CHRISTMAS SPECIAL

23 1 0
                                    

Merry Christmas everyone!!!
------
ETHAN EVANS
Ang sarap ng tulog ko ngayong araw ng biglang may bastardo ang gumising sakin. "ETHANNNNNNN!!!GISINGGG NAAAA!!" Sigaw nito sa tenga ko kaya wala sa oras na nasapak ko ang mukha nito."ang ingay-ingay mo!ang aga-aga!" Iritado kong sabi sa kanya. Napatingin ako sa kanya na hawak hawak ang pisngi. Siya si Leo Dela Fuente. Pinsan ni Clarisa. "Bat ba ang aga-aga mong manggising ha?!" Nakabusangot kong sabi. "Ano ka ba bro?!Nakalimutan mo na ba?!" Napakunot ako ng noo. Ano bang meron ngayon?"Christmas eve mamaya!at ngayon din ang announcement ng kasal niyo ni Clarisa!" Napatayo na talaga ako sa kama ko at dumiretso na sa banyo. Pagkatapos ko ay lumabas agad ako at namili ng susuutin ko. "Bro bagay ba sakin toh?eto?O eto?" Napakurap siya saakin. "Bro relax ka lang. Mamaya pa yun. 6am palang." Paalala niya sakin. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Pag andito kasi siya andito din si Clarisa. "Bro,meron ka ng susuutin ito oh!regalo sayo ni Clarisa." Sabay abot saakin ng Tux na Red and Black."Violet and Black gown naman ang sosootin ni Clarisa. Yun yung gusto niya eh." Tumango naman ako at napangiti."pero seryoso ano susuutin ko ngayon?eto?eto?o eto?" Pag papakita ko ng ibat-ibang disenyo ng damit. "Kahit ano naman ang sootin mo gwapo ka parin naman sa paningin ni Clarisa." Napangiti naman ako."para kang baliw.bilisan mo nagluluto pa si Clarisa at ang mama mo."

   "Ethan!halika maupo ka na at tapos na kami ni Clarisa magluto ng umagahan." Yan ang salubong ni Mom saakin hababang si Clarisa naman ay nag hahain ng umagahan. Iniimagine ko tuloy kapag naging magasawa na kami. Ganito yung set up. "Hoy!tulala ka na dyan.hahaha." tawa ni Bea sa tabi ko.Nangiti lang ako. Sana ganito nalang palagi. "Dito ka sa tabi ko,Ethan." Nakangiting tawag ni Clarisa sa akin. Naupo naman ako sa tabi niya at nagsimula na kaming kumain.

  Pagkatapos naming kumain ay dumating si Jerico,Jake at Emily. "Tara sa plasa. Mamaya di na tayo makakapunta doon dahil may party mamaya." Pagaaya ni Jerico.Alam kong may gusto si Jerico kay Clarisa pero bilib ang sa kanya dahil kahit mahal niya at alam niya na may mahal na iba si Clarisa,imbis na ipaglaban niya ito ay pinalaya niya pa ito. He sacrificed too much for Clarisa."sige. Tara!"pagsangayon naman namin.

  Pagkarating namin sa plasa ay sobrang dami ng tao. Dito kasi sa San Felipe ay nag papaplasa ang Mayor tuwing pasko. Marami ding rides ang pwedeng sakyan. Kung saan-saan kami sumakay. Nakipaglaro din kami sa mga bata. Mahilig kasi kami ni Clarisa sa mga bata. Mga ilang oras din ang itinagal namin sa plasa at umuwi na kami. Pero kami ni Clarisa ay sa iba dumiretso. Sa tagpuaan namin. Andoon lang kami habang ako naman ay naman ay nag sesetup ng masisilungan namin. Ng matapos ako sa ginagawa ko ay naupo kami doon ni Clarisa. "Ang saya ng araw na toh noh?" Tanong niya sakin. Tumango naman ako at tumingin sa kanya ng nakangiti. " Sana ganito nalang tayo ano?yung masaya?yung walang problema?"nakapikit habang nakangiti nitong sabi. "Ano bang plano mo pag naikasal na tayo?" Tanong ko. Nagisip pa ito at ngumiti. "Gusto kong lumayo tayo dito. Lumuwas tayo ng manila. Wag tayong tumira dito." Seryoso niyang sabi. Napakunot naman ang noo ko pero napangiti nalang ako."sige.kungyan ang gusto mo. Kung yan ang ikapapanatag mo."  Umayos ako ng upo at inakbayan siya at isinandal ang ulo niya sa palikat ko. "Gusto ko maging masaya ang pagsasama natinsa hinaharap. Ayokong nasasaktan ka kung maaari. Alam ko naman ang dahilan kung bakit ayaw mo dito. Kaya gagawin ko ang lahat para mapasaya ka." Hindi ko hahayaang mapunta sa wala ang pag sasakripiayo ni Jerico para magkasama mami ni Clarisa.

