya alam ko. kapag may kausap ka sa phone alam ko na si alyanna yon at base sa nakikita at napapansin ko.. masaya ka at kakaiba ang ningning ng mga mata mo tuwing kausap mo siya. hindi kita tinatanong kuya kasi alam ko naman na kahit hindi ako magtanong sayo.. darating ang panahon na ikaw na mismo ang mag oopen nun..''
sabi ng kapatid ko habang hawak ang kamay ko.



''Pero huli na.. hindi ko manlang siya naipakilala sa inyo bilang girlfriend ko d-dahil...'' napalunok ako. hindi ko parin maatim na lantarang sabihin na wala na si alyanna.. na wala na ang babaeng pinakamamahal ko..



''Alyanna is a nice girl kuya.. kahit hindi kami close alam kong mabuti siyang babae although may pagkamaldita siya sometimes.. At kuya.. i'm sure sa mga oras na nakikita ka niyang malungkot at nagkakaganyan.. for sure malungkot din siya. so cheer up kuya. andito pa kaming pamilya mo para sayo. mahal na mahal ka namin kuya..''
hindi ko na napigilan ang sarili ko at tahimik na akong napaiyak habang yakap ang kapatid ko.
hindi ko akalain na darating sa puntong pagsasabihan ako ng katorse anyos kong kapatid.



''Kuya wag na umiyak.. hindi bagay sayo. para kang gwapong bakla sa itsura mo tuloy!'' tatawa tawang sinabi ng kapatid ko. napatawa narin tuloy ako tapos ay pinahid ang luha na naglandas sa aking pisngi.

''Kuya. inumin mo na yong gatas habang mainit init pa----


craaaaaaackkkkkkk

pareho kaming nagulat at nagkatinginan ng kapatid ko ng biglang malaglag sa sahig ang baso at nabasag!


***___***


Malapit na po ang pagtatapos!!
maraming salamat po sa lahat ng readers nito ^_^
mahal kayo ni GB42
*Flying kisses to everyone*

Bloody OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon