masigla at masaya ang gising ni akimie nang umagang yon.
sa kabila ng mga nangyari ay may mabuting idinulot naman iyon dahil sa wakas ay nakaalis narin siya sa bahay ng tiyahin niya at may isang kaibigan ang naandiyan para tulungan siya.
bumangon na siya at niligpit ang hinigaan.
di niya maiwasang hindi humanga sa kwartong pinahiram sa kanya ni Alexis.
malaki ang kwarto at may malaking kama. sabi ni alexis ay quest room daw iyon.matapos makapagligpit ng higaan ay bumaba na siya para maghanda ng almusal.
hindi porket pinatira siya dito ng kaibigan ay wala na siyang gagawin.
tutulong siya sa mga gawaing bahay para kahit papano manlang ay makabayad siya ng utang na loob dito.
mamaya din siguro ay susubukan niyang maghanap ng trabaho kahit man lang side line tapos ay mag-iipon siya para makapag aral ulit.Nadatnan niyang nasa kusina na si Nana yoling at nagluluto ng sinangag.
"Oh hija gising kana pala.. sandali nalang ito ha? gutom kana ba?" Tanong nito sa kanya nang makita siya.
"Naku hindi pa naman po.. tututulong po sana ako kaya po ako bumaba.." magalang na sagot niya.
"Ay tong batang ito.. siya sige. maghanda ka nalang ng mga pinggan sa lamesa kasi maya maya lang ay bababa na yang si alexis."
agad naman siyang tumalima sa iniutos nito. nagtimpla narin siya ng kape dahil yun daw ang gustong gusto ni alexis kapag nag aalmusal.
"Alam mo ineng.. buti naman at nagkakasundo kayo niyang si alexis. matagal na ba kayong magkaibigan?" maya maya'y tanong nito sa kanya.
"Ahm.. hindi naman po. katunayan nga po nung unang araw lang po kami naging magkaibigan ehh.. at tsaka mabait po si alexis kaya nagkakasundo po kami.. hindi ko nga po akalain na makakahanap po ako ng isang kaibigan na tulad niya ehh. " sagot niya dito. sa pagtingen niya sa mukha ni nana yoling ay hindi nakaligtas sa kanyang paningen na ang biglang pangunot ng noo nito.
"mabait.. hayy. sana nga ehh nagbago na si alexis." mahina nitong bulong na narinig din naman agad niya.
magtatanong pa sana siya subalit naagaw ng atensiyon niya ang paparating na kaibigan. nakaligo na ito at nakasuot na ng uniform."Morning akimie! tara sabay na tayong kumain para sabay narin tayong pumasok sa school." nakangiting anyaya nito.umupo narin siya sa katapat na upuan.
"Hindi na siguro ako makakapag aral pa alexis. wala na kasing magpapaaral sakin ehh.."malungkot niyang nasabi.
"Nah.. Don't be sad akimie.. papasok ka okay? tsaka bakit kailangan mong tumigil ehh isang taon nalang naman graduate na tayo ng high school? Don't worry, akong bahala sayo okay?"
Matapos nga nilang kumain ay inaya siya ni Alexis na sa kwarto nito. iniwan siya nito saglit tapos pagbalik ay meron nang bitbit na mga damit na sa tingen niya ay mga bago pa.
"Here oh.. hindi ko pa nasusuot ang iba sa mga yan.. so, iyo nalang.. at itong uniform bago din. tatlo kasi yan ehh iyo nalang din." pagkatapos ay binigyan din siya nito ng isang magandang bag na may laman nang papel,notebook at ballpen.
next thing she knew ay umiiyak na naman siya. hindi dahil sa lungkot kundi sa sayang nararamdaman."Hey.. why are you crying na naman ba?"
"Pasensiya kana sakin alexis.. ehh kasi. sobrang saya ko lang dahil may isang kagaya mo na naandiyan kahit na nga kahapon lang tayo nagkakilala..." sabi niya sabay pahid ng luha sa mga mata.
"Hayy akimie.. kasi nga po we're friends kaya i'm helping you.. tama nang drama okay? ligo kana so we can go to school na." Nakangiti naman siyang tumango at lumabas ng kwarto nito para maligo at magbihis narin.
。。。。。
sabay nga silang pumasok at dahil hindi sila magklasmeyt ay mag isa na ulit siyang pumasok ng room.
himala dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay walang nilamokos na papel na lumulipad papunta sa kanya.
wala ring masasakit na salita ang maririnig patungkol sa kanya.
nahiling niya tuloy na sana nga..
ito na ang simula ng tahimik at masayang buhay para sa kanya.Nasa library siya noon at nagbabasa ng books about mythology nang biglang may tumikhim sa tabi niya kaya naman napa angat ang tingin niya.
"Hi.. Paupo ha?" sabay upo nito at lapag ng librong hawak. siya naman ay nakanganga lang dahil hindi siya makapaniwala sa nakikita.
Si Xandyr Lang naman yon na umupo sa katapat niyang upuan."Ahm.. okay ka lang ba? pasensiya na ha. wala na kasing bakanteng upuan ehh.."
napatingen siya sa buong library at tama nga ito dahil wala nang bakanteng upuan ang naroon.
may ilang grupo ng studyanteng rinig niyang nagtatawanan kaya napalingon siya at agad namula.Ang grupo ni Stacey na direktang nakatingen sa kanya habang tawa ng tawa.
agad nalang niyang ibinalik ang atensiyon sa pagbabasa ng librong hawak."Don't mind them." dinig pa niyang sabi ni xandyr.
Hindi pa doon nagtatapos ang tagpo nila ni Xandyr dahil nung palabas na siya ng school ay sinabayan siya nito sa paglalakad.
Sakto namang hindi niya kasabay si alexis kasi may aasikasohin pa daw ito kaya siya lang mag isa ang uuwi."Hi again akimie!"
sabi ni xandyr na todo ang pagkakangiti sa kanya. habang siya naman ay nakatanga lang at nanatiling nakatitig sa gwapong si Xandyr.
"Ahm.. may pupuntahan ka ba? I mean pauwi kana? Ice cream tayo?" sabi ulit nito habang nagkakamot sa batok.
napalunok siya ng ilang beses bago nagsalita.
"A-ahh.. B-bakit?"
"Anong bakit? ahh kasi gusto ko lang na may kasama.. o kausap so,tara ice cream tayo." at bago paman siya makapagreact ay hinila na siya nito papunta sa kung saan kaya wala na siyang nagawa kundi ang magpahila nalang.
Di nagtagal ay nawala na ang hiya niya kay Xandyr. nalaman niyang mabait naman talaga ang binata at palabiro pa kaya hindi mahirap pakisamahan. minsan naiisip niya na baka panaginip lang ang lahat kasi nga. pagkatapos ni Alexis, may isang Xandyr naman ang dumating sa buhay niya..
sana nga ay magtuloy tuloy na ang lahat.***___***
BINABASA MO ANG
Bloody Ocean
HorrorAkimie Sui. Tampolan ng tukso dahil sa kanyang itsura.. Nalunod sa ilog na tinatawag na BLOODY OCEAN. makalipas ang tatlong araw ay bigla siyang nagbalik na taglay ang kakaibang ganda ngunit kasabay nito'y ang sunod sunod na patayang naganap.. Ano n...