  Dumating na ang hapon at nag hahanda na ang lahat para sa malaking party na gaganapin mamaya. Halos mas kinakabahan pa ako!"Bro chill ka lang. Tignan ko oh hindi mo na maayos-ayos yang necktie mo." At inayos ni Jake ang Necktie. "Nakakadiri kayong dalawa!para kayong mga bakla!" Iritang sabi ni Jerico. "Mandiri ka nga!" Nakangiwi kong tugon sa kanya. "Bro. Hindi tayo talo." Naka pokerface na sabi ni Jake. Sabay-sabay naman kaming nagtawanan. "Tarana nga!" Pagyayaya ko kaya bumaba na kami kungsaan gaganapin ang party. Pag baba nami andoon ang mabibigat na pamilya hindi lang sa loob ng San Felipe kundi patinarinsa labas. "Bakit ba andito ang mga Gomez?" Iritadong tanong ni Jerico. Nagkibit balikat lang si Jake. "Guys!" Napatingin ako kay Bea ng tawagin niya kami. "Asaan si Clarisa?" Tanong ko. "Wag kang mag alala,tapos na siya magayos. Pero kanina napansin ko si Nathalie na nakakunot ang noo dahil sa kulay ng soot mo. Buti nalang at hindi muna pinaalam ang tungkol sa plano ng pamilya niyo." At tumawa ito ng mahina. Napangiti lang ako sa sinabi niya.

  "Lady's and gentelmen!wellcome to christmas eve celebration! At hindi lang ito basta christmas celebration, may sorpresa sa atin ang mga Evans!Tonight blah blah.." hindi ko na muna pinakinggan ang nga sasabihin ng MC. May mga nag perform at nagsalita sa harap hanggang sa nag patay ang ilaw hudyat na ito na ang aking hinihintay.Natapatan ng spotlight ang MC at nagtaka ang lahat. "Nagtataka siguro kayo kung bakit namatay ang ilaw. Dumating na tayo sa malaking surpresa ng mga Evans!Let's give a big round of applause to Mr. Ethan Evans!" Kasabay ng pagtapat ng spotlight sa akin ay ang masigabong palakpakan ng lahat. Kinuha ko ang mic at nag salita."Nagtataka siguro kayo kung ano ang surprise ng pamilya namin sa pamamagitan ko. You all know that I am the heir of Evans Corp. That is not new to you. BUT! I can only sit on my throne when I am married." Nagbulungan ang lahat. Nagpatuloy ako sa aking sasabihin. "At may isang pamilya na sobrang malapit saamin. Sa pamilyang iyon manggagaling ang mapapangasawa ko. Hindi lang naman kami ikakasal dahil sa business. Ikakasal din kami dahil mahal namin ang isat-isa. Ito na ipapakilala ko na siya. Please welcome.... Ms. Clarisa Dela Fuente!" Nagpalakpakan ang lahat at sinalubong ko sa baba ng hagdan si Clarisa. Nakangiti lang ito habang soot ang magandang gown. Nangmaabot ko ang kanyang kamay ay binulungan ko siya. "Ang ganda mo." Napatawa siya ng mahina at nagsimula na kaming maglakad. Nakita ko naman ang iritadong mukha ni Nathalie sa nag walk out ito. Sumayaw lang kami hanggang sa matapos ang party. Bago mag fireworks ay binulungan ako ni Clarisa... "I love you~" "I love you too~"

  Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko.....at doon ko lang narealize na panaginip lang ang lahat.Isang panaginip na galing sa aking nakaraan.
----
Sorry guys kung ngayon lang ako nakapag UD. I hope nagustuhan nyo.

CLARINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon