CLARINA DELA VEGA ( CLARISA )
" Kung ano man ang kalalabasan ng investigation ng Detective na kinuha ko, yun ang makapagtuturo satin sa katotohanan." Titig na titig parin kami sa picture ng isang hindi kilalang babae na nasa party ng gabing yun. Inisip ko isa-isa kung sino ang mga pusibleng babae na kaklase o ka school mates ko na pwedeng maihalintulad sa babaeng nasa picture.
" I know a lot of ladies pero ayaw ko munang sabihin kung sino. I wanted to make sure na tama ang hinala ko sa kanila." Napatingin ako kay Clarina na ngayon ay nakatayo na sa tabi ni Deon.
" Maybe we can ask help from Ate Alice?" Tanong ko. Umiling lang si Kuya Vescout sa suhestyon ko. Nakakapagtaka dahil palagi siyang sumasangayon kapag si Ate Alice na ang pinag-uusapan namin.
" Bakit? May problema ba?" Tanong ko sa kanya. Napabuntong hininga ito at tumingin sakin bago magsalita.
" Alice is too busy right now. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya pero seryosong-seryoso siya ngayon." Nagtataka na tono ng kanyang pananalita. Napaisip din ako sa sinabi niya. Wala namang event sa Family nor sa company ng pamilya. Kaya bakit siya magiging busy? Usually ako lang naman ang inaasikaso niya.
" Wala kang alam sa schedule ng girlfriend mo?" Tanong ni Deon sa kanya. Nanlaki naman ang mata ko. GIRLFRIEND?????
" KUYA?!" Sigaw na tanong ko sa kanya. Kelan pa? Bakit wala akong alam?
" You don't know? Didn't he tell you?" Tanong ni Deon sakin. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
" Mag tatanong ba ako kung alam ko?" Tanong ko.
" Anyway, back to our topic. Hindi talaga tayo pwedeng humingi ng tulong kay Alice." Napakunot noo naman kami ni Kuya Vescout sa sinabi ni Clarina.
" How do you say so?" Tanong ni Kuya.
" First of all, hindi pwedeng malaman ni Alice ang tungkol samin ni Clarisa. Asking her help requires us to tell her the truth about me and Clarisa. Hindi naman pwedeng humingi lang tayo ng tulong na hindi niya alam kung ano ang buong pangyayari. Hindi niya maisasagawa ng maayos ang ipapagawa natin sa kanya. Pangalawa, we can't trust this sa mga taong involved sa nangyari except kay Kuya Vescout at sayo, Clarisa. And last but not the least, pangatlo. Alice can be a suspect sa pagkamatay ni Clarisa." My jaw drop as soon as I heard what Clarina wants to point out on why we can't asked Ate Alice for help.
" Ano? Nagbibiro ka ba? Ate Alice can't do such a thing! Mahal ako nun." Pag didiinan ko sakanya. Hinawakan niya ang magkabilang brado ko ng mahigpit.
" Yan ang dahilan kung bakit ka namatay, Clarisa. Yang pagmamahal na yan. Remember what happened between you and Ethan? Love can kill, Clarisa. Yan din ang pumatay sayo. Nakalimutan mo na ba kung ano yung tinuro ko sayo? Emotions... makes... you...weak. Tandaan mo, Ikaw si Clarina. Katawan ko at pagkatao ko ang gamit mo. Hindi ka pwedeng umasta na ikaw si Clarisa. Kasi pagbaliktarin mo man ang mundo, ikaw na ngayon si Clarina. At wala ng magbabago dun. " Natahimik ako sa sinabi ni Clarina. Tama siya. Yun din ang dahilan kung bakit ako naloko ni Ethan noon. How I wish na kasing tibay ako ni Clarina. Kung sana naging mas maingat ako at hindi ako nagtiwala agad-agad sa mga taong nasa paligid ko, di sana buhay pa ako. Kasalanan ba ang maging mabait? Sa buong buhay ko yun lang ang ginawa ko. Ang sumunod at maging mabait na tao. Masiyado ko atang na abuso ang pagiging mabait ko. Napayuko at napatingin nalang ako sa sahig ng dahil sa sinabi ni Clarina. Tama naman siya eh. Hindi ako aangal dun.
" So ano na plano niyo?" Tanong ni Deon sa amin. Nagkatinginan naman kaming tatlo sa tanong niya. To be honest si Clarina ang palaging may plano at gumagawa ng plano.

BINABASA MO ANG
CLARINA
Mystery / ThrillerAng katagang binitawan ay isasakatuparan.. ---- What if your worst nightmare comes to life??? Clarisa Dela Fuente is a rich yet simple girl. Mabait, masayahin, may tapat at mabubuting kaibigan, mapagmahal na pamilya at mapagmahal na kasintahan, nas...