Part-26

759 24 5
                                    

Thomas's POV

Patuloy lang kami sa mahinang pag-iyak habang pinagmamasdan si xandyr na tinatadtad ang katawan ng babaeng mahal nito.

Awang awa ako sa kanya.
panay ang tulo ng luha niya habang ginagawa iyon sa katawan ni akimie..
punong puno narin ng dugo ang damit at mukha nito.

nang makita kong tapos na ito sa ginagawa ay paika-ikang lumapit ako at ako na mismo ang nag-ipon ng karne ni akimie. alam kong nanghihina siya at hindi niya magagawa ang huli kaya ako na ang gagawa niyon.

hinubad ko ang damit ko at iyon ang ginawa ko lagayan ng pinong karne tapos ay pagapang kong tinungo ang gilid ng bangin at inihagis ang karne na nakalagay sa damit ko.

sumilip ako sa ibaba at kitang kita kong biglang natigilan ang mga nilalang na iyon at napatingin sa inihagis ko.
nagkulay pula ang tubig dahil sa dugo..

'Kainin niyo please...

pigil ang hininga ko habang naghihintay sa mangyayari. paano kung makaamoy ang mga nilalang na iyon at malaman nilang galing kay akimie ang karne?
paano kung ipagpatuloy nila ang ritwal na ginagawa nila para magkaroon sila ng mga paa?
paano na kami??
makakaalis pa kaya kami ng ligtas sa lugar na ito??

ilang segundo pa ay nakita kong dahan dahan at halos sabay sabay na lumangoy at lumapit ang mga iyon papunta sa palutang lutang kong damit.
inamoy amoy at...

singbilis ng kidlat na nag unahang makakuha at makakain ang lahat.

Ilang minuto na nag-agawan ang lahat hanggang sa wala nang matira. maski ang damit ko ay hindi pinalampas..
maya maya lang ay....

Hhhssssshhhhhhsssssss
hhhhssshhhhhhssshhhh....'!!!!!!

Napatakip ulit kami ng tenga nang marinig ang nakakakilabot na ungol na yon!
paulit ulit na pakiramdam ko ay magdudugo na ang tenga ko anumang oras!

maya maya pa'y biglang tumahimik.
sabay sabay kaming tatlo na sumilip sa baba at nakita namin ang napakaraming nilalang na nakalutang sa ilog at mga kalansay na...

Nagkatinginan kaming tatlo at lumitaw ang mga ngiting may halong lungkot.

Tapos na..
Ligtas na kaming lahat..
salamat sa iyo akimie....

***

3 months Later...

''Picture picture!!!"
sigaw ni thom sabay akbay kina xandyr at stacey na walang nagawa kundi ang ngumiti nalang nang biglang mag flash ang camera.

"Baliw ka talaga thom! hindi ka manlang nagpasabi edi sana nakapagretouch muna ako! hmmp!" kunwa'y tampo ni stacey sabay irap kay thom na kakamot kamot nalang sa batok.

"kahit hindi kana magretouch stacey. maganda kana!" sabay kindat naman ni thom.

"Ulol! hahah the moves mo luma na thom!" tatawa tawa namang sabi ni Xandyr.

kasalukuyan silang nasa school quadrangle. katatapos lang nag graduation march at picture picture nalang ang ginagawa ng mga graduate students kagaya nila.

matapos mangyari ang tagpo sa bloody ocean ay mas lalo pang pinatibay ng panahon ang samahan nilang tatlo.

Xandyr's POV

Nasa park ako ngayon at naglalakad lakad habang nakayuko nang biglang may bumunggo sa balikat ko.

napaangat ako ng tingin sabay lingon at nakita ko ang isang babaeng tila nagmamadaling naglalakad. nagkibit balikat nalang ako at maglalakad na ulit sana nang may mapansin ako sa lupa.
pinulot ko iyon..

'Panyo?

bigla ko ulit naalala yong babaeng nagmamadali kaya isa lang ang pumasok sa utak ko. sa kanya siguro 'to..

bigla akong pumihit at patakbong sinundan ang babaeng abot pa ng tanaw ko.

"miss sayo at tong panyo--

kasabay ng pagpihit paharap sakin ng babae ay ang biglang pagtigil ng pagsasalita ko.

biglang lumakas ang tibok ng puso ko at parang biglang huminto ang ikot ng mundo ko pagkakita ko sa mukhang iyon.


"A-akimie?''

nakita kong biglang napakunot-noo ang babaeng kaharap ko..

"ha?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na siya ng mahigpit.

"T-teka mister.. h-hindi ako makahinga.. teka lang."

biglang sabi niya at nagpumilit makawala sa pagkakayakap ko.

"Akimie..''

"Akimie? hey.. my name's not akimie.. I'm Akiyanna Layne Del fuero" Sabi ng kaharap ko na halatang gulong gulong sa inasta ko. bigla akong napakurap kurap at napagtanto ko ngang hindi siya si akimie.. I mean, itong kaharap ko kasi ngayon ay napakaganda. para siyang modelo. matangkad,maputi,hanggang bewang ang tuwid at makintab ang itim na buhok.. pero--magkatulad na magkaulad sila ni akimie ng mga mata..

"I'm S-sorry.. naalala ko lang kasi sayo yong babaeng special sa buhay ko.." sabi ko habang nakangiti ng bahagya.

"It's okay.." sabay ngiti niya sa akin kaya lumabas ang malalim na biloy niya sa magkabilang pisngi na nagpadagdag sa kagandahan nito.

"Hey.. panyo ko ba yan?"

sabay turo niya sa hawak ko.
agad ko naman iyong iniabot sa kanya.

"Naku thank you ha? importante kasi sakin to ehh bigay pa to sakin ng bestfriend ko na nasa states. at dahil diyan.. Treat kita ng ice cream pasasalamat ko narin sayo.." hindi na ako nakahindi pa dahil hinawakan na niya ako sa kamay at hinila papunta sa pinakamalapit na ice cream parlor.

Madami akong nalaman tungol sa kanya. siya pala ang kaisa isang anak ng pamilya del fuero na may-ari ng isa sa pinaka sikat na fashion company sa bansa.

nalaman ko din na sa WillHearts Academy siya mag aaral ng college tulad ko.

"Ikaw naman? ano ba name mo.. kanina pa ko daldal ng daldal pero hindi ko pa alam pangalan mo."

"Xandyr Ford Dy" sabi ko naman sabay lahad ng kamay ko for shake hands na agad naman nitong tinanggap.

Sa patuloy naming pag-uusap ay nakakaramdam ako ng isang pamilyar na saya.. katulad nung pakiramdam nang una kong makita si akimie..
napangiti nalang ako sa isiping iyon.



***Wakas***



***

Finally tapos narin siya sa wakas ^^v salamat nga po ulit sa lahat ng nagbasa lalo na kay @BesieSalvador na laging nandiyan at patuloy na nagbabasa at nagvovote sa story na to from the very start up to the end. maraming thankie sayo ^^

at siyempre sa lahat din ng silent readers ko maraming thankie din sa inyo pati narin sa mga magbabasa palang nito!!

GB42 Loves you all *flying kisses*
at siyempre.. sana po ay basahin niyo rin ang bagong story ko na "There's a Blood behind her Fame" another horror another blood and another murders po ang matutunghayan ^^v hahah

Plano ko rin palang gawan ng another story si Xandyr Ford Dy at ang bago niyang friendship hahah. pero sa ngayon ay malabo pa ^^v Pero kung sakali man ay hindi na po siya horror kundi teen Fiction na. so.. nasa sa inyo ang desisyon *winks winks winks*

Bloody OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon