JERICO ALVAREZ
" Si Clarisa. " Para bang tumigil ang pagtibok ng puso ko.
" Teka... Saglit lang-- " Mag sasalita pa sana ako ng magsalita siya ulit.
" I know it's hard to believe, but that's the truth. Wala din naman may gusto nito. We just want to set things right. " Set things right? Mukha bang tama yung ginagawa nila?
" Set things right? Alin yung aayusin? Kahit saang anggulo ko tignan, mali lahat eh. " Tama naman ako diba? Pero ang hindi ko maintindihan, bakit parang si Clarina yung namatay at hindi si Clarisa?
" It's not Clarisa's time yet. Me, I was the only one supposed to die that night. What happened to Clarisa could have been cured if someone had helped her right away. Pero walang tumulong sa kanya. " Pag papaliwanag ni Clarina. Hindi pa dapat mamatay si Clarisa? Pero... Ang gulo pa din!
" The grim reaper lists tell who will die. Someone gave them lists for that day but, there was an incident that caused the name to be deleted. Before the list could be given to them, pangalan na ni Clarisa ang nakalagay. They thought it was also a grim reaper but, no. An evil spirit had come to cause them to get into trouble. Hindi lang sakanila, pati narin sa atin. " Halos ayaw pa din mag proseso sa utak ko lahat ng mga sinabi niya.
" Kailangan namin mahanap ang taong pumatay kay Clarisa. In that way, lahat ay magiging maayos na. " Napatingin ako sa kanya.
" Paano ka? " Tanong ko sa kanya. I want to know what will happened to her after nilang makuha ang hustisiya.
" Edi I'm free to go. Punta na ako sa Afterlife. " Nangunot naman ang noo ko. What? Teka! Buhay pa yung katawan niya! Hindi pwede yun!
" What? You can't just leave while your body is lurking around and use by someone else. Is that even possible? " Tanong ko sa kanyan. Napa smirk naman siya.
" Nakalimutan mo na ba? Ako lang dapat ang mamatay. Even if bumalik ulit ako sa katawan ko, wala ding mangyayari. That won't work. Kahit ilang beses akong bumalik, hindi na ako mabubuhay. Unless, hahanap ako ng katawa na nababagay sakin. At kahit naman pwede yun, hindi ko yun gagawin. Hindi rin ako magiging masaya. " Natulala lang ako sa mga sinabi niya. Nagtaka naman ako ng bigla siyang ngumisi at nilapit ang mukha niya sa mukha ko.
" O baka naman gusto mo ko mag stay? " Mapangakit niyang tanong.
" Hindi ah. Kung anu-ano iniisip mo." Natawa naman siya sa sinabi ko. Wala naman nakakatawa doon eh. Sino ba naman ang may gusto na mag stay ang isang multo dito? Diba wala?
" Sige na. I'm leaving. I already told you what you need to know. Pero wag kang makikielam sa mga gagawin namin, kung ayaw mong madamay. Bahala ka. Isasama kita sa Afterlife. " At bigla siyang nawala. Medyo kinilabutan naman ako sa sinabi niya. Ayoko nga! Siya! Mag isa siyang pumunta sa kabilang buhay!
BINABASA MO ANG
CLARINA
Детектив / ТриллерAng katagang binitawan ay isasakatuparan.. ---- What if your worst nightmare comes to life??? Clarisa Dela Fuente is a rich yet simple girl. Mabait, masayahin, may tapat at mabubuting kaibigan, mapagmahal na pamilya at mapagmahal na kasintahan, nas...