Part-5

658 18 0
                                    

Paglabas ni Xandyr sa C.R for boys ay nagulat pa siya nang makita si Stacey na nakasandal sa dingding paharap sa kanya habang naka cross arms.

"I heard sinabayan mo daw kahapon si Ms.UD pauwi and nag ice cream pa kayo? wow.. xandyr! you're an amazing actor talaga! pinapahanga mo naman ako.."
Imbis na pansinin ang mga sinasabi nito ay nagpatuloy lang siya paglalakad at nilagpasan ito.

"Hoy xandyr! Anong arte mo ba ha? kinakausap pa kita!" sabi ulit nito kaya napahinto na siya at hinarap ito.

"Ano na naman ba yon stacey? kung may sasabihin ka.. sabihin mo na agad."

"What the hell? anong nangyayari sayo! kapag ganyan ka ng ganyan ay hindi na talaga kita sasagutin!" pananakot nito na tinawanan niya lang. oo inaamin niyang halos isang buwan na siyang nanliligaw dito at nangako siyang gagawin ang lahat mapasagot lang ito pero nagbago na ang isip niya.

"Why are you laughing? walang nakakatawa kaya bakit---"

"Hindi mo na kailangang sagutin ako kasi hindi na naman ako nanliligaw sayo. okay?" sabay talikod niya ulit dito pero maagap siyang nahawakan nito sa siko.

"Xandyr wait! a-alam ko naman na kaya ka nakikipaglapit kay Ms.UD kasi may plano ka diba? tell me, anong plano mo? nagpapalakas ka sakin diba? diba?"

"Plano? pwedi ba stacey.. hindi ako kagaya mong napaitim ng ugali. sige.. Oo stacey! nakikipaglapit ako kay akimie kasi may plano ako! plano ko na kaibiganin siya kasi mabait siya at hindi siya kagaya mong nasa talampakan ata ang manners.."
Marahas niyang hinila ang kamay niyang hawak nito at iniwan si stacey na nakatanga at hindi makapaniwala sa mga sinabi niya.
alam niyang nasaktan ang dalaga pero wala na siyang pakialam.. Pinagsisisihan niyang niligawan pa niya ang babae. buti na nga lang at maagap niyang nalaman ang ugali nito bago pa man siya sagutin. alam naman niyang may gusto din ito sa kanya at nagpapakipot lang ehh. ilang beses na nga niya itong nahuhuling kinikilig kapag binibigyan niya ito ng flowers.

Nagtungo na agad siya sa room nila agad hinanap si Akimie.
napangiti siya ng makita itong nag iisa sa upuan nito.
agad siyang lumapit dito at nagdala narin ng upuan.

"Busy reading mythology books huh." kita niyang nagulat ito pagkakita sa kanya pero agad din namang ngumiti.

"nakakatuwa lang kasing basahin ang legends about mermaids ehh.. kasi ang ganda ganda nila.." nangniningning pa ang mga mata nitong sagot sa kanya na tila ba tuwang tuwa talaga sa binabasa.

"Mermaids?"

"Oo mermaid.. sa pagkakadescribe kasi sa libro napakaganda nila ehh.. at tsaka. ang sarap sigurong manirahan sa dagat tulad nila no? kasi walang manlalait sa kanila.. malaya sila sa ilalim ng dagat."
lihim siyang naawa sa dito. alam naman niya ang mga pinagdaanang hirap ng kalooban nito sa kamay nina stacey pati narin sa dati nitong tinitirhan kasi naikwento na nito iyon sa kanya. kaya nga ganuon nalang ang awa niya dito and at the same time ay humahanga din siya kasi nga nakaya nito ang lahat ng iyon.

"B-bakit?"
tanong nito na para bang hiyang hiya dahil titig na titig na pala siya dito lalo na sa mga mata nito.

"You have a pair of beautiful eyes.."
maging siya ay nagulat din dahil sa mga katagang lumabas sa bibig niya.
pero aaminin niyang parang nahipnotismo siya nang titigan niya ang mga mata nitong nakatago sa malalaking eye glasses..
ngayon niya lang napansin.. ang ganda pala talaga ng mga mata nito.

"X-xandyr naman..."
namumulang sagot nito sabay tungo.

mula noon ay lagi na siyang nasa tabi ni akimie at nakilala narin niya ang kaibigan nitong si alexis dahil minsan ay inihahatid niya ito sa tirahan nito ngayon.

Lingid sa kanyang kaalaman ay may masama nang pinaplano si stacey laban kay akimie.
hindi kasi nito matanggap na inatsapwera niya ito at mas piniling maging malapit sa babaeng kinaiinisan nito.

。。。。。

Nagtipon tipon ang anim na magbabarkada sa bahay nina stacey. nasa kwarto silang lahat ng dalaga at nag memeeting ng mga gagawin laban kay akimie.

"Gravie gurl! hindi ko talaga akalain na naging close na sina xandyr at Ms UD! so grosss naman ng taste ni xandyr."
Sabi ni Alyanna habang tila ba diring diri.

"Magsisisi yang akimie na yan! ang kapal ng face niyang pangit huh! that talanding girl grrrr!"
Taas kilay na sagot ni stacey.

habang sina Thomas,Andrew,Lloyd,at Nitz naman ay nakikitawa nalang sa nakikitang galit ng leader ng group nila.

"So gurl.. what's your plan ba at pinapunta mo kaming lahat dito?" Tanong ni Alyanna.


"Andrew! make some research nga about a place na hindi napupuntahan ng kahit na sino.. use my loppy now!" utos nito sa binata na agad naman nitong sinunod.

Search lang ito ng seach hanggang sa....

"Whoaaaa guys!! look at this!"
nanlalaki ang mga mata habang nakatutog sa screen ng loptop habang ang lima naman ay mabilis na lumapit sa kanya.
at basi sa nakikita nila..
it is a perfect place para sa plano nila.

Bago sila naghiwahiwalay nang araw na yon ay baon nila ang saya at excitement sa mga nabuong plano laban sa kawawang si akimie.

Kinabukasan ay natiyempohan ni stacey si Alexis na mag isa sa classroom nito habang nagliligpit ng mga gamit. wala na ang classmates nito at parang pauwi narin ang babae kaya agad niya itong nilapitan.

"Hi Alexis!" pinasigla niya pa ang boses niya nang makalapit dito. halata naman na nagulat ito sa pagbati na ginawa niya. sino bang hindi? ang isang Stacey Villamory ay namimili ng ngingitian,babatiin at papansinin.

"S-stacey! a-ahmm a-anong--"
lihim siyang natuwa nang makita itong nauutal.. mga nerd nga naman!

"Are you in a rush Alexis? I need to talk to you sana ehh.. kung okay lang naman?"
This time ay mas pinalambing pa niya ang pagsasalita at todo smile pa siya.

"Ahhm.. s-sige."

hindi na siya nag aksaya ng panahon at inaya na niya itong lumabas. dinala niya ito sa Isang Ice cream shop na malapit lang sa school nila. matapos makapag order ng two cookies and cream na ice cream ay agad niya itong kinausap .

"so.. ikaw yong kaibigan ni Ms.UD--- I mean ni akimie right? bakit sa inyo siya nakatira? bakit mo siya tinutulungan?"

"Ahh k-kasi-- "

"May motibo ka right? Kaya mo siya kinaibigan kasi may motibo ka.. Am i right?"
kita niya ang pag iwas ng tingen nito sa kanya dahil sa sinabi niya. titig na titig lang siya dito...

"Tell me.. what is it?"Tanong niya ulit.
maya maya'y sinalubong nito ang tingin sa kanya saka nagsalita.

"F-fine.. tinulungan ko siya kasi I want her to be near me... k-kasi pakiramdam ko kasi kapag kasama ko siya.. pakiramdam ko maganda ako k-kasi pangit siya.. maitim ang balat niya while maputi ako. manang siyang manamit at may eye glasses siyang sobrang laki.. makapal ang buhok niyang sobrang ikli.. yeah you're right.. ginagawa ko to kasi feeling ko maganda ako kapag siya ang kasama ko.
"

napangiti siya ng todo sa mga narinig. hinawakan niya ang kamay nito.

"You don't need her anymore para lang gumanda alexis.. all you need now is.... ME!"
Kita niya ang gulat sa mukha nito dahil sa sinabi niya. hindi rin ito makapagsalita.

"Gusto mo bang mapabilang sa group namin Alexis?"
Dahil sa tanong niya ay naging sunod sunod ang naging pagtango nito.

"Kaya mo bang gawin lahat ng iuutos ko sayo?"
muli ay tanging pagtango lang ang naging sagot nito.

"Okay then..."
naka smirk niyang bulong.


***___***

Bloody OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon