Jake Santilan in multimedia
----
THIRD PERSON
Tahimik lang ang lahat habang sila ay nagkaklase. Nagtataka ang kanilang Guro kung bakit,ngunit sa isip ng mga istudyante ay ang pangyayari kanina. Ang pagsiwalat ng katotohanan ni Clarina at Jina tungkol sa nanghari kahapon. "Okay,Good bye class. Wag nyong kakalimutan ang project niyo ha?" At umalis na ang Guro. Nagkumpol-kumpol naman ang bawat magkakaibigan sa loob ng class room. "Ano ng gagawin natin,Nathalie?kung hindi si Clarina ang nagligtas sayo sino?" Tanong ng isa sa mga kaibigan ni Nathalie na si Jade, Jade Francisco. "Mukhang kailangan natin ng tutulong saatin." Hindi ito mapakali sa kanyang kinauupuan. Nagulat ang lahat ng pumasok ang isa sa kanilang mga kaklse na pawis na pawis at kagagaling sa labas. "Guys!nagkakagulo sa la...labas!" Nahihirapang pahayag nito. Nagkatinginan silang lahat. "Ano ba ang nangyayari?" Tanong ni Jake. "May matandang babae ang nakapasok sa loob ng school.may sinasabi siya tungkol kay Clarisa." Pagkasabing-pagkasabi ng kaklase nila ay tumakbo agad palabas si Ethan at pagkatapos nun ay nagsitakbuhan narin sila palabas papunta kung saan ang matanda.Nakarating na sila sa lugar kung nasaan ang matanda."NAGKAKATOTOO NA ANG SUMPA NI CLARISA! NAGKAKAGULO NA ANG BUONG SAN FILIPE DAHIL SA KANYA!KAILANGAN NATIN SIYANG MAPALAYAS!"
Crazy old lady.
Siguro nga kailangan nating gawin yun.
Sa tingin mo ba ganun yun kadali.
Mahirap kalaban ang katulad niya.
"Kayong kambal na Gomez, hindi niya kayo patatahimikin. Lalo ka na Ethan Evans. Hindi ba niloko mo siya? Andito siya hindi lang basta para mag higanti kundi para isama kayong kambal sa kabilang buhay." Huminto ito sa pagsasalita at lumapit kay Clarina. Hinawakan niya ang magkabilang braso ng dalaga at nag salita. "Hindi ka na dapat pa nag punta dito. Ginulo mo ang lahat. Binigyan mo ng pagkakataon si Clarisa para makapag higanti. " tinignan siya ng malamig ni Clarina na nakapag panindig sa balahino ng Matanda. "So what?Bakit nga ba mag hihiganti si Clarisa? Ano bang kasalanan niyo sa kanya? Hindi ba dapat mas wag tayong matakot? Kasi kung wala tayong kasalanan sa kanya hindi niya tayo sasaktan,hindi ba?ano bang kasalanan sa inyo ni Clarisa at ganito kayo sakanya?" Huminto ito sa pagsasalita at inikot ng kanyang paningin ang paligid. "Sige!papayag ako!aalis ako dito KUNG may makapagsasabi na may nagwang ksalanan na mabigat si Clarisa. Mag salita na kayo. Tatawagan ko agad si Ate Alice para ihanda ang gamit ko kung may masasabi kayo na kahit ISANG mabigat na kasalanan si Clarisa." Natahimik ang lahat sa sinabi ni Clarina. Walang nagtangkang mag salita sa kanila,kahit ang kambal. "Wala? Okay! Madali akong kausap. Hindi ako aalis dito. Lalo ka na*sabay turo sa matanda*. Hindi ako aalis dito dahil wala kang karapatan na paalisin ako dito." At nag lakad na ito paalis.Natahimik ang lahat ng tao sa paligid dahil sa sinabi ni Clarina.
Lumipas ang oras at sumapit ang hapon.Nagmamadaling umuwi si Nathalie dahil may gusto siyang malaman. Kasama niya ang iba nilang kaklase at isa na doon sina Ethan,Nathan,Jake at Ella. "Nathalie saan ba tayo pupunta?Bakit ka ba nag aapura?" Tanong ni Nathan."pupunta tayo sa bahay ni Kuya Greg, yung Paranormal Expert. Yung kakilala ni Dad?" Nagkatinginan naman silang lahat. "Bilisan lang natin doon. Marami pa akong importanteng gagawin." Malamig na sabi ni Ethan.
Nakarating na silang lahat sa bahay na sinasabi ni Nathalie. "Kuya Greg!Kuya!" Sigaw niya sa labas. "Oi!seryoso ka ba talaga dito?" Tanong ng isa niyang kaklase. Tinignan lang niya ito ng masama. Maya-maya ay lumabas ang isang lalaki na nasa 20's na. "Nathalie?Nathan?Pasok kayo.Pasok." pagyayaya ng lalaki na si Greg.Gwapo ito,matangkad,maputi at disenteng disente ang pananamit. Pinaupo niya ang magkakaklase sa loob ng bahay pero bigla nalang itong nakaramdam ng kilabot ng may maramdaman itong kakaiba. "May kasama pa ba kayo?" Nagtaka naman silang lahat sa tanong ni Greg sa kanila. "Wala naman po,Kuya Greg. Bakit po?" Tanong ni Nathan. Sinarado ni Greg ang mga kurtina. "May kasama kayo kanina na nakaitim na lalaki." Nangilabot silang lahat sa sinabi ni Greg. Pinagpatuloy noya ang kanyang sinasabi. "Isang Grim Reaper. Pero anong kailangan niya sainyo?" Tanong nito. Nagkatinginan ang magkakaklase. "Baka sinusundu na si Nathalie?" Sinamaan ng tingin ni Nathan at Nathalie ang kaklase nila. "Hulaan ko kung ano yung pinunta niyo dito. Tungkol ba toh kay Clarisa?" Tanong ni Greg. Tumango lang si Nathalie. "Gusto ko lang itanong. Bakit ilang taon na ang naklikipas. Halos 2 taon na pero bakit andito padin ang kaluluwa niya?" Tanong ni Nathalie. Huminga ng malalim si Greg. "May tatlong dahilan kung bakit pa siya nandito. Una, dahil gusto niyang maghiganti sa nangyari sa kanya. Pangalawa, kaya hindi pa siya umaalis dahil may mga tao o bagay na pumipigil sa kanya para umalis at pangatlo,hindi pa niya oras para mamatay pero namatay siya. Sa kaso ni Clarisa, ang gusto niya ay Hustisya. Nakakatakot ang katulad niya para sa inyo. May dalawang bagay na kaya niyang gawin, oras na magtagal siya dito sa mundo ng nabubuhay maaari siyang lumakas bilang isang kalukuwa kaya niyang magpakita sa tao at kaya niyang hawakan ang mga bagay na tanging mga nabubuhay lang ang kayang humwak nito at napaka delikado nun,Nathalie." Nakikinig lang sila sa sinasabi ni Greg. "Anong ibig sabihin nun?" Tanong ni Ella. "Magkakaroon siya ng potensyal na saktan kayo or ang mas malala ang matay kayo."
CLARINA DELA VEGA
"Grabe!hindi ako makapaniwala sa sinabi nila saatin." Andito kami ni Jina sa garden ng bahay. Malawak ito at kita ang magandang view. "Hindi natin sila masisise dahil kay Clarisa." Tugon ko sa kanya. "Pero,ang galing ha!to the next level na ang powers nitong si Clarisa. Ang galing niya!kaya ka niyang gayahin." Tama si Jina. Hindi ko lubos maisip na kayang gawin iyon ni Clarisa. "What do you think about... Ethan?" Biglaan kong tanong na ikinabuga ng iniinom niya. "Wait! Are you interested on him?" Tanong nito. " Ano ba ang nangyari sa kanila ni Clarisa at bakit humantong sa ganito ang lahat?" Tanong ko. Huminga naman siya ng malalim. "Sa pagkakaalam ko,niloko daw niya si Clarisa. Fiancée niya nun si Clarisa dahil pinagkasundo sila. Mahal nila ang isat-isa pero--" "okay tama na. Parang ayokong marinkg ang susunod na sasabihin mo." Tigil ko sa kanya. "Beh.Uwi na ako. Andyan na sundo ko.bye" at nag beso-beso kami. "siguro mas kailangan ko ng mas sariwang hangin."Pagkarating ko sa burol ay nakita ko agad si Ethan. Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya. Napatingin siya saakin. "Ako toh si Clarina." Sabi ko. Napabuntong hininga naman siya. Nagulat ako ng ipatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Mukhang pagod na pagod siya. "Andito ka ba para matulog?" Tanong ko at bahagyang napabungisngis sa kanya. "Pagod lang talaga ako." Sabi nito."Business?" Tanong ko. Tango lang ang sagot niya. "Ang hirap talaga pag anak mayaman ka. Ang daming arte sa buhay." Pagrereklamo nito. "Pasalamat ka nga at mayaman ka. Hindi lahat ng tao nabibigyan ng pagkakataon na maging mayaman noh." Sabi ko sa kanya. Naramdaman kong ipinatong niya ang kanyang baba sa balikat ko. "Hindi lahat ng mayaman maswerte. Aanhin mo ang yaman na meron ka kung yung taong itinuring mong kayamanan ay ninakaw ng mapait na kapalaran? Mas importante ang buhay kesa kayamanan noh." Sabi nito kaya napalingon ako sa kanya at... sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko! Napatingin ako sa mga mata niya. Para akong idinadala sa ibang dimention nito. Punong puno ito ng imosyon.
ETHAN EVANS
Nagkatitigan kami ni Clarina. Nakakaakit ang mga mata niya. Napababanaman ang tingin ko sa kanyang labi na mapupula. Nakakakit ang mga labi niya. Para akong tinatawag nito kaya diko mapigilan ang sarili ko na ilapit ang mukha ko. Napapikit siya. Hindi ko inaasahan at inilapat ko ang aking labi sa kanyang labi. Napakalambot nito at nakakaadik parang ayokong bumitaw. Iginalaw ko ang aking labi at tumugon siya sa aking mga halik. Mas lalo akong naaadik sa kanyang mga halik,para akong batang uhaw na uhaw. Hinawakan ko ang batok niya para mapalalim ang halik namin. Para akong mababaliw. Siguro ito na ang tanging paraan para mapigilan ang engagement nila ni Nathan. Humiwalay siya sa paghahalikan namin at parehas kaming hingal na hingal. Nakita ko ang pamumula sa kanyang mukha. Napangiti ako.Nandito na ako sa bahay. Nakahiga ako sa kama habang hawak-hawak ko ang aking labi. Para akong baliw na ngingitingiti. Naalala ko nanaman ang mga tanong nila Mom at Ella kanina.
Flash back...
Hindi kami nagimikan ni Clarina sa boong oras na iyon hanggang sa magpaalam siyang uuwi na siya. Pagkatapos niyang umalis ay nanatili pa ako doon hanggang 7pm. Pagkatapos ay umuwi ako ng may ngiti sa labi. Nakasalubong ko si Mom na may kunot sa kanyang noo. "Anak. Ngayon ko lang nakita na nakangiti ka ah.Mukhang may magandang nangyari. Ano ba ang nangyari sayo?" Tanong nito,pero nginitian ko lang siya. Sumunod naman na nakasalubong ko ay si Ella. "Oh!cuz?ayos ka lang?mukha kang baliw na ngiti ng ngiti diyan. Ano ba nangyari sayo?" Kagaya ng ginawa ko kay Mom ay nginitian ko lang siya.
End of flash back...
Hindi parin mawaglit sa aking isipan ang nangyari. Mukhang mapupuyat akong wala sa oras nito. Hayyy...
SOMEONE
Nag lalakad ako pababa ng bodega kung saan may ginawa ako noon na isang espisyal na bagay. Ng makarating ako doon ay pumuta agad ako sa parang book shelves doon at may pinihit ako doon at itinulak ko ito para mabuksan. Isa itong sikretong kwarto. Napakatagal na simula ng makapasok ako ukit dito sa kwartong ito. Nag punta ako sa harap ng white na pisara at may mga litrato doon ng mga kilalang mukha dito sa San Filipe. Napangisi ako ng makita ko ang picture ng taong yun. "Wag kang mag alala. Balang araw malalaman mo ang mga pinaplano ko. Sa ngayon kailangan kong munang umarte. Mukhang magagamit kita sa mga plinaplano ko."
BINABASA MO ANG
CLARINA
Mystery / ThrillerAng katagang binitawan ay isasakatuparan.. ---- What if your worst nightmare comes to life??? Clarisa Dela Fuente is a rich yet simple girl. Mabait, masayahin, may tapat at mabubuting kaibigan, mapagmahal na pamilya at mapagmahal na kasintahan, nas...