CHAPTER 13

51 1 0
                                    

Nathalie Gomez in multimedia
-----
THIRD PERSON
Maraming istodyante na nag bubulungan sa bawat gilid ng paaralan dahil sa isang kumakalat na balita na sa tingin nila ay d kapanipaniwala. Kahit sa class room ng 12 ABM ay may kanya kanayang grupo ang mga tao na nagbubulungan.

   Pagkadating ni Ethan sa class room ay agad siyang hinila palabas nila Jake at Ella at dinala sa lugar kung saan maayos silang makakapagusap. "Ethan Evans.Narinig mo na ba ang balita???" Desperadong tanong ni Jake. Kumunot lang ang noo ni Ethan. "Magugulat ka sa balita,cuz!" D makapaniwalang sabi ni Ella."ano ba yun?" Tanong ng binata. Nag katinginan ang dalawa at sabay na sinabing. "Ikakasal daw si Clarina at Nathan." Pagkasabing pagkasabi nila non ay parang nagising ang diwa ni Ethan. "Ano?!" Sigaw ni Ethan. "Yun ang bali-balita ngayun. Atsaka bro,sinabi lang namin toh para updated ka sa nangyayari pero bat .......parang papatay ka na ng tao sa itsura mo ngayon?" Napatitig ang dalawa sa reaksyon ng binata. Nakakuyom ang mga kamay nito at parang papatay. Hindi rin niya alam sa sarili niya kung bakit pero parang gusto niyang tumutol doon. Kahit sabi-sabi palamang ito ganito na agad ang reaksyon niya. "Bro...ayos...ka lang ba?" Tanong ni Jake. "Kung ano man ang iniisip niyo...hindi ganun yun. Alam naman nating lahat na ganid sa pera,kayamanan at kasikatan ang mga Gomez. Masama ang pakiramdam ko dito. Kailangan natin silang pigilan. Hindi umaayon lahat sa plano ko." Madiin at pabulong niyang sabi sapat na para marinig ng dalawa. "Plano?" Tanong ni Ella."basta Ella.mahabang kwento. Atsaka nanamin ipapaliwanag sayo." Tugon ni Jake. "So anong gagawin natin. Meron ka nabang naisip na plan B?" Tanong ni Ella. Nagisip ng mabuti si Ethan. "Mukhang eto nalang ang paraan para makasiguro tayo..."

    Nakapasok na si Clarina sa class room nila at naging tahimik ang paligid.parang may anghel na dumating kaya naging tahimik ang lahat. Ng makaupo siya...."Totoo ba??" Tanong agad sa kanya ni Jina.kumunot naman ang noo ko."ano?" Tanong ko."alam kong alam mo yung sinasabi ko." Ahhh..."hintayin niyo nalang ang announcement." Sabi ko. Ayokong pangunahan si dad sa bagay nayun. Napansin ko naman nakakapasok lang ng magpinsan. Kampante lang silang naupo sa kanilang upuaan at dumating na ang prof namin.

  Nag announce ang school na may meeting ang mga teachers kaya maaga kaming pinauwi. Pagkauwi ko ay sinabihan ko kaagad si Ate Alice na idala nalang ang bag ko sa kwarto at may pupuntahan ako. 2pm palang ng hapon kaya medyo mainit pero mahangin habang papunta ako sa burol. Napansin ko agad ang isang bulto ng lalaki na alam ko na kung sino. "Ethan?" Tawag ko sa pangalan niya na ikinalingon nito.

(Play the song in multimedia habang binabasa niyo ang part na ito.)

"Clarina?" Hindi makapaniwalang tingin nito pero biglang nagbago ang ekspresyon nito. "Ikaw ba talaga yan?" Nasurpresa ako sa tanong niya. "Nahihirapan na kasi akong maniwala sa mga nakikita ko. Baka ibang tao pala ang kaharap ko." Nakayuko niyang sabi. Umupo ako sa tabi niya. Hindi ko malaman sa sarili ko at hinawakan ko ang pisngi niya at hinarap ang mukha niya sakin. "Makinig ka. Sometimes, Do not use only eyes, we also need to use heart and mind. Remember, not everything you see is true." Napangiti naman ito at napahawak sa kamay ko na nasa pisngi niya na agad ko namang tinanggal ang kamay ko. "Have you ever fall in love?" Napatingin ako sa kaya na malayo ang tingin. "No." I lied." Kapag nag mahal ka malalaman mo ang pakiramdam na masaktan." Ohh.. really??"pano mo naman nasabi." Nag kibit balikat naman siya. Tumayo ako at akmang aalis na ng madulas ako. Naramdaman ko nalang na may sumalo sakin at nagpagulong-gulong kami pababa ng burol hangagang sa marating namin ang pinaka baba. Mahigpit ang yakap niya sa bewang at sa likod ng ulo ko at isinubsob niya ang mukha ko sa dib-dib niya. Gulat parin ako. "Hahaha!!" Tawa naman niya.inilayo ko ang sarili ko ng konti dahilan para mapaibabaw ako at siya naman sa ilalim at inis na tumingin sa kanya."bakit ka tumatawa?" Tanong ko.Ngayon ko lang napansin na magkalapit ang mukha namin at nagkakatitigan na akami.

CLARINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon