Part-16

552 22 4
                                    

Flashback 2 (Thomas)

Nang makarating ako sa kwarto ni mommy ay nakita ko siyang naninigas sa pagkakahiga at parang hirap na hirap sa paghinga!
wala na akong inaksayang sandali at binuhat ko siya.. nakapambahay lang ako nun at kahit na hirap na hirap dahil may kalakihan si mommy ay pinilit ko parin na mabuhat siya hanggang sa labas at tumawag ng taxi!
may kotse kami pero hindi pa naman ako pweding mag drive dahil under age pa ako.

Buti na nga lang dahil may sarili kaming taxi na kontak kaya di nagtagal ay naisakay ko narin si mommy at naideritso sa private hospital.

Dinala agad sa emergency room pagkadating naming hospital.
para akong timang na hindi mapakali habang naghihintay sa labas ng E.R at palakad lakad. kasama ko ang kapatid kong si trixine na walang hinto sa kaiiyak..

May sakit kasi sa puso ang mommy at napapadalas na ang pagsumpong ng sakit nito.
tinawagan narin kanina ni trixine ang daddy nila na nasa tagaytay dahil sa business. alam kong matagal tagal pa bago dumating si daddy dahil malayo iyon.

Nagpunta na ako sa chapel ng hospital at nagdasal para sa kaligtasan ng mommy ko..
pagkatapos ay muli akong bumalik at naghintay sa labas ng E.R tatling oras na siguro pero hindi pa lumalabas ang doktor ni mommy kaya naman mas lalo akong kinakabahan.

''Thomas! Trixine!'' napatingin kami kay daddy na bagong dating lang at sinalubong namin siya ng yakap na tila ba humuhugot kami ng lakas ng loob mula sa padre de pamilya.
kitang kita rin namin ang nangingilid na mga luha sa mga mata nito.

di nagtagal ay bumukas ang pinto ng E.R at lumabas ang doktor na nagtatanggal ng mask.

''Doc. yong asawa ko.. kumusta siya doc?'' agad na tanong ni daddy.

''nasa maayos na kalagayan na siya. mabuti na nga lang at nadala agad siya dito ng anak mo.'' sabi ng doktor sabay tapik sa balikat ni daddy.

''Mamaya ay ilalagay na siya sa room na para sa kanya. hindi niyo muna siya pweding maiuwi dahil kailangan pa namin siyang e-monitor.'' huling sinabi ng doktor tapos ay iniwan na sila.

Nagyakapan ulit silang mag-aama at pawang may ngiti na sa mga labi.

nasa ganuon siyang posisyon nang mapatingin siya sa mlaking orasan na naroon.
10:45pm! shit! si alyanna! kumalas ako sa pagkakayakap ni daddy tapos ay kinapa ang short kong suot pero hindi ko makapa ang cellphone ko! shit! naiwan ko nga pala sa bahay! pano na to...

akmang aalis na ako nang bigla akong tawagin ni Trixine.

''Kuya san ka pupunta? hahanapin ka ni mommy kapag nagkamalay siya..''

dahil sa sinabi ng kapatid ko ay napahinto ako at naupo nalang doon.
'maiintindihan naman siguro ako ni alyanna pag nagkataon..'
nasabi niya nalang sa sarili.

End of Flashback

Ilang segundo ang nagharing katahimikan matapos na maikwento ni Thomas ang nangyari.

''Kung sana ay pinuntahan ko siya.. kung sana'y gumawa ako ng paraan para matawagan siya na hindi na ako makakasipot sa tagpuan naming dalawa.. kung sana lang..''
muli akong napahikbi dahil sa naisip na posibilidad.

marahang tapik sa balikat ang naramdaman ko.

''Wala kang kasalanan sa mga nangyari kaya wag mong sisihin ang sarili mo Thomas.. nagkataong mas kinailangan mong unahin ang mommy mo.'' rinig kong sabi ni Xandyr.

''Kung sana ganun lang kadali yon.. pero hindi ehh. ako parin ang dahilan kung bakit siya nagpunta sa park. ako parin ang dahilan kung bakit siya napahamak..'' sagot ko at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa bag ni alyanna.

''Wag tayong mawawalan ng pag-asa.. hindi natin nakita ang katawan ni alyanna kaya may posebilidad parin na buhay siya.'' -stacey

''Pero nakita natin kung gaano karaming dugo ang naandun! ayaw ko man itong isipin pero palagay ko.. nangyari narin kay alyanna ang nangyari kay andrew..''-nitz

Lahat kami ay natahimik sa sinabi ni nitz.. ayaw ko mang isipin subalit nagtutumining parin sa utak ko na wala na nga si
alyanna....
wala na ang babaeng pinakamamahal ko..

Akimie's POV

Madilim..
malamig..
at tahimik ang paligid..
pero para sa akin ay napakapayapa ng gabing ito..
umupo ako sa gilid ng malalim na ilog at pinaglaruan ng aking mga paa ang maligamgam na tubig na kumikinang kinang pa kapag natatamaan ng liwanag na nagmumula sa bilog na buwan.

sa pagsayad ng mga paa niya sa tubig ay parang slow motion na nagbago rin ang kaanyuan niya..
nagkaroon ng maninipis na kaliskis ng isda ang kamay,batok at dibdib niya habang sa gilid naman ng leeg niya ay nagkaroon ng tatlong guhit na siyang dahilan para siya ay makahinga sa ilalim ng tubig.
Bigla ring naging isa ang mga paa niya at napalitan iyon ng malaking buntot isda na kulay berde habang sa gitna patungo sa palikpik ay kulay matingkad na asul..
Ang mga mata naman niyang singkit na ang mas sumingkit pa lalo at naging kulay berde.
kitang kita niya ang repleksiyon niya sa malinaw na tubig..
imbis na matakot sa sariling itsura ay napangiti pa siya at tila tuwang tuwa sa nakikita.

Naramdaman kong umalon ng malumanay ang ilog at di nagtagal ay nagsisulputan ang mga nilalang na katulad niya..
kumakawag kawag ang mga buntot na tila ba nag aanyayang Lumusong siya sa tubig.

Hindi naman niya binigo ang mga ito. Lumusong na siya at nakipagkarerahan sa mga nilalang na iyon patungo sa kailaliman ng ilog...
patungo sa kanilang kaharian...
patungo sa kanilang Reyna...

***___***

Sensiya sa short chappy ^^v
nga pala.. I just want to say THANK YOU VERY MUCH kay @BlesieSalvador ^^ thank you so much kasi mas lalo akong naengganyong ipagpatuloy ang kwentong ito :) isa ka sa mga insperasyon ko ngayon.

Pati siyempre sa mga silent reader nitong aking munting estorya.. maraming salamat din po sa inyo lalo na sa mga nag vote at nag add nito sa kanilang reading list! mhuaaaa!! mahal po kayo ni GB42 yeeeeiiiii ako lang kinikilig ^^v

***

Bloody OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon