CHAPTER 27

14 0 0
                                    

CLARINA DELA VEGA
    Kanina ko pa hinahanap si Deon pero ni anino niya hindi ko makita. Asan na ba kasi yung grim reaper na yun?! Kanina pa ako hanap ng hanap!

" Hey!" Tawag ko sa isang spirit na nakatalikod sa akin. Mukha naman siyang normal na tao pero pag harap niya mukhang tinamaan ata sa ulo. Nakita ko naman na medyo nanlaki ang mata niya at tinuro ang sarili kung siya ba ang tinatawag ko sabay tingin sa kaliwa't kanan.

" Yes! You! Sino pa ba andito? Tayong dalawa lang naman?" Iritable kong tanong sa kanya.

" Pasensya na miss. Nakikita mo pala ako." Actually, he's kinda cute even meron siyang tama ng bala ng baril sa ulo. But, not my type. Mas gusto ko pa rin si Jerico.

" Of course! We're the same after all." Sabi ko sakanya. May bahid ng gulat sa mga mata niya kaya napakunot noo naman ako.

" We? Hindi nga? Bakit hindi halata?" Pati ba naman multo, bobo na rin? Napa sampal naman ako sa noo ko dahil sa tanong niya.

" Wala akong panahon sagutin tanong mo. May itatanong lang ako."

" Wala rin akong panahon sagutin tanong mo." Aba! Gaya-gaya 'to ha?! Pinatilapon ko siya gamit ang ability ko na ikinagulat niya.

" Ano? Sasagutin mo o sasagutin mo?" Tanong ko sa kanya.

" High average spirit ka ba or baka isa kang grim reaper?!" Tanong niya sakin. Napa poker face nalang ako sa tanong niya.

" Yung grim reaper nga hanap ko eh. May nakita ka bang lalaki na singkit? Naka kulay black and white na Hawaiian shirt? Tapos naka shorts? " Umiling naman siya pero nag isip pa 'to bago nag salita.

" Ang alam ko may kasama siyang babaeng mahaba ang buhok na pumunta dun sa parang bangin doon." Sabay turo niya sa kaliwa niya at may itinuturong lugar.

" Pero bumalik sila eh. Diyan sa dinanan mo. Baka nagka salisi kayo." Tumango ako.

" Mukhang gusto mo na ata ng katapusan kaya hinahanap mo yung grim reaper. Kung ayaw mo pang umalis dito, wag mo na hanapin katapusan mo." Inirapan ko siya at nag salita.

" Magkasama kami ng grim reaper kaya ko siya hinahanap. And fyi, hindi ako grim reaper." Sabay talikod sa kanya.

" Wala bang salamat diyan? " Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya napa atras siya tsaka ako tumalikod at naglakad pabalik. Ng medyo makalayo ako ay nakarinig ako ng isang malakas na sigaw. Mukhang siya yung sumigaw. Pero tingin ko sa likuran ko ay nagulat ako na wala na siya dun. Nakaramdam ako ng isang malamig na hangin at nakakita ako ng isang bahagi, ewan kung ano ito, na para bang may baga pa. Hinawakan ko iyon at bigla itong naglaho. Bigla nalang ako nakaramdam ng kilabot kaya nagmadali ako umalis.

    Nakarating ako sa tapat ng kwarto ni Jerico dito sa hotel ng beach resort. Dito kasi sila tumutuloy. Biglang bumukas ang pinto at nakita ko agad ang mukha ni Jerico. Nakita ko ang gulat sa mukha niya at napa atras pa 'to dahil sa gulat. Napahawak naman siya sa dib-dib niya at huminga ng malalim habang nakapikit dahil sa gulat.

" Ano ba Clarina?! Wag ka naman nanggugulat ng ganun." Nakahawak pa rin siya dahil sa gulat. Naka straight face pa din ako habang nakatingin sa kanya.

" Where's Clarisa? Magkasama ba kayo?" Umiling naman siya. Napansin ko naman na kumunot ang noo niya na may bahid ng pagtataka sa mukha niya.

" May hinahanap ka ba?" Tanong noya sakin. Mag sasalita na sana ako ng maalala ko na hindi pa niya alam ang tungkol sa grim reaper kaya hindi ko na itinuloy at umiling. Bakit ko hinahanap si Deon? May sasabihin ako na importante sa kanya. Patungkol sa pagkamatay ni Clarisa. Meron na akong nahanap na taong makakatulong samin para malutas ang kasong 'to. Kailangan naming mag madali. Mas lalong nagiging delikado ang pag stay ko dito.

CLARINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon