Part-14

587 21 1
                                    

Alyanna's POV

Gavity naman! ang lamig lamig dito sa Park na kinaroroonan ko!
wengya talaga yang si Thomas! ang sabi niya magkikita kami ngayon dito eh halos dalawang oras na kaya akong naandito! bweset naman kasi ehh!! arghh!

kinuha ko ang cellphone ko then nagdecide na tawagan siya!
ring lang nang ring iyon pero wala namang sumasagot!!
haaaayss!! kung di ko lang talaga mahal ang matabang yon malamang nakipag break na ako!

Yes.. kami ni thomas ay tatlong buwan nang mag-on. pasekreto nga lang yon kasi bawal pa akong mag boyfriend. strict kasi parents ko ehh *pouts*
kahit nga ang barkada hindi nila alam na kami ni Thomas ay magkasintahan na..

Hsssshhhhjshhhhh...

Napalingon ako sa likod ko..
ano yon? parang may narinig akong umungol like--- snake?!
my gosh naman kasi!
nilibot ko ang tingin sa buong park at napagtanto kong ako nalang palang mag isa ang naandoon!

nagmamadali kong inayos ang bag at isinukbit sa balikat ko tapos ay naghanda nang umalis..
saktong pagtayo ko ay siya namang biglang sulpot ng isang babae sa harap ko!

Nakatungo siya kaya hindi ko makita ang mukha niya.
idagdag pa na nakalugay ang makapal at mahaba niyang buhok sa mukha.

napalunok ako nang mapadako sa kamay niya ang paningin ko!
m-may dugo ang mga kamay niya at halatang sariwa pa!

''Sino ka?? a-anong kelangan mo?!'' Kahit natatakot sa kaharap ay nagawa kong itanong.

Pero wala akong natanggap na sagot sa katanungan ko.
Ilang minuto lang kaming nakatayo habang ang babae sa aking harapan ay walang kagalaw galaw.
hinawakan ko ng mahigpit ang strap ng bag ko tapos ay naglakas loob akong maglakad at lampasan siya.
pero saktong nasa tabi ko na siya ay bigla niya akong hinawakan sa siko! napatingin ako doon at puno ng takot ang nararamdaman ko dahil puno narin ng dugo ang siko ko na hawak niya!

''Ano ba!! let me go!''
sabay hampas ko sa kanya ng bag ko pero wala lang siyang reaksiyon bagkus ay tuluyan na siyang humarap sa akin!
Parang tumigil ang paghinga ko nang makilala ko siya...

''A-akimie...?!! anong----

''Laro tayo? kunwari baboy ka at kakatayin na kita...''
mahinang pagkakasabi niya na nagdulot sa akin ng isang laksang takot! nakita kong inilabas niya ang isang malapad na kutsilyo.

dahil sa nakita ay ubod lakas akong nagpumiglas kaya nabitawan niya ako.
pagkakataon ko na kaya tumakbo ako! pero hindi pa ako nakakalayo ay padapa akong bumagsak kasabay ng kirot na naramdaman ko sa likod ko!

Akimie's POV

'PAUWI' na sana ako sa aking munting tahanan ng bigla akong may naamoy na masarap na kalaban.. sinundan ko iyon at dinala ako ng aking mga paa sa isang park. sakto naman walang katao tao at nag-iisang babae lang ang nakita ko..
ang swerte ko naman ata ngayon?!
paniguradong busog na busog ngayon ang aking mga alaga nito..
Pinasandig ko muna ang sibat na may nakatusok na karne sa punong naroon at bahagya akong lumapit sa nakatalikod na babae.

hssshhhhhhhsshh...

Angil ko! hahahah! nakakatawa itsura niya.. ang sarap sigurong paglaruan ng isang ito.. kaya lang pagod na ako...ayyy di bale bibilisan ko nalang to..

Natakot ata siya sa angil ko kaya nagmamadali siyang tumayo at naghanda nang umalis.. ngayon ko lang nalaman na matatakotin din naman pala si alyanna.. tsk tsk!

kung ano ano pang tinatanong niya obvious naman na papatayin ko siya! hindi niya ba nakikita na duguan ang kamay ko?!

HAHAHAHA!! ang epic ng mukha niya nung nilabas ko yong kutsilyo
nagpupumiglas pa siya tapos parang tangang tumakbo!
siyempre makakapayag ba naman ako?!
binato ko nga siya ng hawak kong kutsilyo. ayun sapol sa likod! Hahahaha!
nilapitan ko siya at lumuhod ako sa harap niya tapos ay sinabunutan ko paangat para magkaharap kami.


''Akimie b-bakit mo 'to ginagawa?? please.. maawa ka sakin akimie.. let me go..''

''Nagtatanong ka pa kung bakit ko to ginagawa? ang bait mo naman para kang inosente.. nagmamakaawa ka pa talaga? bakit, naawa ka ba sakin-- kayo? nung inihulog niyo ako sa ilog na yon ha? naawa ka ba? hindi diba?''
Mas hinigpitan ko pa ang sabunot ko sa kanya kaya kitang kita kong nasasaktan siya.


''Bakit ako akimie.. s-si stacey ang---


'' Ulol mo! ganun parin yon! tsaka wag kang mag alala kasi lahat naman kayo uubusin ko ehh! hahahah!''


''please akimie maawa ka please...''


''Patawad alyanna pero hindi kita mapagbibigyan. pero kung magmamakaawa kang patayin na kita agad.. pagbibigyan kita ng taos sa puso.'' nakakaloko kong saad sa kanya.

Naghintay ako na magsasalita siya pero bigla siyang nanahimik at nakatitig lang sa akin. naasiwa ako sa ginagawa niya kaya naman lumapit ako sa mukha niya at kinuha ko ang isa niyang mata sa pamamagitan ng dila ko!

''Aaaaaaahhhhhhh!!!''

walanghiya! narindi ang tainga ko dun ahh! ang lakas makatili eh!
nginuha ko ang mata niya.. hmmm sabagay masarap talaga ang mata ng tao! whaahahahaha!!

''P-patayin mo nalang ako akimie.. wag mo na akong pahirapan.'' humihikbi niyang pagmamakaawa sa akin.

natahimik ako saglit tapos ay napangisi. diko akalaing sa kabila ng angas nila ay napakaduwag naman pala! hahahah!
syempre pagbibigyan ko siya.. kailangan ko na din kasing makauwi dahil alam kong takam na takam na ang mga alaga ko sa karneng dala ko! *smirk*

Mahigpit kong hinawakan ang malapad na kutsilyo..

''Paalam na alyanna.. wag kang mag-alala. isusunod ko kaagad si Thomas para sayo!''

Sabay unday ko ng saksak sa ulo niya. dahil sa lakas ng pwersa ay nabiyak ang ulo niya at nagkalat agad ang dugo sa paligid. bigla akong natakam sa utak niyang kumikislot kislot pa kaya sabik kong kinuha iyon ay inisang subo!
hmmmm... yammy!
pagkatapos ay wala na akong inaksayang sandali. tinadtad ko narin ang katawan niya at isinamang tuhugin sa sibat na nakasandig sa puno tapos ay mabilis ko nang nilisan ang lugar na iyon.


***___***

Bloody OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon