CHAPTER 29

17 1 0
                                    

JINA LEE

    " Ang tagal naman nila. Gabi na ah..." Yan nalang ang naibulalas ko sa aking sarili dahil hanggang ngayon ay wala parin sila Clarina at Zake. Kanina pa ako nakauwi sa vacation house pero hanggang ngayon ay wala parin sila.

*Knock! knock!*

Bigla nalang ako nakarinig ng katok sa front door ng bahay kaya medyo nagtaka ako. Kung si Clarina or si Zake ito papasok nalang sila bigla dahil may susi naman sila. Kung sila Ethan at ang iba pa kasama ko naman sila kani-kanina lang. At isa pa tatawagin nila pangalan ko if ever man na pupunta sila rito. Biglang dumaloy ang takot sa buong katawan ko at napalunok sa sariling laway dahil sa naiisip ko. Patuloy pa rin ang katakok na naririnig ko mula sa pintuan. Dahan-dahan akong naglalakad at hindi gumagawa ng ingay dahil sa sobrang kaba. May nakita akong bamboo sticks na naka lagay sa malaking vase. Medyo makapal iyon ng konti na tama lang para makasakit ng tao, kung tao nga ba ang kumakatok sa pintuan.

Ng makuha ko iyon ay dahan-dahan muli akong naglakad patungo sa pintuan. Ng mahawakan ko na ang doorknob ay huminga ako ng malalim. Okay, Jina. Pag bukas mo ng pinto alam mo na ang gagawin mo. Bumuntong hininga ako at sabay bukas ng pinto. Kasabay ko ng pagbukas ko ng pinto ay ang pag hampas sa kung sinong poncho pilato na nangangatok sa pintuan. Nakadalawang hampas siguro ako.

" Arghhh!" Rinig kong daing nito habang naka higa sa simento. Hindi ko masyadong maaninagan ang mukha niya pero isa siyang lalaki. Tinutok ko sakanya ang hawak ko at tinanong siya.

" Sino ka?!" Sigaw ko. Nagulat ako ng makita ang mukha niya halos mamutla ako dahil dito.

" V-Vescout?" Yup. It's Clarina's Brother, Vescout Landro Dela Vega. Natulala lang ako dahil sa nagawa ko sa kanya. Ng matauhan ako ay agad ko siyang tinulungan at ipinasok sa loob ng bahay.

" D-diba sabi ko sayo Leo nalang?" Sabi nito habang dinadaing pa rin ang paghampas ko sakanya.

" Bakit kasi wala kang pasabi na magpupunta ka pala rito?" Tanong ko sakanya habang dinadampian ko ng yelo ang pasa niya. Oo, nagkapasa siya dahil sa gawa ko.

" Actually, biglaan din talaga. I wanted to talk to my sister about something really important. " Napakunot noo naman ako.

" Pwede mo naman tawagan si Clarina. Sobrang importante ba?" Tanong ko sakanya. Tumango siya.

" By the way, alam mo bang sinaniban nanaman ni Clarisa si Clarina?" Nakita ko ang gulat sa mga mata niya, pero saglit lang ito at ang mata niya ay napatingin sa sahig at tila ba malalim na ang kanyang iniisip.

" Hay nako Leo. Sa sobrang lalim na ng iniisip mo kailangan ko na atang sisidin para magising ka sa reality." Natauhan naman siya at napatingin sakin.

" By the way, asan pala sila ni De-Zake?" Napakunot noo ulit ako saglit ng dahil sa sinabi niya. Siguro nagkamali lang siya.

" Hindi ko rin kasi alam, Leo. Kanina pa nga dapat sila dito eh." Tugon ko sakanya. Napansin ko naman na may dumi siya sa ulo, san niya kaya nakuha yung konting lupa sa ulo niya? Wala namang lupa kanina sa sahig.

" Teka! May dumi sa ulo mo." Lumuhod ako sa couch para maabot ang ulo niya at mas makita pa yung dumi. Pinagpagan ko iyon at hinipan. Nagulat naman ako ng hawakan niya ang bewang ko para masuportahan ako kasabay nito ang pagbukas ng pinto at ang pagpasok ni Clarina at ni Zake. Natulala saglit sila bago nag salita si Clarina na may nakakalokong ngiti sa kanyang labi.

" Oww~ looks like na interrupt ata namin kayong dalawa. Kailangan niyo ba ng alone time? Pwede lang naman~" Sabi ni Clarina na may nakakaloko paring ngiti sa labi niya. Hindi ko alam kung maiilang ba ako o natatae lang na hindi malaman dahil sa mga binitawang salita ni Clarina. Bakit naman kasi ganun! Binitawan na ni Leo ang bewang ko at tumayo na rin ako sa couch pero may isang titig na hindi nakaiwas sa aking paningin. Hindi lang ito basta titig, he's glaring at us na tila ba handa na siyang pumatay ng tao dahil sa titig niya. Tila ba isa itong punyal na kung nakakamatay lang ay kanina pa kami naka bulagta at wala ng buhay. Si Zake. Ang sama ng tingin niya lalo na kay Leo. Bigla akong nakaramdam ng panlalamig at kilabot sa aking katawan. Naramdaman ko rin na tila ba dumilim ang aura ng bahay. Para akong ma sosuffocate kaya napahawak ako sa balikat ni Leo. Napatingin naman siya sakin ng may pag-aalala.

CLARINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon