Part-24

534 17 0
                                    

Stacey's POV

masakit ang buong katawan ko lalo na ang ulo ko nang magkaroon ako ng malay.
ang huling natatandaan ko ay may bumulong sa akin at pumukpok sa ulo ko..

'Si nitz!!

kahit hirap na hirap ay pilit kong iminulat ang mga mata ko at sinanay sa kadiliman.
napagtanto kong nakagapos ako sa isang puno.
may mga lumot na nakatali sa akin mula leeg hanggang paa kaya naman hirap talaga akong makagalawa.

Nanlaki ang mga mata ko nang malaman ko kung nasaan ako!

Nakapwesto ako sa taas habang sa baba ko naman ay ang ilog na payapa at walang kagalaw galaw.

parang nangyari na ito dati...

''Naalala mo na ba? hindi ba't dito nagsimula ang lahat stacey?''
napalingon ako sa nagsalita.
nakita ko si akimie na nakatingin at bahagyang nakadukwang sa ibaba na wari ba'y inaalala ang nangyari noon.

''A-akimie..''

''Si akimie? wala na siya stacey.. patay na si akimie. pinatay niyo siya kasi inihulog niyo siya dito. dito mismo sa kinatatayuan ko ngayon.. *Unti unti siyang lumingon sa akin at nakipagtitigan gamit ang pula at nakalatakot niyang mga mata.* wala akong kasalanan sa inyo stacey.. nananahimik ako pero anong ginawa niyo? sinaktan niyo na nga ako.. pinatay niyo pa. *biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at nangilid ang mga luha*"

"Akimie patawad... patawarin mo na ako.. ako ang may kasalanan sa ---

"Oo! oo ikaw ang may kasalanan malamang! Tingnan mo akong mabuti ngayon stacey! pagmasdan mong maigi ang ginawa mo sakin! *ang kaninang maamo niyang mukha ay napalitan ng kahindik hindik na itsura kasabay noon ay ang pagbabago ng kulay ng balat niya. naging maputla at nabalotan ng maninipis na kaliskis na kulay asul at berde. humaba ang mga kukong matulis. tumalim ang mga ngipin na singtulad ng mga pating..* Ginawa mo akong halimaw stacey.."

Hindik na hindik ako sa nakikita! hindi ko akalain na makakakita ako ng isang---halimaw??

nang unti unti itong lumapit sa akin ay nanginginig na ako dahil sa takot.

"Akimie please itigil mo na to.. parang awa mo na akimie.."
pagmamakaawa ko habang umiiyak pero patuloy lang ito sa paglapit hanggang sa isang dangkal nalang ang layo niya sa akin.
bigla niyang itinaas ang kamay niya kaya napapikit ako ng
mariin.
hinihintay kong dadampi ang kamay niyang may matutulis na kuko sa katawan ko pero napamulat ako nang hawakan niya ako ng mariin sa magkabilang pisngi.

''Pagmasdan mong maigi ang kabayaran sa mga kalokohang pinaggagagawa mo stacey!''
ipinaling niya ang mukha ko papunta sa isang dereksiyon at ganun nalang ang gulat ko sa aking nakita!

''Nitz!!!!!!''

si nitz! nakabitin patiwarik sa bangin at nakalaylay na ang mahaba nitong buhok sa tubig.
kitang kita kong nagpupumiglas siya subalit nahihirapan ito sa posisiyon nito.
nakatali ang dalawang kamay nito patalikod pati narin ang dalawang paa at nakasabit sa sanga ng isang puno.
kitang kita kong umiiyak siya habang nakatingin sa akin.



''Akimie please pakawalan mo si nitz! wala siyang kasalanan sayo... please akimie ako nalang..'' lumuluha kong pakiusap sa kanya subalit nginisihan lang niya ako tapos ay iniwan ako at nilapitan ang puno kung saan nakatali si nitz. umakyat ito doon at naupo sa sanga at hinawakan ang tali.

Tumingin muna sakin si akimie bago niya kinalas ang tali at mahigpit na hinawakan.

'Napakalakas niya!

Bloody OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon