CHAPTER 9

42 1 0
                                    

Jerico Alvarez in multimedia
---
THIRD PERSON
Nag bubulungan ang mga tao sa loob ng simbahan dahil sa nangyayari. Ang iba naman ay natatakkt dahil sa kakilakilabot na nangyayari sa loob ng simbahan. "Stop the act now Clarina. Tinatakot mo na ang mga tao dito!" Mataray na sambit ni Nathalie pero nginitian lang sya ni Clarina na naging dahilan ng pangingilabot nya. Lumapit si Clarina sa isang bata at naupo ito sa harap nya. "Pwede ba kong makahingi ng kandila?" Nakangiting tanong nya sa bata na sya namang ikinatango nito. Ng makakuha na sya ng kandila ay sinindihan nya ito. Gayon nalamang ang gulat ng lahat ng pag bukas nito ay kulay bloody red at black ang kulay ng liwanag na nanggagaling dito. "Hindi ka dapat nandirito! Isa kang sumapa!" Sigaw ng isang ale. At mas lalong nag bulungan ang lahat. Humarap si Clarina sa kanila at nag salita. "Ganyan ba ang kapalit ng mga magandang nagawa ko sa inyo noon?" Natameme ang ale at napayuko. "Bakit ka pa nasa mundo ng nabubuhay Clarisa? Ano ang gusto mong gawin para matahimik na ang iyong kaluluwa?" Tanong ng pari kay Clarina (Clarisa). "Anong gusto ko?" Tumingin sya kung nasaan ang pamilya ng mga Evans at Gomez kasama ang kanyang mga magulang ni Clarina. " MAG BAYAD ANG MGA TAONG NAGING DAHILAN NG PAG HIHIRAP AT PAGKAMATAY KO!" punong puno ng galit at hinanakit ang mga salita nya. Mas lalong natakot ang lahat sa kanyang presensya. Ang mga bata ay umiiyak na. "Hindi ba dapat hindi ka nakakapasok sa lugar na toh?"tanong ni Mrs.Evans.ngumiti lang ng matamis si Clarina (Clarisa) at inalala kung paano siya nakarating dito.

FLASH BACK...

Nag lalakad siya sa kawalan, Tila walang patutunguhan.
Hindi parin siya matahimik,
dahil sa kanyang pusong nag ngingitngit sa galit.

Habang siya ay tulala,
siya ay nabigla
Isang hindi kilalang nilalang,
Ang lumitaw sa parang.

'Sino ka?'
yan ang tanong nya,
'Mahalaga pa ba ang aking pagkakakilanlan?'
Yan ang kanyang linyahan.

Napadpad sa pamilyar na lugar,
Hindi alam kung saan siya lulugar
Sa paligid na puno ng katawan,
katawan na dapat dalhin sa huling hantungan.

'Bakit tayo nandito?'
Tanong sa umiikot sa kanyang ulo
'Upang tulungan ka.'
Pero hindi siya naniwala.

'Hindi ako naniniwala.'
Binibining Hindi makapaniwala
'Bakit ayaw mo?'
Tanong sa binibining nasa tabi nito.

'Hindi ba dapat ikaw ang mag dadala sa akin kung saan talaga ako nararapat?'
Dahil alam niyang hindi ito nararapat
Hindi kumibo ang ginoo,
Na walang inisip kung hindi ang binibining ito.

"Hindi dapat ako ang susundo sayo. Ang palad mo. Yan ang mag sasabi sayo kung saan ka nararapat."
Pagsasabi niya ng tapat.
'hindi kita maintindihan.'
Binibining hindi maunawaan.

'Maiintindihan mo din ang dahilan.'
Silay nag katinginan
'Hindi kasana nag kamali...

Grim Reaper..'

And of flash back...

"Hindi na mahalag yun tita." Sabay ngiti nito.

"Sino ba ang pumatay sayo Clarisa?Nakita mo ba ang mukaha niya?" Tanong ni Emily. Maluha luha ito dahil sa wakas makakausap na niya ang kanyang kaibigan.

"Bakit ko sasabihin. Gusto ko muna siyang pahirapan NG MARANASAN NIYA KUNG PAANO MABUHAY SA IMPYERNO!" sigaw niya at namatay lahat ng kandila.

" hindi ka na sana bumalik Clarisa!hindi lang maganda ang naidudulot mo dito."

"Kung meron mang walang magandang naidudulot IKAW yun." Pang babara ni Clarisa kay Nathalie.

" anong sabi mo?!" Tanong ni Nathan at akmang susugudin niya ito ng bigla siyang tumalsik dahil sa pag tingin sa kanya ni Clarisa. Tumama siya sa pader at na paupo sa sahig.

"Nathan!" Tawag ni Nathalie kay Nathan. Akmang lalapit siya dito ng bigla siyang tumalsik paatras at napunta siya mismo sa harap ni Clarisa. Hinawakan siya ni Clarisa sa mag kabilang braso at nag salita.

"Ng dahil sa inyo may isa pang taong namatay! May isa pa kayong taong hindi binigyan ng pag kakataon na mabuhay! Sana kayo nalang namatay! Wala na sana ang mga taong mag hihirap kung wala kayo! May isang nasakripisiyo ng dahil sa inyo! Andito pa dapat siya kung hindi dahil sa inyo! KASALANAN NINYO TONG LAHAT!! MAG BABAYAD KAYO!NAG SISIMULA PALANG AKO." Umiiyak nitong sigaw at halos mabasag ang bintana ng simbahan dahil sa negatibong enerhiya sa loob. Gustong lumabas ng mga tao ngunit hindi mabuksan ang pintuan.

" At ikaw Ethan! Ginawa mo akong mangmang dahil sa panloloko mo sakin!Ang sakit ng mga Ginawa mo!Sinayang mo ang pag mamahal na binigay ko sayo!Namatay ang anak natin ng dahil sayo!!" Sigaw nito na ikinabigla ni Ethan.

"A-anak??" Nabasag ang boses nito dahil sa nag babadyang pag luha niya.

"Kasama kong namatay ang anak natin.. Ethan.." hinawakan niya ang kanyang tiyan at napangiti habang umiiyak.

"May buhay na siya nun Ethan...Yung anak natin.. wala na... Buti sana kung ako nalang yung namatay!pero yung... anak ko..anak natin.. Hindi man lang siya nabigya ng pagkakataon na mabuhay!!Pinatay mo ako!pinatay mo kami ng anak mo!pinatay mo kami sa panloloko mo!siya sana ang surpresa ko sayo nung gabing yun... pero..ako..ako at anak natin ang nasurpresa sa nakita ko!!taksil ka! Ng dahil sayo wala na ang anak natin!namatay siya ng dahil sayo!" Iyak nito habang pinag hahahampas ang dibdib ni Ethan na nakatulala.. Niyakap niya si Clarisa pero patuloy pa din si Clarisa sa pag hampas sa dibdib niya.

"Patawarin mo ko Clarisa. Nag kamali ako..wag kang mag alala ipag hihiganti kita.." sabi nito sa isip niya. "Ang anak natin.." yan ang mga huling sinabi ni Clarisa bago ito mahimatay hudyat na naka alis na ito sa katawan ni Clarina. Buti nalamang nasalo ni Ethan si Clarina. Tulala naman ang kanilang pamilya sa nalaman lalo na si Jerico at Emily na hindi makapaniwala sa nangyari.

Nakalabas na ang mga tao sa simbahan at umuwi na muna sa kanya kanyang tirahan. Sinabihan sila ng pari sa bukas nalamang ng maga itutuloy ang misa. Sa mansyon naman ng mga Evans... "Dad--"

*BUGSH!*

hindi pa naitutuloy ang sasabihin ni Ethan ay sinapak na siya ng kanyang ama.

"TITO!"

"HON!"

"ERALD!"

yan ang sigaw na umalingaw ngaw sa mansiyon ng mga Evans at ang iba naman nilang mga kapwa nila Evans ay natulala sa ng yatari.

CLARINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon